*Chapter Eight: Huwag Magsalita Ng Patapos

329 5 3
                                    

Chapter 8:  Huwag Magsalita Ng Patapos

Nagising lamang ako sa reyalidad nang may humaplos ng pisngi ko. Ngayon ko lang namanpsing umiiyak na naman pala ako.

 

"Best naman, umiiyak ka na naman dyan." Sabi niya ng may halong inis at awa.

 

"S-sorry best, naalala ko na naman kasi yun eh. Masakit pa rin sobra, lalo na sa part ko. Hu hu hu hu hu."

"Best..." hinawakan niya ang dalawang kamay ko.”Alam kong mahirap ang mga pinagdaanan mo, ninyo ni Patrick but, please naman Celine, just moved-on, pagbigyan mo naman ang sarili mo na sumaya dahil walang mangyayari sa buhay mo kung lagi mong binabalikan ang dapat matagal mo nang naibaon sa limot. Sa tingin mo ba masaya ngayon si Patrick sa nangyayari sa'yo?"I shooked my head as an answer. “Iyon naman pala. Patawarin mo na ang sarili mo. Alam kong iyon ang gusto ni Patrick na mangyari. Kung buhay man siya ngayon, hindi niya nanaising sisihin ang sarili mo sa nangyari, and besides walang may gusto ng lahat, aksidente ang lahat Celine, aksidente ang nangyari sa inyo.”

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya, at tanging hikbi na lang ang lumalabas sa bibig ko. Napatungo ako na patunay na sumasang-ayon ako sa sinabi niya. Sandali akong nanahimik sa paghikbi. Tama siya, kailangan kong kalimutan ang lahat pero papano? Gayong hindi ko alam kung saan magsisimula.

Kahit anong palamuti na ang ilagay ko sa mukha ko para lang walang makahalata ng kalungkutan ko, ay mayroon pa rin pa lang nakakakita nito. Alam ko na sa kabila ng pagiging matatatag ko sa harapan nila ay merong nakatagong lihim na pilit kong hindi ipinapakita. Tatlong taon akong nagpretend na okay lang ako, pero ang totoo nito ay araw araw akong nagigising na may luha sa aking mata. Sapagkat tuwing gabi ko lang naman nailalabas ang totoong ako. Ako na mahina, at mababaw ang luha.

 

"Ano bang dapat kong gawin best, pinipilit ko namang kalimutan eh, Di ba? Pinilit ko rin namang buksan muli ang puso ko? Pero anong nangyari nasawi lang ako. At isa pa paano ko magagawang kalimutan ang lahat gayong ako naman ang may kasalanan kung bakit--"

 

"Nangyari ang lahat dahil sa’yo?" Pagtutuloy niya sa sasabihin ko.

Napatungo na lang ako. "Best, ilang beses na ba naming sinabi sa'yo na walang may gusto ng nangyari, hindi mo 'yon kasalanan, kaya please best, stop blaming yourself, kasi hangga't hindi mo pinapakawalan ang masamang bangungot na yan, lalong magiging miserable ang buhay mo."inis niyang usal. Alam kong paulit-ulit na lang sila ng sinasabi sa akin. Pero subukan mong lumugar sa estado ko, ang hirap, mas mahirap pa ito sa pakikipaghiwalay. Dahil ito, hindi lang mental ang kalaban mo, hindi lang pisikal at emosyonal, kundi pati na rin ang konsensya mo. Mas miserable pa nga ako sa paralisadong tao.

Grace's POV

 

"Nangyari ang lahat dahil sa’yo?"pagtutuloy ko sa sasabihin niya.

 HAAAY! Nako, heto na naman ba kami sa, paulit-ulit na diskusyon? Lagi na lang ganito ang kinahahantungan ng pag-uusap naming, tuwing magsesenti siya. Nakakainis na nga minsa eh, papasok sa kabilang tenga tapos ilalabas sa kabila.

A SECOND CHANCE (on-going)Where stories live. Discover now