Secret Nights - 27

Start from the beginning
                                    

“Hey. Finally glad to meet you!” sabi ko sa abogado nang makalapit ako sa kanya. Agad namang kinuha ng lalaking nasa likod niya ang maleta ko at nilagay sa likod ng color gray na Montero Sport na sasakyan na nasa harap namin. First time kong ma-meet si Yuan dahil ini-refer lang din siya sa akin ni Klaus.

“It’s my honor to finally meet you Mrs. Teagarden.” Bahagya pa akong napangiti nang banggitin niya ang apelyido ng namayapa kong asawa. In fairness, Yuan is a nice looking guy. Naglalaro yata sa 5’9” ang height niya at halatang namuhay ng marangya base na rin sa very cultured niyang mga galaw.

“Have you already told them about my arrival?” tanong ko sa abogado habang bumibiyahe kami papunta sa pinaka-sosyal na hotel sa downtown ng Tacloban. It wasn’t as classy compared to the hotel in Manila pero okay na rin iyon para sa akin.

Dahil naasikaso na ni Yuan ang pagche check-in ko ay iniwan ko na lang ang maleta ko at pagkatapos ay bumiyahe na ulit kami papunta naman ng Abuyog. “They are all excited to see you.”

Thirty minutes later ay nasa harap na kami bahay ng tita Soledad ko. It was newly repainted—which is part of my order to Yuan. Pagpasok namin ay hindi ko maiwasang makaramdam ng sudden feel of nostalgia. Para akong nagbalik sa nakaraan.

Pagpasok namin ay nakita pa naming halos aligaga ang mga tao sa loob ng bahay. I clung to my Hermes bag and draw strength from it.

Shocked ang unang bumalandra sa mukha ng tita ko, ni Jade at ni Sapphire. Samantalang hindi ko naman nakita ang tito Carlos. Must be sleeping with his mistress again. While I was still at Colorado, napag-alaman kong ibinebenta ng tita ko ang bahay at lupa nila. Nalulong daw sa bisyo ang tito Carlos at halos napabayaan na ang trabaho. Mas lumala pa ang problema nang magsimula itong mambabae.

Ang kambal naman ay parehong hindi nakapagtapos ng college. Ngayon ay single mother na si Jade at si Sapphire naman ay may ka live-in ayon na rin sa report na ipinadala sa akin ni Yuan noon. Dahil sa mga problemang kinaharap ng pamilya, hindi na naasikaso ng tita Soledad ang trabaho niya kaya natanggal siya sa trabaho.

When I learned about the news na ibinebenta nga nila ang bahay at lupa nila ay agad akong nag-decide na kunin ang property. It wasn’t the most big or beautiful house in Abuyog but I want to buy it. Gusto kong makuha ang isa sa pinakamahalang bagay na pagmamay-ari ng pamilyang umalipusta sa akin noon.

“Amber?” shocked na bulalas ni Tita Sol. Mabuti naman at naalala niya pa pala ako despite the big changes in my physical appearance.

“Surprised, Tita?” tanong ko habang nakangiti sa kanilang lahat. There an air of confidence I know. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang dating kinakawawa nila ngayon ay nagbalik na.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Where stories live. Discover now