21st (Part 2/Special Chapter)

226 12 5
                                    

Sorry poooo natagalan. </3 :* :*

PS. This is some kind of special chap, 'cause it is in Ivan's POV. Hmm this one lang siguro ang ganun. HAHAHA Why so englishing. XD

FB page: Kharu Wattpad

Twitter: @heyim435

***

21st (Part 2/Special Chapter)

"The number you have dialled is either unattended or----"

"Sh*t, Dyna. Nasaan ka?" Ilang beses ko nang sinusubukang tawagan si Dyna pero unattended lagi. Nasaan naman kaya nag-suot 'yun? Sabi nang sabay kami papunta kina Chelu eh, hindi pa ako nakakapunta dun. Pinagti-tripan na naman ata ako ne'to.

Sana nga pinagti-tripan niya lang ako.

Nag-dala na ako ng sasakyan para hindi hassle pagpunta ko sa terminal. Nandun na siguro siya.

Sana nga nandun siya.

Ewan ko ba. Nitong mga huling araw, mabilis akong mag-panic kapag nawawala siya sa paningin ko. Hindi ko alam kung saan ako natatakot eh.

Natatakot ba ako na baka may mangyari sa kanya (o sa may sayad niyang ex)? O natatakot ako na isang araw iwasan na niya naman ako?

Ah, basta. Kahit ano. Basta. Nakaka-inis siya.

Mga 20 minutes na akong nagbbyahe papuntang terminal. Maaabutan ko pa kaya siya? Siguro nandun na 'yun. Hindi rin naman daw kalayuan ang bahay nina Chelu. Sa totoo lang may address naman nila ako. Complete address. Makakapunta pa rin ako dun kahit wala si Dyna. Eh bakit ba. Gusto ko eh.

20 minutes ko na rin siyang kino-contact.

Wala pa rin.

Bigla akong naka-tanggap ng text galing kay Chelu.

"Ivan, dumaan muna kayo ni Esp sa grocery ha, bili naman kayo ng chips. Alam na ni Esp kung saan ''yun. K ingat ;)"

Ha?

Tinawagan ko kaagad si Chelu.

"Chelu!"

"Hello, Ivan! Uy, yung pinapabili ko sa iny---"

"Wala pa dyan si Dyna?"

"Ha? Wala pa. 'Di ba magka-sabay kayo?" Natahimik ako. Shit. Masama ang kutob ko.

"Hello, hoy, Ivan! Nasaan si Dyna?!"

"Hindi ko alam! Hindi ko nga ma-contact eh!" Nag-papanic na naman ako!

"Kausap ko pa siya kanina, malapit na siya sa bahay nila e. Kung hindi siya sumabay sa'yo, kanina pa rin dapat siya nandito!"

Naloko na.

Binabaan ko si Chelu. Mabilis ang pagpapatakbo ko ng kotse pabalik sa school. Hindi na talaga maganda ang kutob ko sa mga nangyayari.

Nagf-flashback sa isip ko yung nangyari dati nung nag-sleep over kami, gabing-gabi na eh sinusundan pa rin siya ni Xander. Hindi ko alam kung anong klaseng sira sa utak ang meron 'yun pero subukan niya lang. Subukan niya lang talaga.

**

Dumidilim na nang makarating ako sa school gate. Mabagal akong nagpatakbo para makita ko nang maayos ang dinaanan niya nung pauwi siya.

Paano kita mahahanap?

This is what I hate. Being clueless.

Ayoko nang wala akong alam sa mga nangyayari sa paligid ko. 

Tumunog ulit ang phone ko. May tumatawag na unregistered number.

"Hello." Para nang minamartilyo ang dibdib ko sa kaba.

May narinig akong tumatawa. 

"Sino 'to?" Tumahimik ang kabilang linya.

"HAHA. G*go. Mamatay ka kakahanap!" Nasundan pa nang maraming tawa 'yun. 

"Saan mo dinala si Dyna!? "

"Bakit ko sasabihin?? Akin lang siya! Ako ang maha niya, ako ang nauna! Simula nang dumating ka na-gulo lang lahat, eh! Sasaktan mo lang siya!"

"G*go, ikaw, hindi mo ba siya sinasaktan sa ginagawa mo? Humanda ka kapag nahanap ko kayo!"

"Umasa ka. Hinding-hindi mo na siya makukuha." Sobrang seryoso ng pagkakasabi niya, mas lalo akong nag-alala.

"Xander, anong ginagawa mo? Kakain na." Natigilan ako nang may marinig akong babae na nagsalita. Nung una akala ko si Dyna, pero hindi.

Isa lang ang naisip ko.

Si Aya.

Sabi ko na nga ba mukha lang mabait 'to eh. 

Binabaan  ako ng telepono. Napa-hampas ako sa manibela dahil sa galit. 

Kung hawak nila si Dyna, siguro malapit lang din sila rito. Hindi pa naman natatagalan simula nang mawala si Dyna.

Dyna, hahanapin kita. Mag-antay ka lang.

***

Note: I ended it this way dahil wala na po talaga akong mapiga sa utak ko. Sorry T__T Pag-iisipan ko pa ang kasunod hihi. Srry. :*

I'm the Extra. (MEGA HIATUS)Where stories live. Discover now