Chapter Thirty Nine: You Know that Feeling... (Part 1)

75 2 0
                                    

Celine’s POV

Ilang minuto rin akong nag-isip ng mga sasabihin ko sa kanya.

Halos inisip ko na rin ang lahat ng maaari niyang itanong sa akin.

Kung nasaan ako namalagi o nagtago. Sinong kasama ko ng mahigit isang linggo. At kung anong problema ko. At lahat ng possible at imposibleng itanong niya sa akin ay inisip ko na. Inihahanda ko na rin ang sarili ko na huwag masyadong magpapaapekto sa nararamdaman ko kapag nagpasya na akong magpakita sa kanya.

Sana lang… sana lang talaga, maging maayos na ang lahat, at sana magiging okay pa rin ang kahahantungan ng relasyon namin.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim, bagoiniscan ang phonebook ko para tawagan ang nag-iisang kong mahal. Ay siya namang pagbukas ng pinto at iniluwa nito si Grace upang tawagin ako para makapag-almusal na.

“sige best saglit lang.”singhal ko

 

“okay sige, bilisan mo lalamig ang pagkain.” nagkibit balikat lamang siya bago isara ang pinto.

Ibinaba ko na ang cellphone ko sa side table bago ako nag-ayos ng sarili.

Haay, mamaya ko na nga lang siya tatawagan.

Buong almusal ay nagkwentuhan lang kami ni Grace tungkol sa napanood niyang laban ng Miami Heat vs. Spurs. Dati rati hindi siya nanonood ng mga sports lalo na ang basketball. Naalala ko pa nga, siya ang numero unong bumabatikos sa mga players. Kesyo mayayabang talaga ang mga lalaki at ubod ng kahanginan sa katawan. Dumating pa sa puntong nakikipag-away siya sa mga fangirls ng mga players sa university namin. Pero mapaglaro nga talaga ang tadhana, kung ano at sino pa ang pinakaayaw niya 'yun pa ang napupunta sa kanya.

Ang that thought just heat me BIG TIME. Maaaring ganun din kaya ang magiging kapalaran ko? Matututunan ko rin bang mahalin ang lalaking iyon kung sakali?

'NO!' pag-tutol ng puso ko. Hindi ko pa rin maitatanggi sa sarili ko na ayoko ang mga nangyayari ngayon. At sana isa na lang itong masamang bangungot ngunit hindi. Wala na akong magagawa kung ito man ang kapalaran ko.

Hanggang sa nakarating nga kami sa diskusyong ito.

 

"Celine, is there someting wrong na naman ba?" she interrupted me by snapping in front of my face.

Napatulala ako sandali but when I shook my head para mawala ang atensyon ko sa pinag-iisip ko, I realized na naka-hang pala ang spoon sa tapat ng labi ko.

Ngumiti na lamang ako ng mapait and I try to compose myself before speaking, But I failed.

 

"Ahm, no.. W-wala. Wala ito." I lied again and again and again and again.

"O c'mon, Celine sa'kin ka pa ba maglilihim? Okay ka naman kanina ah. Ano na naman ba 'yang pinoproblema mo? C'mon spill it."

A SECOND CHANCE (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon