CHAPTER 18. NEED

20.2K 671 72
                                    

CHAPTER 18. Need

ERIN‘S POV

May pinasulat lang si Miss Mei sa amin bago kami i-dismiss sa klase. Lumabas ako sa classroom namin saka nagtungo sa kaliwa ko. Napatigil ako sa paglalakad dahil muntik na akong makabangga.

Pagtingala ko ay parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa inis.

Akala ko ay ligtas na ako sa iritasyon na dala ng taong ‘to ngayong araw. Akalain mo nga namang masasalubong ko pa siya ngayong uwian na? Tss.

Humakbang ako sa gilid, para makadaan. Sakto namang ganon din ang ginawa niya, kaya nahaharangan parin namin ang daan ng isa‘t isa.

Humakbang ulit ako pakanan, kasabay nung paghakbang niya.

Aarrrg!

Hindi ko alam kung sinasadya ba niya o hindi! Pero hindi ako natutuwa!

Basta makita to talaga ang lalaking ito, naiinis agad ako! Lakas mang badtrip eh!

Kung anong ginanda ng mukha, ganon naman kapangit ang ugali!

Kaya hindi ko maintindihan ‘yung mga babaeng nababaliw sa lalakeng yan!

Most of people nowadays admire someone based on their physical appearance. Hindi muna nila kinikilala bago nila magustuhan. Kaya maraming nasasaktan!

Oh sige hugot, Erin.

“Ano ba? Paharang-harang kang pandak ka!” sigaw niya.

Aba—Ako? Pandak? Pandak pa ako sa lagay na ‘to? Palibhasa kasi kapre siya!

“Ako pa talaga ang nakaharang? Ikaw ‘tong napakalaking tae sa daan eh!” sagot ko naman.

Aba, hindi ako papatalo sa mokong na ‘to pagdating sa asaran!

Matalo na ako sa kahit na kanino, huwag lang sa lalaking ‘to!

“Hay nako, badtrip.” sabi ko.

Nang gumilid ulit ako ay sakto namang gumilid din siya sa way na ‘yun.

Tinignan ko siya ng masama, ganon din ito. Huminga ako ng malalim bago humakbang pakanan. At ang hinayupak na kapre hinarangan na naman ako!

“Linte—” sisigaw palang sana ako nang bigla niya akong hawiin na parang kurtina, saka niya ako nilagpasan!

“Paharang-harang!” pahabol pa niya.

AKO PA TALAGA?! HMP!

Hayaan na nga! Lalo lang akong mai-stress pag sinundan ko pa siya at pinahaba pa ang pag-aaway namin.

Mabibigat ang yabag kong lumakad papasok sa CR, tinatawag na kasi ako ni Inang kalikasan.

Nagtungo ako sa lababo pagkatapos, para maghugas ng kamay.

Lagi nalang ganon basta nagkikita kami! Kung hindi magsisigawan, mag-aasaran, o kaya naman walang pansinan. Pero siya naman ‘tong madalas mapikon.

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon