CHAPTER 9. THE KING

22.4K 707 70
                                    

CHAPTER 9. The King

JAEMIN‘S POV

“Huy! Ang lalim yata ng iniisip mo ah?” Kian said. Snapping Lili back to reality.

Ano kayang iniisip nito? Nakatulala lang siya sa labas ng caf. The moment she sat down is also the moment she started zoning out. This is not so her.

Lumingon siya sa‘min at bumuntong hininga. Nabaling din agad ang atensiyon niya sa kanyang cellphone na nagva-vibrate. Nagpaalam siyang sasagutin muna ang tawag bago lumabas sa caf.

Sino kaya ‘yun? Kuya niya?

In fairness, ang gwa-gwapo ng mga kuya niya. Nasa genes na talaga nila Lili ang pagiging gorgeous creatures. Haha.

“Ganon ba talaga yun? Ngumingiti ba yun, ha?” Bahagya akong natawa sa tanong ni Zonia.

Lagi nalang kasing ganiyan ‘yung natatanggap kong tanong mula sa ibang tao tungkol kay Lili.

“Oo naman.” sagot ko.

Actually, hindi ko na siya nakitang ngumiti ng masaya magmula noong mamatay ang parents niya.

Smirk lang. If she finds you stupid, mapapangisi siya. Minsan ko lang ring marinig tumawa. At ‘yun ang aalamin ko yung bakit at paano siya mapapatawa!

Kapag natutuwa naman siya sayo, ipa-pat niya lang ulo mo tapos ngingiti ng bahagya.

Ganon kasi yung ginagawa niya sa‘kin eh. It wasn‘t that good to look at because it makes me feel like she‘s petting a dog, but it makes me feel good everytime she does that. Feeling ko, I really did great a job.

“Tapos hindi pa nagbabago ang reaksyon!” segunda naman ni Kian. Tinawanan ko nalang siya.

“Well, nagbabago naman ang reaksiyon niya. Ano ‘yun, manika lang? Haha! Hindi lang talaga madalas. Hindi lang siya mahilig mag-react, kaya parang walang lumabas na expression sa mukha niya.”

Minsan, bahagyang magsasalubong ang kilay kapag may hindi siya maintindihan o naiirita siya. Hindi mo malalaman pag di mo siya ino-obserbahan.

Wala lang siguro siyang pake sa mga bagay-bagay sa paligid niya kaya naman wala siyang reaction sa mga ito.

Saka parang laging naka-apply sa kaniya ‘yung linya na expect the unexpected that‘s why she doesn‘t react much when something happens.

Natahimik ‘yung dalawa nang bumalik na si Lili. Gaya ng normal expression niya.

“Kuya mo ‘yun?” tanong ko.

“As if Izu will directly call me?” sarkastiko niyang sagot.

“Maka-Izu ‘to parang hindi niya kuya!” sermon ko.

“It was Brook.” tipid niyang sagot, referring to the person who always stand beside his brother.

Hindi ako sure kung secretary niya ‘yun o kanang kamay. Brook lang naman kasi ang tawag ni Lili doon.

“What did he say?” tanong ko.

Hindi talaga madalas makausap ni Lili ang kuya niya. Laging dinadaan ang mensahe kay Mr. Brook.

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon