Secret Nights - 28

Start from the beginning
                                    

Katulad na lang ng pagkawala ng pinakamahalagang bagay na mayroon ako noon—ang nanay ko.

November 8, 2013. Tandang tanda ko ang araw na 'yan—ang araw kung saan nanalasa ang super typhoon Yolanda na kumitil ng napakaraming tao sa maraming bayan ng Leyte.

Alas-kwatro pa lang ng umaga ay gising na kami ng nanay ko dahil sa lakas ng ulan na rinig na rinig namin ang patak sa bubong ng barong-barong na tinutuluyan namin.

Anak, magbalot ka ng ilang damit mo at aalis tayo. Mukhang lalo pang lalakas ang bagyong ito,” narinig kong sabi ng nanay ko sa namamaos na boses. Kakagaling lang kasi niya ng sakit at halos bahagya pa lang humuhupa ang lagnat niya.

Mabilis na naglagay ako ng ilang piraso naming mga damit sa isang plastic. Useless ang mga bag sa ganitong mga klase ng panahon dahil mababasa lang din ng ulan. Ayon daw sa balita ay may bagyo nga raw na paparating ngayon. Pero hindi naman nasabi sa balitang ganito pala kalakas ang bagyong tatama sa Leyte.

Paglabas namin ng ay nagulat pa kami ni nanay nang makitang abot na pala hanggang tuhod ang tubig sa labas. Lalong lumalakas ang ulan at tila sumisipol ang hangin. Nakaramdam ako ng pangangaligkig nang muling umihip ang malakas na hangin.

Katulad namin ay nagsimula na ring magsilikas ang mga pamilya sa lugar na 'yon na nobenta porsiyento ay pawang mahihirap kagaya namin. Pinilit naming makalabas ng eskinita para doon maghanap pwede naming pagkanlungan.

Naawa ako sa nanay ko nang pagkatingin ko sa kanya ay halos ginaw na ginaw na siya dahil pareho na kaming basing-basa sa ulan dahil kahit nakapayong kami ay hindi pa rin niyon masawata ang napakalakas na ulan na sumasalubong sa amin.

Nang may makita akong mataas na bahay ay agad na kinalampag ko iyon. “Tulong! Tulong!” malakas na sigaw ko habang kinakalampag ko ang mataas na gate.

Mula sa terrace na nasa ikalawang palapag ng bahay ay may nakita akong isang babae na mukhang katulong. Nakita ko ang awa sa mga mata niya nang makita niya kami. “Ate, baka po pwedeng makituloy muna kami sa inyo. Ginaw na ginaw na po kami ng nanay ko.”

Nang mga oras na 'yon ay abot na hanggang bewang ang maitim na tubig baha. Bababa na sana ang babae nang isang lalaki ang nagsalita mula sa likod niya. “Yaya! Don’t tell me papapasukin mo ang mga pulubing 'yan? Baka mamaya ay magnanakaw ang mga 'yan,” matigas na sabi ng lalaki na sa tantiya ko ay matanda lang sa akin ng ilang taon.

Pinunasan ko ang mukha ko at muling nagsalita. “Parang awa niyo na. Hindi kami magnanakaw. Patuluyin niyo sana kami kasi tumataas na ang baha.”

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Where stories live. Discover now