CHAPTER 72. RUSH

15.2K 481 52
                                    

CHAPTER 72. Rush

THIRD PERSON POV

“Hi, good afternoon. Hope you check out our club!” masiglang sambit ni Erin habang nakalahad ang flyers na hawak niya sa grupo ng mga estudyante.

Kanina pa siya nagbibigay ng mga flyers pero dalawa palang ‘yung kumuha. Hindi ba sila interesado sa chess club?

Bakit ba kasi siya pa ang naatasan sa gawaing ito. At saka mukhang wala naman yatang may balak mag-transfer dito, parang bumibisita lang sila.

Nagpakawala ng malalim na hininga si Erin. Naagaw ng atensiyon niya ang lalaking dinudumog ng mga babaeng estudyante galing sa iba‘t ibang paaralan para lang makakuha ng flyers ng club nila.

So, kids nowadays are more fond of exciting sports, huh? Erin thought.

Nang makaalis ang mga bata ay lumapit si Hiro kay Erin.

“Whoa... Those kids are too straight forward!” umiiling na saad ni Hiro. “One of them asked me to be her boyfriend!” bulalas niya.

Nagtawanan silang dalawa. Bagaman napakasaya nilang tingnan ay may hindi natutuwang makita silang ganito.

Kinuyom nito ang mga palad sa galit na naramdaman niya. Kanina pa niya hinahanap si Erin tapos, ano? Makikita niya lang pala ito na nakikipaglandian lang pala sa kung saan!

Tiim-bagang itong nagtungo sa kinaroroonan nito at kaagad na hinigit sa pulsuhan ang dalaga.

“Aray naman, Shin! Ano na naman bang problema mo?!” inis na sigaw ni Erin dito at nagpumiglas.

“Pwede ba? Itikom mo muna ‘yang bibig mo. Naiirita na ako ‘wag mo nang dagdagan.” tila pigil na pigil si Jaeshin sa kaniyang sarili.

Humigpit pa ang hawak niya sa pulsuhan ni Erin kaya bahagyang dumaing ang dalaga dahil sa sakit.

Nag-alala si Hiro kaya‘t hindi na niya napigilan ang sarili na makialam. Alam niya kung anong relasyon meron sila ni Erin, marahil malapit sila sa isa‘t isa mula pa noong mga bata sila ngunit hindi niya kayang manahimik gayong nakikita niyang nasasaktan si Erin at hinahatak nang labag sa kaniyang kalooban.

“Pre, can‘t you tell that she‘s hurt?” kunot-noong saad nito. Natigilan naman si Jaeshin nang hawakan nito si Erin.

Tumingin ito sa mga kamay nila at binaling rin kay Hiro. Binigyan ni Jaeshin ng nakamamatay na tingin si Hiro ngunit hindi naman nagpatinag ang huli.

“Kkeojyeo.” nangangalaiting sambit ni Jaeshin at muling hinila si Erin. (Trans: “Get lost.” in Korean)

“Bakit ba, Shin?! Ano na namang problema mo! Bitiwan mo nga ako!”

“Umuwi ka na!” Jaeshin shouted back. Almost everyone flinched because of his loud and intimidating voice.

“I‘ll go home whenever I want to! Ayoko pang umuwi, manonood pa ako ng fireworks display! Para kang tanga!”

Galit ang rumehistro kay Jaeshin dahil sa sinabi nito. Tumigil ito at humarap kay Erin.

“Geurae! Nan baboda! Naneun neoreul chajgo iss-eossgo—michin deus-i geogjeonghago iss-eosseo! Geunde mwo? Neoneun yeogi namjareul yuhoghagoisseo? i gaesaeki-wa?!” sunud-sunod at puno ng galit na sigaw ni Jaeshin.

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresWhere stories live. Discover now