Secret Nights - 31

Start from the beginning
                                    

“So, are you alone in your hotel right now?” malanding tanong ni Samuel sa akin. Halos dikit na dikit na ang katawan niya sa katawan ko at naamoy ko na ang hininga niya na amoy alak. Nanayo yata lahat ng balahibo ko nang maramdaman kong bahagya niyang pinisil ang isang braso ko.

“Maybe you’d like some company? Sabihin mo lang at pwedeng-pwede ko silang iwanan para sa 'yo.” There was a sexual connotation at the way he delivered those words. Na para bang gusto ko naman siyang makasama sa hotel room ko.

Yuck!

Ngumiti na lang ako at nagkunwaring hindi narinig ang sinabi niya. Hindi ko binitawan ang inumin ko dahil sa takot kong baka may ilagay siya doong something.

Ilang saglit pa ay niyaya niya akong sumayaw. Dahil wala naman akong dalang bag dahil wallet at keys lang ang dala ko, pumayag ako sa gusto niya. Inubos ko lang ang martini ko at pagkatapos ay hinayaan ko na siyang hilahin ako papunta sa gitna ng dance floor.

Nagsisimula pa lang kaming sumayaw ni Samuel sa saliw ng maharot na tugtog nang tila pamilyar na bulto na nakatingin sa akin. At first, I thought that it was just an apparition. Pero habang tumatagal ay mas kumaklaro na sa mga mata ko kung sino ang lalaking nasa pinakasulok ng bar at mag-isang umiinom ng alak. It was Zach.

Himala, hindi niya kasama ang fiancée niya.

Hindi ako makapag-concentrate sa pagsasayaw dahil alam kong pinagmamasdan ako ni Zach. God, why am I even affected with his presence?

Dapat wala lang sa akin kung nandiyan man siya sa tabi-tabi. Cool lang ako dapat. Pero hindi ko talaga magawang magpaka-cool knowing that he’s just in the corner watching over me. Kaya niyaya ko si Samuel na bumalik na sa pwesto namin.

Pero mukhang enjoy na enjoy pa ang lintik at ayaw pang paawat sa pagsasayaw. Kaya ang ginawa ko ay iniwan ko siyang mag-isa sa dance floor. Nakita ko ang pagdidilim ng mukha niya dahil sa ginawa ko pero saglit lang iyon.

Lumapit na rin siya sa akin na nakangiti. “Eto naman napaka-KJ. Minsan na nga lang tayong magsayaw, eh.”

“I’m sorry. I’m just tired,” alibi ko sa kanya. “Anyway, mauna na ako sa inyong umuwi. May lakad pa kasi ako bukas.”

“Mamaya ka na umuwi, please?” pagpapa-cute pa ni Samuel na pinungayan ako ng mga mata. As if namang tatalab sa akin 'yon.

“I’m sorry but no. Need ko na talagang magpahinga dahil maaga pa ang lakad ko bukas,” tanggi ko.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Where stories live. Discover now