*Chapter Ten: He Did It Only For Me?!

282 7 14
                                    

Chapter 10: He Did It Only For Me?!

**********************************************************************

Makailang sandali pa'y nagpasya na kaming umuwi bandang mga ala-sais ‘y media. Sinabi ko kasi nab aka hanapin na ako sa amin, since hindi ko pa nasabi kay mama kung ano ba talaga ang importanteng lakad ko. At siguradong sermon na naman ang abot ko nito dahil inniwan ko ang bodyguard ko na siguradong nagsumbong na ngayon sa mama ko, natural si Grace na nga iyon.

Agad kaming tumungo sa ibaba ng lumang building na iyon, hindi ko na rin nakita ang mga malagoose este goons na mukha ng tatlong lalaking kumidnap sa akin. At ang mastermind ng lahat ng to ay nandito ngayon sa tabi ko. At hanggang ngayon ay walang kibuang nangyari sa amin simula nang mapaliwanag kung ano ang gusto niyang mangyari. Hindi na rin naman namin pinag-usapan ang tungkol sa nangyaring pagkidnap niya ‘KUNO’ sa akin. Alam kong nakakailang ang muli naming pagkakaharap, ang weird nga eh, ito ang first na pagkikita naming simula nung nag-college siya tapos ganito lang ang ipapasalubong niya sa akin. And take note, KAKAIBA ito sa lahat ng balik bayan. Kung yung iba ay sobrang tuwa kapag dumatating ang miyembro ng pamilya galing ibang bansa ito naman, sobrang nakakatakot, to the point na, akala mo eh kukunin ka na ni Lord ng maaga. Ang WEIRD! At ang AWKWARD ng atmosphere. Ayoko rin namang mag-umpisa ng topic kasi wala ankong alam na pag-uumpisahan ng diskusyon sa amin.

At hanggang dito nga sa sasakyan niya walang nagsasalita.Tahimik pa rin kaming dalawa. Kahit na nung pagbuksan niya ako sa passenger’s seat hindi man lang siya kumibo, kahit man lang ‘hoy! Pasok ka na!’ o kahit simpleng ngiti man lang hindi ko siya nakakitaan. Sobrang formal ng pagmumukha niya na akala mo walang nangyari, ni hindi man lang siya humingi ng tawad sa pagkakawaldas ng precious time ko.Sa totoo lang, naiilang pa rin ako sa kanya. Lalo na ngayon ang AWKWARD!

Alam kong alam niya na nabibingi na ako sa katahimikan kaya naman binuksan niya ang radyo para mawala sana ang awkward atmosphere. Ngunit tila yata, hindi nakatulong ito bagkus ay lalo pa itong ikinainis ng damdamin ko. Hindi ko nga baa lam kung nanadya lang ba ang panahon o nangaasar dahil sa mga oras na ito pang-mga lovers nga pala ang mga kanta. In other words puro love song.

Eeewww!! Mga walang hiyang composer ng lovesong ‘yan oo! Dapat iyang mga walang kwentang kanta na iyan eh maipa-banned na diti sa pilipinas. Ugh! Nakakainis!

Naramdaman niya ata na napakunot ang noo ko, dahil sa tugtog, kaya naman nilipat na lang niya sa ibang istasyon.

Uh-oh! Hindi maganda na ito. Mas lalo akong nainis dahil sa kasalukuyang pinapatugtog na kanta. Paano ba naman kasi iyong ‘the man who can’t be moved’ pa ang natiyempuhan ng istasyon na ipatugtog nila. Kaya pinatay na lang niya ung radyo saka nag sorry.

‘Buti pa nung nainis ako dahil sa kapangitan ng kanta eh nagsorry siya. Pero sa pag-aksaya niya ng oras ko hindi siya nagsorry!’

"Pasensya na puro ganyan talaga ang tugtog kapag ganitong pagabi na."

"Ayos lang." ngumiti naman ako nang bahagya upang maitago ang pagka-ilang gayun din ang pagkainis ko.

"Ahm.. Matanong ko lang.." pagbasag ko sa kantahimikang kanina pa namumuo sa amin. Mas mabuti nga na kausapin ko naman itong ugok na ito kaysa naman mapanis ang laway ko sa pagiging pipi.

"What is it?" mahinahon niyang tanong. ‘Wow! Sa ganyang kondisyon ng mukha niya, mahinahon na pala siya sa lagay na niyan ah. Hindi halata.’

"S-sino sila?"alangan kong tanong.

"Sinong sila?" he asked repeatedly

A SECOND CHANCE (on-going)Where stories live. Discover now