*Chapter Twenty Four: The Anger

177 3 0
                                    

Chapter 24: The Anger

________________________________________________________________________________________

Celine’s POV

“Celine! Ano ba buksan mo ang pinto!” pagmamakaawa niya sa akin. Psh! =__=  ano ba yan, kanina pa siya paulit-ulit sa mga sinasabi niya. Hindi ba siya napapagod?

“Ano ba Celine, sisirain ko ‘tong pintuan mo kapag hindi mo ko kinausap!” Grrr. Ayan na naman siya sa pagiging bossy niya.

“Isa! Celine pag di mo pa binuksan ‘to gigibain ko na tong pintuan ng kwarto mo!”

“Eh di sirain mo, wala akong pakielam, ikaw naman ang manangot kina daddy, kapag sinira mo yan!” Sigaw ko sa kanya.Wala pa ngang isang minuto ay, winawasak na niya yung pintuan ko.

‘Aba’y talagang tinotoo pa. nakakinis talaga! Hindi ba siya marunong matakot? grrr’>.<

“Hoooy! Anu ba! tumigil ka na nga dyan.” - ako

“Titigil lang ako, kapag lumabas ka na dyan!” -Keith

“Oo na! Lalabas na! just stop banging my door!” -ako

At parang batang agad sumunod sa utos ng magulang. Tumigil nga siya sa pagkalabog sa pintuan ko. Nag-ayos muna ako ng sarili. Eh sa nagulo yung buhok ko eh. Ganun talaga kapag nagpapapansin. What? What did I say?! Ako nagpapapansin sa kanya?! NO WAY. As in NO! Muli kong ginulo ang buhok ko, ng suklay. Nakakainis ano bang pinagiiisip ko this days. Minamaligno ata ako eh. Tsk!

“Celine! Hindi ka pa ba lalabas dyan?!” para naman akong natauhan sa pananalita niya. Kung kanina ay, may pagtitimpi pa sa kanyang boses, but this time parang naiinis na talaga siya. Agad naman akong pumunta sa harap ng pintuan. Inayos ko ang damit at ang sarili.

Tinitigan ko lang sandali ang door, ini-imagine ko kasi kung ano bang itsura ngayon ni Keith. Nako! Minsan lang naman kasi magalit yan pero yung galit niyang yon eh, nagiging monster talaga siya. Natakot ako bigla! Namamawis na rin ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa doorknob ng pintuan ko.

Waaaaaaaah!!!!! O____O

Ano kayang gagawin niya sa akin?! Kakatayin na niya kaya ako? Ibibitin patiwarik?! O baka naman ipakidnap na naman niya ko. Eh teka?! Bakit nga ba ko natatakot eh, dapat nga ako ang magalit sa kanya dahil iniwan ba naman ako kahapon. Sa lalim ng paglalakbay ng isip ko. Huli ko ng malaman na nakabukas na pala ang pinto.

Waaaaaaaaaaaahhh!!!!!! O______O 

-_____-       O___________O

Napakurap-kurap pa ako kung talagang totoo nga itong nakikita ko. P-paano niya nabuksan ang pinto? B-baka naman nagtransfrorm na siya into Monster kanina kaya siguro nabuksan ang pinto kasi malakas na siya.

“Ano ba Celine! Tutunganga ka na lang ba dyan huh?!”May halong inis at pagkasarkastikong usal niya.

“Errr, ahm, p-paano-?” pinutol niya ang sasabihin ko. Alam na niya siguro kung ano ung tinutukoy ko.

“Eh sa tagal mo ba naman buksan ang pintuan, edi kinuha ko na yung spare key kay Manang Fe.” Sabi niya. Napatulala naman ako sa mukha niya. Pero agad ko rin naman itong iniiwas.

“So? What brought you here? Ano bang kailangan mo ha?” tanong ko ng hindi makatingin sa kanya ng deretcho. Ewan ko ba bigla akong kasi nailang sa kanya. Paano ba naman kasi. Ang liit na lang pala ng distansya namin sa isa’t isa.

A SECOND CHANCE (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon