4th.

545 22 6
                                    


***

4th.

"Hoy bruha ka, siguraduhin mong mabubusog ako, dumadami na ang atraso mo sa'kin." Sabi ni Chelu pagka-pasok namin sa fast food chain. Ililibre ko siya ngayon, since kahapon daw eh nag-mukha siyang shunga doon sa kakahanap sa akin sa mall. Bigla na naman daw kasi akong nawala, palagi ko na lang siyang pinaghihintay sa tuwing nawawala ako. DRAMA.

"Oo na, lumamon ka lang. Umorder ka na. Ako eh burger at fries, and coffee float lang." Sagot ko sa kanya sabay abot ng 500 pesos. Humanap na ako ng upuan. "Tawagin mo na lang ako kapag kukunin na yung order." Tumango lang siya, malalim ang iniisip niya. For sure iniisip nyang mabuti kung ano ang kakainin niya.

Medyo tahimik pa ako ngayon. Iniisip ko pa rin kasi yung nangyari sa mall kagabi. Sino ba yung 'Ivan' na 'yun? I'm quite certain na schoolmate ko siya ngayon, pero hindi ko talaga maalala na schoolmates kami nung high school, hindi ko siya mamukhaan.. Though his face is familiar, parang nakita ko na siya dati.. Pero alam kong hindi kami schoolmates nung high school.

Pero bakit niya ako kilala? Ibig sabihin ipinagkalat na kaagad ng mga lalaki na 'yun kung 'ano' ako? What the hell lang ha. Sakit sa ulo.

So first week of school pa lang, sira na kaagad ang reputasyon ko sa school namin ngayon? GREAT.

Pumili na nga ako nang malaki at malayong university sa dati naming school, pero hindi talaga ako nilulubayan ng "bitch" image ko.

Pinipilit ko na ngang mag-bago eh..

"ESP! Help naman, madami 'to!!" Natigil ako sa pagi-isip nung tinawag na ako ni Chelu. Aba ang gaga, talagang sinimot ang 500 ko. Andami niyang inorder. Napaka-siba talaga nito.

"Ah, bahala ka. Hindi ko na responsibilidad dalhin 'yang mga inorder mo, etong order ko lang ang dadalhin ko! Ako na nga nag-bayad no." Binelatan ko pa siya. Tiningnan niya lang ako nang masama. Alam ko namang kaya niyang dalhin yun.

Nung ni-ayos na namin ang lamesa, nag-simula na kaming kumain.

"Oh, anong meron? Chika naman dyan." Sabi niya, kahit puno pa yung bibig niya. Bastusin.

"Pwedeng pakiubos muna nyang nasa bibig mo?" Huminga ako nang malalim. "Kagabi, nung nagsusukat ako ng damit, may nakilala akong lalaki."

"OMG! Tapos ano? Pumasok sa fitting room? Gwapo ba? Nag-quickie kayo? OMG."

Nag-skandalo siya, kaya napatingin yung ibang tao sa amin.

"Gaga ka talaga kahit kailan!! Patapusin mo nga muna ako!!!" Umupo na siya ulit nang maayos at uminom ng tubig.

"Okay. Una, hindi siya pumasok sa fitting room. Sinabi niya lang na, mas bagay daw sa'kin yung damit na ini-offer ko sa'yo."

"Ay, boring." Bulong niya. Halos mapatawa ako.

"Yun nga, nagskandalo ako, nagalit, hinila ako palabas ng mall, I mean, kinaladkad pala. Kinaladkad ako palabas ng mall para lang sermonan! Nakakainit talaga ng ulo. Baka akala nung mga sales lady itinakbo ko na yung mga damit!!"

"OMG! Eh teka, gwapo ba?" Tinataas-taas pa ni Chelu yung kilay niya.

"Uhm.. Yeah? Pwede na. Pero napaka-antipatiko. And what's bothering me is, alam niya ang pangalan ko. Sabi niya, "the famous Dynalene Dean". So ibig sabihin kilala niya ako sa kung anong pagkakakilala sa akin ng lahat since high school? The hell, Chelu. Pinipilit kong baguhin at itama lahat pero hinahabol talaga ako ng issue. Baka bukas, makalawa, lalayuan na naman ako ng lahat." Naiinis na talaga ako.

"Hmm. Posible nga na kumalat na yun, at ikinalat nung mga lalaki na nakilala mo last time na schoolmates pala natin. Nakuuu. Mga tsismoso!! Don't worry. 'Wag kang mag-panic. 'Wag ka ring magpapadala sa galit mo, maldita ka. Ipapakita natin sa kanilang lahat na mali yung sinasabi nila sa'yo. Don't worry, I'm forever here. Kumain ka na dyan at gagala pa tayo." Kahit pa ganyan lang ang sinasabi ni Chelu, sobra pa ring napapagaan nun ang loob ko.

Okay. Hindi ko na hahayaang maapektuhan ako ng mga issues na 'yan. Bahala sila sa buhay nila.

***

Kakabalik lang namihn sa school galing sa mall. Ang haba kasi ng vacant namin kanina, at may last class pa kami. One week na ang klase pero iilan pa lang talaga ang kilala ko sa classmates namin. Mahirap din kasi iba-iba bawat subject. Oh well.

Psychology. Seems interesting.

"Sana pagkatapos nito makakabasa na ako ng isip ng tao." Sabi ni Chelu pagkaupo namin. Sa bandang dulo pa niya napiling umupo. Susko, tulog ako nito mamaya lalo na kapag boring ang Prof.

"Gaga ka talaga. Haha." She just grinned.

Matagal pa kaming nanahimik, ten minutes pa before time at halos mapuno na yung room.

"HAAAAAAAAAAAAAY! Ang boring, Esp!!!"

"Ano ba, 'wag ka ngang maingay dyan!" Sumigaw kasi siya, napatawa naman yung iba naming classmates.

"Tapos wala man lang gwa---- Ooooooohhh." Alam ko naman kung ano yung sasabihin niya, pero natigilan siya. Nung tiningnan ko siya, napatulala siya sa pintuan. Napa-tingin din ako.

May guy na pumasok, fair-skinned, matangkad, maganda ang posture at malinis tingnan. Naka-bonnet siya. Ay, ang init kaya.

"That guy's a hottie." Bulong ni Chelu.

Nag-hanap ng upuan yung guy, then napatingin siya sa direksyon namin.

Lumapit siya, this time habang tinatanggal niya yung bonnet niya. Medyo basa yung buhok niya, hindi ko alam kung pawis ba oh dahil bagong ligo siya, basta ang hot niya ngang tingnan. Masakit na yung braso ko kasi ang higpit ng kapit ni Chelu sa akin. Attracted ang bruha.

"Oh, Hi! Classmates pala tayo." He smirked at me.

Nung moment na 'yun, na-realize ko kung sino siya, napa-tayo ako.

"IKAW????!!"

"Yes, Ivan, remember?" Kumindat pa siya.

"OMG Esp, kilala mo?" Hindi ako makasagot sa itinatanong ni Chelu. Nagulat talaga ako.

Looks like tamang may subject kaming Psychology, may kaklase pala akong sintu-sinto.

"Ang galing naman. Sana maging close tayo, Ms. Dyna." Inilahad niya yung kamay niya, pero hindi ko kinuha, kaya siya na ang kumuha ng kamay ko para makipag-shake hands. HAH. FC ha. "And ikaw naman, Cutie, anong pangalan mo?" Tumingin siya kay Chelu.

Ay, Malandi.

"Oh, hello!! I'm Richelle Ortega, Chelu na lang. Nice meeting you, Ivan, right?" Sabi ni Chelu. Casual lang ang pagkakasabi niya. Hindi siya yung tipo na magpapa-cute sa isang lalaki kahit pa attracted siya rito.

"Hi Chelu! Nice meeting you. Sana maging close tayo." Close mo mukha mo. Antipatiko.

Umupo na ako. Masyado na akong nas-stress. Ngayong kaklase ko na siya, kakalat na rin sa Psychology class naming kung ano yung issue sa akin? Oh please.

"Pare! G*go ka iniwan mo na naman ako!!" May sumigaw sa may pinto.

I hate it when I recognize his voice so easily.. Please, tell me nagka-kamali lang ako ng pagkakarinig. Please, sana nananaginip na lang ako..

"Dyna.." Hinawakan ako ni Chelu.

Ayoko.. Ayokong tumingin sa pintuan.

"Dyna... Si Xander.."

I'm the Extra. (MEGA HIATUS)Where stories live. Discover now