CHAPTER 30. WATCHING OVER

22.2K 645 95
                                    

CHAPTER 30. Watching Over

KHALI‘S POV

Kinuha ko ang susi ng locker ko mula sa bulsa ng skirt ko nang makarating na ako sa locker area—first floor ng Garnet.

Dalawa ang locker ng halos bawat Marvelians. One for academic purpose, storage of books or notes maybe, and one from the ladies’ locker room, which where I store my extra uniforms and PE uniforms.

Kukunin ko lang ‘yung handouts ko sa Cooking Class namin. Wala kaming exam sa klase na ‘yun ngayon but I‘m more worried about it than the major subjects.

Kapag nakapasa ako sa Cooking Class, ibig sabihin nag-improve na talaga ang cooking skills ko. I seriously want to learn decent cooking. Nang sa ganon ay makayanan ko nang mabuhay mag-isa kahit na itakwil pa ako ni Izu.

Pagkasara ko ng pinto ng locker ay bumungad ang nakangising si Hominid sa gilid ko. Tinalikuran ko siya at nagsimula nang maglakad. Sumabay siya sa akin.

“Nag-review ka?” tanong niya.

“Hindi.” sagot ko.

“Wow! Confident.” aniya sabay tawa. “Tangina, kinailangan kong mag-review this time dahil baka next year nasa Class C na ako!” natatawa niyang sabi.

“Edi masaya.” biro ko.

Inirapan lang ako. “Pakopya sa Bio!” aniya.

“Alphabetical order ang seating plan ngayon.” sabi ko.

“Oo nga. I-message mo nalang!” suhestiyon niya.

Wala talagang magandang naiisip ‘tong unggoy na to kahit kailan.

“Go back to your assigned seat, class. The quarterly examination will be starting in a few minutes.” said our adviser as soon as she entered the room after us.

She walked towards the front desk and laid her things there. She started counting the test papers and giving it by row to distribute.

In fairness, almost everyone in this class attended to take an exam. Balita ko, istrikto daw sila magpa-exam, kaya kahit ganito ang mga estudyante dito ay seryoso pagdating sa exams.

The first subject of the given test is Mathematics. It was all computation and I hate this the most. Seeing so many number makes my head ache.

Hindi ko alam kung mahirap ba ito kung ibabase sa baitang namin, ito kasi ang unang beses na sasagot ako isang quarterly exam.

I finished everything and leaned on my seat‘s backrest. Tinatamad akong tumayo para magpasa.

Maya-maya ay tumayo si Gabriel at nagpasa na ng papel sa unahan. Ang bilis niya matapos.

“Galing talaga ni Gab sa Math! Dapat sa‘kin ka tumabi nang naka-kopya ako.” wika ng isa saka sila nagsitawanan lahat pagkatapos.

Itinigil ng mga kaklase namin ang pagsasagot sa kanilang test paper nang matapos na ang palugit naming isang oras.

“Pasuyo.” sabi ko sabay abot kay Kevin na nasa tapat ko lang rin naman.

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon