18th

250 12 5
                                    

Sabi ko the other day!! Kaso nawalan ng kuryente for 3 days ahahaha. Sorry poooo. Maikli lang 'to ha, mamaya isang chap ulit. :D

Nga pala. Kung mala-like niyo 'to (the page at ung mismong photo) at mako-commentan niyo, kahit isang "goodluck po!" lang, tatanawin ko pong malaking utang na loob. Alang alang sa grades ko! Hahaha! Sorry po sa abala. PM sa'kin ung mga naglike at comment ha, para maisulat ko. Ihahug ko kayo. Chos. hahaha :*

https://www.facebook.com/AstechPengson/photos/pb.398121656989232.-2207520000.1406599463./463584907109573/?type=3&theater

**

18th.

"Oh, eto na, kain ka na." Pinilit kong ngumiti para sa kanya.

"Sarap mo talaga mag-luto. Kaya sobra kitang na-miss eh." Niyakap niya ako.

Dapat ba akong matuwa?

Now, where are those butterflies?

"Dee. 'Wag mo na ako ulit iiwan ha." Ngumiti lang ulit ako.

Ano bang dapat kong i-sagot kay Xander? 

Bakit ba ngayon ko lang naisip na matagal na pala akong naka-move on sa kanya?

I'm hurting not because I still love him, but because of the memories. Memories are created to be remembered, anyway.

At ngayon, mukhang huli na.

"Kumain ka nang marami, kailangan bumalik yung lakas mo, para makapasok ka na ulit sa school." Nakita ko namang inuubos niya talaga ang pagkain niya.

Eto yung tulong na hinihingi ni Aya.

Kailangan kong samahan si Xander araw-araw. Kumbaga, babalik kami sa dati. Mas lumalala raw kasi ang lagay niya.. At mas lalala yun kung palagi siyang magwawala nang dahil sa akin.

Hindi ko naman inexpect na pwede palang magkaganito si Xander.

"Pagkatapos mo kumain, iinom ka ng gamot ah? Dadating si Aya by 2PM." Medyo natigilan siya nung marinig niya ang pangalan ni Aya, pero hindi na niya lang din pinansin.

Alam ko na mahal ni Xander si Aya. Iba pa rin yung makikita mo sa mata niya kapag binabanggit mo yung pangalan ni Aya e. Dahil lang talaga sa sakit niya kaya sila nahihirapan nang ganito.

Siguro nga, dahil lang din dun kaya kami nagkaroon ng relasyon noon.

Masakit ba? Hindi na rin. Alam ko na lahat nang nangyari noon at nangyayari ngayon, may rason. Maaayos din ang lahat. 

***

"Dyna.. Thank you talaga ha. Sa tulong mo. Alam ko na mahirap din para sa'yo.." Kinausap ako ni Aya pagkatapos naming patulugin si Xander. Naglalakad-lakad kami sa garden ng ospital.

"Wala yun, hindi rin naman biro ang pinagsamahan namin ni Xander, tsaka, pakiramdam ko responsable na rin ako para sa kanya. Gagaling din siya, matatag si Xander. Tsaka nakikita ko naman na mahal ka niya kahit ganito." Nginitian niya ako. Maganda talaga si Aya.

"Basta Dyna, Sorry ha. Lalo na nung una inaaway pa kita. Ngayon, hiningan kita nang malaking pabor." Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Sorry ha? Alam ko naman na may sarili ka na ring tao na gustong 'alagaan' ngayon at 'inaalagaan' ka rin, pero binigyan kita ng responsibilidad. I am really sorry. Sige, puntahan ko muna si Xander. Magpa-panic yun kapag wala siyang kasama kapag naalimpungatan siya." Iniwan niya akong tulala sa garden. Medyo natigilan ako sa sinabi niya, parang ina-absorb ko pa. 

And when I did,

"Taong gusto kong 'alagaan' at  'inaalagaan' din ako?? Ano raw??? Sino yun?" Nilingon ko si Aya na noon ay malapit na sa entrance ng ospital.

 She just freakin' winked at me.

"Hmm. Baka si Chelu." Napangiti na lang ako at sumakay na nang taxi.

**

#SlowSiAteng. HAHAHAHA! 

I'm the Extra. (MEGA HIATUS)Where stories live. Discover now