Prologue

16.6K 301 20
                                    

Sabi nila, pag malapit ka na sa kamatayan, sa mga huling segundong natitira sa buhay mo, magfaflashback lahat ng mga masasaya mong alala na parang isang mabilis na slideshow.

Pagbulat ng mga mata ko, wala akong makita kundi ang kulay asul na kalangitan na unti-unting nahahaluan ng kahel dahil sa paglubog ng araw sa di kalayuan. Tinignan ko ng mabuti ang napakagandang langit na parang isang painting kung saan mainam na pinaghalo-halo ang kulay na asul, kahel at rosas, tinignan ko ito ng mabuti dahil siguradong di ko na 'to makikita pang muli.

Binuga ko ang dugong nagsisimulang mamuo sa loob ng bibig ko. Nakaramdam rin ako ng pagdaloy ng mainit at malapot na dugo sa gilid ng ulo ko. Naluha na lang ako sa nangyari sa akin, lalo na sa ibabang bahagi ng katawan ko.

Nakarinig ako ng mga taong humihingi ng tulong. May ibang lumapit sa akin at tinatanong kung ayos lang ba ako. May isang babaeng nagtatanong ng pangalan ko at kung saan ako nakatira. May lalaki namang gusto akong buhatin pero takot na galawin ang bali-bali kong ibabang bahagi ng katawan. May matanda namang bumulong sa kasama na maya-maya di ko na rin kakayanin at mamamatay na rin ako.

Di na lang ako nakinig sa mga taong nagkakagulo sa paligid ko. Binalik ko na lang ang atensyon ko sa langit na minsan ko lang makitang ganito.

Gusto kong isipin na ayos lang ako, kundi lang dahil sa sobrang sakit na tila namanhid na ang buo kong katawan. Nararamdaman ko ang unti-unting nababasa ang aspaltong kinahihigaan ko, naliligo na ako sa sarili kong dugo.

"Kahit anong mangyari iho, wag na wag mong ipipikit ang mga mata mo," sabi ng isang babae sa tabi ko.

Ang hirap. Gusto kong sabihin. Ate mahirap pong pigilan, bumibigat na ang mga talukap ng mata ko. Gusto kong magsalita kaso mahirap lalo na't patuloy ang paglabas ng dugo mula sa bibig ko.

"Iho, lumaban ka, parating na ang tulong, isipin mo ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo, lumaban ka," kung sino man 'tong ale na di talaga umaalis sa tabi ko, gusto ko syang pasalamatan kung sakaling makakaligtas man ako ngayon.

"Iho, sino sa mga kamag-anak mo ang pwede nating tawagan? O kahit kaibigan na pwedeng pumunta agad sa ospital?"

Isang pangalan lang ang pumasok sa isip ko.

Si Gelo. Si Gelo. Si Gelo.

Si Gelo ko.

Bros With Benefits © 2019 by ItsKuyaTopher

All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any manner whatsoever without written permission from the author.

This book is a work of fiction. Similarities in names, places, events, and circumstances are entirely coincidental.

Comments, criticisms and suggestions are valued and openly accepted by the author. Kindly please message him or comment down below.

*exits left*

Bros With Benefits (BoyxBoy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now