11th.

418 19 5
                                    

Heey. improving na, we're on 11th! YEHET!! HAHAHA.

BTW. Sa totoo lang, may plot to. Hindi ko lang alam kung paano ko iaayon ang mga pangyayari sa plot. kaya, pagpasensyahan niyo na ha? Dadating din tayo sa climax.. Sa tamang panahon. XD

***

11th.

Kahit college na, ang ingay pa rin talaga kapag uwian. Ayoko namang maging KJ kaya hinahayaan ko na lang. Masaya rin naman ako tuwing matatapos ang klase eh. Lalo na ngayon, Tuesday, wala kaming classes bukas. Mabuti yun lalo na at may fashion show sa Thursday, then next week, midterms na namin. Ang bilis!

"Oy, Esp. Sasabay ka? Dadaan ako kina Ate Cha, andun na raw yung finished products!" Sabi ni Chelu. Wow, this is it.

"Haha. Alam mo na ang sagot ko dyan. Sige, ingat ka ha. Kayang kaya niyo na yun."

"Sabi ko nga. Ingat ha! Kung gusto mo, pahatid ka kay, ehem.. Kbye, ahaha!" Lumabas na siya ng room. Sus, tinutukso na naman kami ni Ivan.

Hindi ako sumabay kay Chelu kasi hindi ko ugaling tingnan ang desings ko bago mag-fashion show. Nakasanayan ko na. Ang sarap kasi sa feeling kapag sa show mo mismo nakitang imino-model yung mga pinaghirapan mo.

"So, tayo na namang dalawa ang naiwan." Lumapit si Ivan.

"Obviously. Nakakasawa ka na nga eh." Nitong mga huling araw kasi palagi kaming naiiwan sa classroom. Ewan ko nga kung sinasadya ba yun ng mga kaklase ko or what. Haha.

"Aray naman. Pero wala akong paki, kasi hindi ako nagsasawa sa cheesecake kada hapon, kaya tara," Kinuha niya sa'kin yung bag ko. "Off to Lolly's. LOL" Nag-puppy eyes pa sa akin.

"Gayshit ka talaga. May magagawa pa ba ako?"

Nakasanayan na rin naming dalawa na mag-Lolly's after classes. Minsan, sumasama si Chelu, madalas ipinauubaya ako sa unggoy na 'to. Pero mas okay na yung kaming dalawa lang..

Masakit sa bulsa kapag tatlo kami, treat ko lagi eh. Haha.

Hindi na ako ulit tinawag na Barney  ne'tong lalaking 'to. Minsan naninibago pa rin ako, pero hinayaan ko na. Nag-iba talaga siya eh. Bihira na lang siya umasta na parang bata.. Hindi na siya pikon. Gentleman siya, gold-digga nga lang. Joke. Haha.

Minsan naiisip ko, baka naman iba na 'tong kasama ko?

Para siyang.. Ideal guy.

Fine, I like his personality.

Pero yun lang yun.. Feeling ko hindi pa ako ready na mag-open up para sa iba.. Romantically.

Sa ngayon masaya ako, sa presence niya, at sa presence ni Chelu. Unti-unti ko na ring nabubura yung image ko nung high school. Hindi na ako natatakot. Kasi ako, alam ko sa sarili ko, I would not commit the same mistake again.

We did the same  thing sa Lolly's. Umorder kami, pero this time nag-try kami ng iba. Saka na muna ulit ang cheesecake. Then dun kami sa usual spot namin, nagkwentuhan, nag-joke siya ng corny, nagtawanan. Masyado na akong komportable sa kanya.

"Alam mo Ivan, ang weird." Napatingin siya sa akin. Malapit na maubos yung pagkain niya, ako nangangalahati pa lang. Ninanamnam ko, okay? "Komportable na ako kasama ka, tapos... Sabi mo marami kang alam sa akin. Well, ayoko nang ungkatin pa ang issue na yun, if I know stalker lang kita..."

"So, your point is?" Sagot niya. Taray.

"Eh ako, wala pa ako halos alam sa'yo."

Ngayon ko lang din narealize yun. Ang alam ko lang, siya si Ivan Kent Givero. 18 years old. Mahilig sa cheesecake.. May kotse, mayaman, pero mahilig sa libre.

Aside from that, wala na.

"Well.. Nakatira ako sa isang subdivision na medyo malayo sa inyo.." OMG he's telling me! Umayos ako ng upo. "Kasambahay lang ang kasama ko sa bahay. Like you, parehas nasa abroad ang magulang ko."

"Talaga??"

"Uh-hmm. Then---" Natigil siya nung may tumawag sa kanya. Lumayo siya para sagutin yun. Amp, wrong timing.

Sino kaya yung tumawag? Mukhang importante, eh. Baka girlfriend niya?

Oo nga no? All this time inililink siya sa akin, pero walang kahit sinong may alam sa amin ng status nya. Napaka-misteryoso.

After a minute bumalik siya.

"Hey. Sorry pero kelangan ko na umalis, sorry ha, hindi na kita mahahatid.." He says shyly.

"Nyek, okay lang yun ano ka ba. Sige. Tara na."

"Sorry talaga, haha. Importante lang."

"Hmp. Lusot ka sa hot seat ko." Tiningnan niya ako. Ngumiti siya, tapos hinagod niya yung buhok niya. Feeling model ng shampoo 'to. Napansin kong habit niya yun eh. Well, it suits him naman.

"Sorry ka, I'm a very private person." Nakalabas na kami sa Lolly's. Maliwanag pa naman kahit paano, safe pa maglakad pauwi. "Hoy, magiingat pauwi ha. 'Wag stupid. Bye!" Then he drove away.

Napabuntong-hininga na lang ako. Sayang, chance ko na yun. Habang tumatagal kasi, mas nacu-curious ako sa pagkatao ni Ivan.

Maglalakad na sana ako paalis nung may humawak sa braso ko, hinila ako papunta sa garden sa likod ng Lolly's.

"Ano bang--- Xander??" Nagulat ako na siya pala. Mukhang galit na galit siya.

"Bakit ba sama ka nang sama sa Ivan na yun, ha??" Nak ng. Sinusundan niya kami?

"Ha? Teka, ano bang pinupunto mo? Eh ano naman sa'yo kung sumasama ako sa kanya? Wala kang pakialam, Xander!"

"Sinong may sabi sa'yong wala, ha?!" Oh please. Utang na loob.

"Eh gago ka talaga, 'no? Bakit hindi mo na lang puntahan yung girlfriend mo, nang may magawa ka namang matino? Tabi!!" Pinilit kong makaalis pero hinawakan niya ako ulit.

"Dyna naman, makinig ka muna!"

"Letseng ano pa bang sasabihin mo? Nakakasawa na 'to!!!" Nagtitigan kaming dalawa.

Xander, tama na.. Maayos na ako eh..

"Xander please, hayaan mo na ako. Binubura na kita sa buhay ko, Okay? Pwede tayong maging magkaibigan.. bumalik sa normal.. Pero please, 'wag ngayon. At 'wag kang umasta ng ganyan!"

Napabuntong hininga siya. "Okay.. Sige, hindi muna kita gugiluhin, pero pangako, kapag naayos na ang lahat----" Pinigilan ko na siyang magsalita.

"Sshh, Xander. Tama na.. Wala na.. wala na Xander." I looked at him, teary-eyed.

Tinalikuran ko na siya at naglakad na ako palayo. Gosh, masakit pa rin.

"Dyna!! Please lumayo ka na lang kay Ivan!!" Natigilan ako sa sinabi niya. wth??

"Sino ka para diktahan ako kung sino ang mga taong lalapitan ko?" Hinarap ko ulit siya. Naoffend na ako.

Nakita kong nasaktan siya. Ano ba 'to?

"Please. Wala... Wala akong tiwala sa kanya." Napatungo siya.

"Wow ha. At sa tingin mo, sa'yo ako dapat magtiwala?" Napatingin siya sa akin. Nakikita ko yung sakit.. yung lungkot sa mata niya. Sht. Naguguluhan na ako. "The point is, ikaw Xander, ikaw ang unang sumira ng tiwala ko. Ngayon ko pa lang ulit nabui-build up sa sarili ko yung magtiwala sa tao. 'Wag mong sirain. At kaibigan ko si Ivan. Back off. Ayusin mo nga ang sarili mo." Pagkasabi ko nun, iniwan ko siya.

Tinatawag niya ako, sinisigaw niya ang pangalan ko.

Nilabanan ko yung urge na yakapin siya, na bumalik sa kanya. Kasasabi ko lang, I won't commit the same mistake again.

Sino siya para husgahan si Ivan? Okay, wala nga siguro akong masyadong alam tungkol sa kanya, pero alam kong mabuti siyang tao. Kaibigan ko siya.

Kilala ko si Xander. Iba siyang magalit, pero subukan niya lang. Wala na siyang karapatang manghimasok sa buhay ko.

Ipaglalaban ko naman ang sarili ko ngayon. And when I say that, kasama na rin siguro dun si Ivan.

I'm the Extra. (MEGA HIATUS)Where stories live. Discover now