17th.

240 12 6
                                    

Yeah. this took so long. Sorry :(( Love you :*

***

17th.

*I miss the taste of a sweeter life,
I miss the conversation.~*

Ivan Givero calling....

Call ended.


Two weeks.

Two weeks na simula nung huli kong nakausap si Ivan.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na hanggang ngayon pinipilit niya pa ring makausap ako.

Sobrang hirap ng sitwasyon na 'to, considering the fact na magkaklase kami sa ilang subject.

Hindi ko rin idedeny na nami-miss ko siya.
That's what I hate about attachments.

"Esp. Hanggang kailan ba kayo magiging ganyan?" Kinausap ako ni Chelu pero sa iba siya nakatingin, kata napatingin din ako sa tinitingnan niya.

Ah. Si Ivan pala.
Ilang araw ko na ring napapansin yung mga titig niya sa'kin.

Hindi ako natutuwa.

Nasasaktan ako.

"Tara na." Lumabas na ako. Ayoko nang pag-usapan yun. Okay na rin 'to para mawala na yung kung anumang attachment ang nararamdaman ko kay Ivan. Tama na yung kay Chelu lang ako attached. Ayoko nang ma-disappoint.

"Esp, hindi ka ba sasama? Magm-mall kami nina Mona." Aya sa'kin ni Chelu.

"Kayo na lang Esp, may pupuntahan pa kasi ako. Sorry, bawi ako next time." Alam kong hindi sila sanay na tumatanggi ako sa kanila, pero kailangan ko.

Lumapit sa'kin si Chelu.

"Dyna," Niyakap niya ako. "Alam kong mabait ka, pero 'wag sobra, ha? Alamin mo ang limitations nyan. Una na kami, ingat ka ha. Text ka kaagad sa akin kung may kailangan ka or kapag nakauwi ka na." Pagkasabi niya nun umalis na sila. Sobrang concerned talaga sa akin si Chelu.

Habang nagaantay ako ng taxi, tumunog ang phone ko.

Aya Lopez calling...

Huminga ako nang malalim bago ko sagutin ang tawag.


"H-Hello, Aya?"

"Dynaaaaaaa!! Nasaan si Dyna??!"  Nagulat ako kasi imbis na si Aya ang maring ko, sigaw ni Xander ang una kong narinig.


Nakakakilabot.. Nakakaawa.

"Babe, wait, aayusin ko lang ha? Wag ka nang umiyak, please." Narinig kong tumahimik si Xander. Mas lalo tuloy akong naawa kay Aya.

"Hello, Dyna?"

"Aya.. Okay ka lang ba? Kayo?"

Matagal bago siya sumagot. "Narinig mo naman siguro, 'di ba?"

"Ah.. O-Oo. Papunta na ako dyan."

"Sige, pakibilisan lang." Then she hung up.


Habang nasa byahe ako, naisip ko kung paano ba ako napunta sa sitwasyon na 'to. Sobrang hirap, pakiramdam ko naiipit ako. Hirap na hirap na ako, ni hindi pa nga nagsisimula yung totoong plano.

"Ma'am nandito na po tayo." Sa lalim ng iniisip ko hindi ko na napansin.

So, I wonder what could happen.

**

Pagkarating ko sa tapat ng kwarto ni Xander, tinawagan ko si Aya.

"Pumasok ka na lang, please. Thanks."

Pagkapasok ko,  nabigla ako sa nakita ko.

Si Xander pa ba 'to?

He had lost a lot of weight, mukha siyang pagod na pagod, kahit na  natutulog lang siya. Mahirap pa rin sa akin na makita siyang ganyan, pakiramdam ko binubuhusanako ng tubig. Pero nakikita kong pagod na rin si Aya. Kung nahihirapan ako sa lagay ni Xander, paano pa siya?

Just by looking, I can tell how much she loves him. I might never be able to surpass that. She deserves him more than anyone else..

Hindi ito ang oras para maging makasarili.

"Aya, I'm willing to help."

***

Nang makalabas ako ng ospital, tinext ko na kaagad si Esp. Alam kong nagaalala na yun. Nagulat na lang ako na may humawak sa braso ko.


"Ano ba talagang nangyayari sa'yo? Bakit nandito ka sa ganitong ospital, ha, Dyna?!" Galit siya. Sobra. Pero yung nababasa ko sa mga mata niya, hindi lang galit e.

Nasasaktan siya.
Sinasaktan ko siya.

"Ivan, 'wag ka na lang makialam." Pinilit kong bumitiw pero malakas talaga siya. Nakakatakot pala siyang magalit.

"Akala ko ba pumayag ka na na ako ang magbabantay sa'yo? Bakit ipinagtatabuyan mo 'ko? Kilala kita, Dyna. Hindi ka gagawa ng ganitong desisyon kung walang mabigat na dahilan."

"Pwede ba? Tama na 'yang kasasabi mong marami kang alam tungkol sa akin! Nakakainis na! Hindi mo alam lahat, at may mga bagay na wala ka na ring karapatang malaman! Just.. Get out of my life!!"

Pumasok ako kaagad sa loob ng taxi pagkasabi ko nun. Tumulo kaagad ang luha ko.

Alam kong nasaktan siya, pero yun na yung pinakamadaling paraan.

Masakit din'to, kasi niloloko ko lahat, lalo na ang sarili ko.

That last line, I didn't mean it at all.

I'm the Extra. (MEGA HIATUS)Where stories live. Discover now