CHAPTER 6. A RED FLAG

23.5K 790 179
                                    

CHAPTER 6. A Red Flag

KEVIN JUNG‘S POV

Nagulat ang lahat—maging kami nina Shin sa ginawa ni Trev. Bigla ba namang kinwelyuhan si Khali Vernon?

Nang lingunin ko si Khali ay napangisi ako ng bahagya. Nakikipagtitigan siya kay Trev. Walang bahid ng takot at kaba sa expression niya. She‘s expressionless, to be exact.

Samantalang ‘yung mga nanonood, natatakot na kay Trev.

Seryoso? Kinaya niyang makipagtitigan kay Trevor Ace Kang? Hahaha! Awesome!

Bahagya akong natawa habang lumalapit sa kanila. Hinawakan ko si Trev sa balikat, “Hindi ganiyan ang tamang paghawak sa babae!” sabi ko.

Bigla nalang ay binitawan ni Trev si Khali at agad na nilagpasan ito nang walang imik. Napakurap-kurap nalang ako sabay tingin kina Xander at Shin.

‘Yung totoo? Ang weird ng isang ‘yun ngayon ah.

“Dude, let‘s go.” Xander said as they follow Trev.

“Is he seriously letting her go just like that?” hindi makapaniwalang saad ni Shin.

“Inaasahan mo bang mananapak ‘yun ng babae? Tss.” I replied. “Papasok ako. Magpapasok din naman kayo. Ako nalang ang natitirang masipag sa‘tin eh.” dagdag ko na ikinangiwi ni Shin.

Pagkaalis nila, lumapit ako kay Khali, babatiin ko sana pero naglakad nalang rin at nilagpasan ako.

Aba‘t! Tsk.

Sumunod ako sa kaniya papasok sa room.

Umupo siya na parang walang nangyari. As in wala siyang reaksiyon sa nangyari. Hindi manlang nagreklamo.

Of course! The normal reaction is to be mad. Trev just grabbed her collar without knowing the reason.

Sayang, kung pinatulan niya sana si Trevor kanina edi naging interesting ang pangyayari. ‘Yung tipong pang-Romance story, na kung saan ang kinatatakutang lalaki ay nakatagpo ng katapat niyang babae. Hays, how boring.

“Kailan ka pa lumipat dito?” tanong ko.

Hindi niya ako pinansin at nakatuon pa rin ang atensiyon sa harap.

Kinalabit-kalabit ko siya hanggang pansinin niya ako. Whoa, she really did ignore me.

Bagot niya akong tinignan at sinagot, “Kahapon lang.” sabi niya.

So, bale bago lang talaga siya dito sa District XI? Kaya pala bago siya sa paningin ko.

“Ganon ba. Anong pangalan mo?” tanong ko ulit. Kahit alam ko naman na ang pangalan niya.

“Khali Vernon.” she answered.

I waited for a minute to see if she‘s going to ask me back, but she didn‘t. Maybe she already knew about me?

Haha! Of course she does! Sino bang hindi makakakilala sa‘min?

But, is it really normal?

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon