10th.

429 19 5
                                    

SA WAKAAAS NAKAABOT DIN SA TWO DIGITS! Ang bagal ko pala talaga no. hehehe //wrist.

PLUG! XD

twitter: @heyim435

So, eto po. Godbless!

***

10th.

"Marami akong alam tungkol sa'yo, Ms. Dean."

UGGGH.

Mababaliw na ako dahil sa Ivan na 'yan!!

Ilang araw na rin matapos ang araw na sinabi niya sa'kin yun, pero hanggang ngayon, napa-praning pa rin ako. Masisisi niyo ba ako?

Pero on the brighter side, nagiging distraction si Ivan sa akin, para hindi ko maisip si Xander. Gagu talaga yun. Galit na galit nga si Chelu nung kinwento ko sa kanya yun. Hay. Bakit ba may mga ganung klase ng lalaki?

Pinilit akong kausapin at kontakin ni Xander, pero ako na ang umiiwas. tinutulungan din ako ni Chelu. Weird, pero pakiramdam ko.. Si Ivan nakakatulong din eh.

Ah, baka siguro kasi siya yung nili-link sa akin sa classroom.

Hay, tama na nga. May tatapusin pa akong sketch. Pumayag na si Chelu na maging ramp model namin. Pag natapos ko 'tong designs, okay na. Mas okay nang maaga. Sabado kasi ngayon, sa Tuesday yung show. After classes.

***

"Wala talaga akong masabi sa talent mo, Esp. Bakit ba hindi na lang ganito ang kinuha mong course? I mean yeah, matalino ka, pero may future ka talaga rito!" Sabi ni Chelu habang tinitingnan yung sketches ko.

"Sabi ko naman sa'yo, hobby ko 'yan. Ayokong gawing trabaho. Tsaka ganun na rin naman yun, pinagkakakitaan ko na,  bakit ko pa pag-aaralan?"

"Okaaay sabi ko, eh. Pero promise, alam kong mananalo ulit kayo this time."

"Sana nga, magaling yung kalaban eh. At ikaw, galingan mong rumampa!!"

"You bet." Sabi ni Chelu sabay kindat sa akin. Malaki naman ang tiwala ko kay Chelu. Maganda siya, slim, flawless at matangkad. Bonus na yung magaling siyang magdala ng damit. Model na model.

Nung maipakita ko na kay Chelu yung designs, ini-scan ko na yun, tapos inemail ko sa agency. Sila na ang bahala dun, nailagay ko na naman pati yung mga kulay at type ng tela na gagamitin.

"Esp, maaga pa naman, gala tayo?" Tanong ni Chelu.

"Sure." Matatanggihan ko ba siya?

As usual, sa mall kami nagpunta. Kumain muna kami, then nagpunta na sa kung anu-anong boutique. Nag-shopping na rin ng konti. Malaking tulong 'to, nakalimutan ko yung mga lalaking gumugulo sa buhay ko. Haynaku.

Pinagsabay na namin ni Chelu sa cashier yung pinamili namin. Magbabayad na sana ako, kaso nung iaabot ko na yung cash, may sumingit. Aba walang modo----

"Dito mo na lang icharge, Miss." Sabay kindat niya sa babaeng nasa cashier. Ngumiti naman yung babae. Ugh. "Thanks." Binitbit niya yung paperbag. Si Chelu naman, nakatingin lang, mukhang shocked din.

"H-Hoy!! Ano bang problema mo, ha??" Hinabol namin siya ni Chelu.

"Alam mo, Dyna, magpasalamat ka na lang." Ngumiti siya sa'kin tapos iniabot yung paperbag.

Habang naglilibot kami ni Chelu, nakasunod lang siya sa amin.

"Esp, sabihin mo nga, may itinatago ba kayo sa akin? Bakit parang nagkaroon ka bigla ng bodyguard?"

I'm the Extra. (MEGA HIATUS)Where stories live. Discover now