CHAPTER 70. IN OR OUT

15.7K 475 32
                                    

CHAPTER 70. In or Out

KIANNA‘S POV

Bumalik ako sa booth namin. Sinalubong ako ng nakabusangot na mukha ni Kate. Natawa ako nang magtama ang tingin namin.

“Chura mo diyan!”

“Saan ka ba galing? Nasaan na ba ‘yung iba?”

Nakakunot ang noo niya at mukha siyang nalugi pero at the same time para siyang relieved na makita akong dumating. Seriously, what happened to this girl?

“Anyare?”

“Kanina pa ako mag-isa dito. Hindi ko naman maiwan-iwan dahil feeling ko pagbalik na‘tin dito hindi na booth ang makikita ko kundi disaster. Tangina rin nung mga staff sa loob isa-isang nawawala!”

Hindi ko na napigilan at napahalakhak na ako. Lalo lang nalukot ang mukha niya sa inis.

“Seriously, Kate? Why are you taking this crap seriously? Edi iniwan mo nalang sana, nakalista naman na ang 4-B sa participants. Sigurado na tayo diyan no!” sabi ko.

“Lagot ako kay Khali ‘pag ginawa ko ‘yun! Baka nakakalimutan mong na-badtrip ‘yun kanina nung nasira ito?”

“Lol, Kate. Khali Vernon don‘t mind stuffs like this.” sagot ko.

Kanina kaya badtrip ‘yun nung nasira ‘yung booth namin ay dahil hindi pa confirmed ito.

In fairness, ang benta nito sa mga Marvelians lalo na sa sophomores. I don‘t know whether our booth interests them or it‘s just Khali‘s popularity made them buy tickets.

“Nasaan ba si Cecil? Bakit hindi mo siya kasama?” tanong ko.

Halos laging magkasama si Kate at Cecil mapa-saang parte ng Marvel High kaya medyo magtataka ka ‘pag hindi sila magkasama.

“‘Yan sana ang gusto kong itanong sa‘yo.” she sighed.

“Lah siya. Ako nga rin kanina pa mag-isa!”

Leche si Jaemin, leche si Erin at natural na leche si Khali dahil hindi ko sila makita. Hindi nila sinasagot ang tawag ko.

Malamang kasama ni Erin si Hiro kaya hindi ko na sila iistorbohin, si Jaemin patay yata ang phone at si Khali? She probably ignored my call! Geez.

“Cecil wer na u!” biglang sumigaw si Kate kaya tinaasan ko nalang ng kilay.

“I-message mo kaya?”

Natahimik siya sandali at kalauna‘y bumungisngis na parang shunga. “Hehehe. Oo nga no.” she said.

“Wow. You‘re the stupidest stupid I have ever met.”

“Looking for me?”

Napahawak ako dibdib ko dahil sa gulat. Agad namang lumanding ang kamay ni Kate sa braso ng pampam na nanggulat.

Pinag-uusapan lang namin siya ngayon tapos bigla nalang sumulpot out of nowhere. Saan ba nagsusu-suot ang babaeng ‘to? Mukhang napakasaya niya ngayon, ano kayang nangyari?

“Nginingiti-ngiti mo diyan? Para kang asong ulol.” It was suppose to be an insult pero lalo lang siyang napangiti. Uma-eyesmile ang lola niyo!

“Dahil kay crush.”

“Sino namang crush, aber? We‘ve all know that you have hundreds of crush, Ces.” Kate said. Saka kami nagtawanan.

Habang nagkwe-kwentuhan kami natigilan kami nang dumaan si Khali. As in dumaan lang siya, ni hindi man lang nag-abalang lingunin kami.

“Snobber talaga ang babaeng ‘yun.” sabi ni Kate.

Yes, I agree with that. Pero hindi naman sa point na hindi niya kami lingunin man lang. Walang sinuman ang kayang mang-itchapwera ng beauty k—ay meron nga pala.

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon