5th

479 22 6
                                    

Sloowww update talaga, sabi sa inyo eh. HAHA. Sorry :(((

Thankyou po sa mga nagttiyaga. Haha. Godbless! :)))

twitter: @heyim435

***

"Dyna.. Si Xander.."

5th.

Hindi na ako maka-galaw sa kinatatayuan ko, habang siya, nakikipag-tawanan lang sa kabarkada niya.

Gusto kong tumakbo, gusto kong mag-tago, pero hindi sumusunod ang katawan ko sa mga sinasabi ng utak ko.

Ayoko sanang makita niya ako..

Ayoko sanang makita niya na hanggang ngayon, apektado pa rin ako.

"Uhm, Ivan, excuse me lang ha?? C-CR lang ako. Esp, samahan mo 'ko." Hinila na ako ni helu palabas ng classroom.

Thank you talaga, Chelu.

Pagkarating na pagkarating namin sa CR, ni-yakap niya ako. Hindi ko na napigilan yung mga luha ko no'n.

Akala ko hindi na masakit.

"Sht, Chelu. Bakit naman sa lahat ng school, dito pa siya pumasok? Umiiwas na nga ako sa gulo eh!! Ang sakit-sakit.. Ang sakit pa rin para sa'kin nung mga nangyari.. Chelu hindi ko pa yata kayang makisama kay Xander..." 

Napa-iyak na talaga ako noon. Natatakot ako..

"Dyna, kaya mo 'yan. 'Wag kang papa-apekto, okay? Hindi palaging pwede kitang i-excuse dun. Classmates tayo sa subject na 'yun, kaya makikita at makikita mo siya. Be strong, naiintindihan mo 'ko??"

Napasandal ako sa may lababo, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Ganitong-ganito ang itsura ko nung nakipag-break ako sa kanya eh.. Paga ang mata sa kakaiyak, kitang-kita ko yung lungkot at sakit sa mukha ko.

Akala ko, naibaon ko na sa limot lahat.

"Esp, alam mo, hindi ka talaga makaka-move on kung magpapadala ka sa kahinaan mo! Kung iiwas ka ng iiwas, mas lalo kang maaapektuhan.. Hayaan mo lang na araw araw mapagod ka sa pagmumukha niya, tingnan mo, one day, mare-realize mo na nakamove-on ka na pala.. 'Wag mong i-focus ang mundo mo sa kanya, okay? Tandaan mo, ang target natin para sa'yo ngayon, ay yung lalaking matino, at WALANG SABIT!! Okay? Kaya tumayo ka na ng maayos, tama na ang kagagahan at magt-time na. Chin up." Tinapik niya ako sa likod. Napa-ngiti naman ako sa kanya.

Tama siya. Ipapakita ko na.. Malakas na ako.

"Uhm. Esp." Tinawag ko siya. 

"Oh? Tatae ka?"  Gaga talaga 'to.

"'Wag mo 'kong igaya sa'yo!! Ang sasabihin ko lang.. Pwedeng cutting muna tayo ngayon?"

Tiningnan niya ako nang matagal, parang binabasa nasa isip ko.

"HAHA. Osige ba. Iha-handa na kita para next meeting, wala nang atrasan!! Okay?" 

Ngumiti ako nang malaki sa kanya. Alam na alam niya talaga kung anong nasa isip ko.

"Okay, dahil nakalimutan akong bigyan ni Mommy ng allowance ngayon, hindi tayo magm-mall, ha? Doon na lang tayo sa Students' Park. Magu-usap tayo." Sanay kindat sa akin. Aba, buti naman. Akala ko wallet ko na naman ang sisimutin niya ngayon. Haha.

Pagkarating namin sa Students' Park, humanap na kami ng mauupuan. Bumili na rin kami ng pwede naming kainin. 3-hours vacant kami, pero dapat 2 hours lang. 1 hour kasi ung Psychology class namin.

"Esp.. Nakita niya ba ako kanina?" Yun kaagad ang naitanong ko. Mukha kasi akong tanga kanina. Napa-tulala na naman ako sa kanya.

"Hmm. Hindi. Busy siya kausap barkada niya. Pero grabe!! Small world talaga, 'di ba? Kasi classmates tayo, tapos, kilala niya rin si Ivan! No wonder kilala ka na ni Ivan. OMG. Baka kung anu-ano na ang sinabi ni Xander tungkol sa'yo? Napaka-gago niya talaga kahit kailan."

Hindi ako makapag-react. Gusto kong magalit. Pero 'di ba, kapag mahal mo ang tao.. Ang hirap magalit sa kanila?

Osige, ako na tanga.

"Baka nga.. Baka siya yung nagpapakalat ng issues sa'yo dito sa school? Kasi bitter siya at nakipag-break ka? Nakuu. kapag nalaman ko lang, tingnan natin kung anong magagawa ko sa kanya." 

Kitang-kita ko na galit na si Chelu.

Sana, kaya ko rin.

Why am I so weak?

"Haaaaaaaaaay. Chelu, anong gagawin ko??" Napasabunot na ako sa sarili ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

"GAGA KA. Aba'y ipamukha mo sa kanyang kayang-kaya mo siyang labanan! Kaya mo siyang kalimutan, at hindi mo siya deserve!! Kung siya man ang nagkakalat ng mga tsismis sa'yo, daig niya pa ang babae, ha!! Gusto mo ba na kapag nagkita kayo, isipin niya na, hindi mo siya kayang kalimutan? Na baka kapag nilandi ka niya, bibigay ka kaagad? I-build up mo naman ang sarili mo, Dyna."

Sabagay. Siguro ngayon, masaya na sila nung girlfriend niya. Wala na ako, eh.

At dapat, maging masaya na rin ako na wala na ako sa sitwasyon na yun. Kasi ako, hinding-hindi ko na uulitin yun.

"Haay. Salamat, Chelu, ha? Promise. Gagawin ko 'yan."

"Dapat lang!!" Nangngitian kami. Tumambay lang kami dun hanggang sa matapos ang vacant namin. Hindi kami halos naubusan ng sasabihin.

"HAHAHA, oo tanda ko yun, tapos----"

"Ehem."

Natigil sa pagsasalita si Chelu. Pag-lingon namin..

"Ivan??" 

"Buti natandaan mo pangalan ko, Chelu!!" Anong palagay niya kay Chelu, ulyanin? Hay. "Hi, Dyna! Bakit nga pala hindi kayo pumasok? Kayo ha, masama ang nagc-cutting." 

Sabi niya, sabay upo sa gitna namin ni Chelu. UGH. Napaka-antipatiko!

"Hindi mo na kailangang malaman 'yun, 'wag ka ngang makialam!" Naiirita talaga ako sa presence ng lalaking 'to.

"Aray naman. We're friends, right?" 

"Wag kang magpout, mukha kang tanga." Nag-iba naman agad yung expression ng mukha niya. Napaka-pikon talaga. hahaha.

"ANONG SABI MO????" Sasagot na sana ako, kaso natigilan kami nung may dumating ulit.

"Ivan, pare, andyan ka lang pala!! Sabay ka na raw sa'min mag-lunch!" I hate this.

Natahimik kaming lahat. Dinadasal ko talaga na 'wag siyang lumingon sa direksyon ko.. Pero..

"D-Dyna?" Unti-unti siyang lumapit. Bakit ganun? Parang nakikita ko na..

Nasasaktan din siya??

"Teka, teka, Xander, kilala mo na pala sila??" Pinigilan ni Ivan si Xander. Wow, may nagawa rin siyang maganda.

Hindi rin makasagot si Xander.

Sabagay, awkward naman ngang sabihin na, "She's my ex-girlfriend.", 'di ba?

"Akala ko pa naman puro strangers ang kaklase ko ngayon, 'yun pala may magkaka-kilala na." Sabi ni Ivan. Teka, what??

"Teka, hindi ba magka-barkada kayo ni Xander??" Tanong ni Chelu.

"Ah, hindi ah. Kanina lang kami nagkakilala nung naghahanap ako ng section.."

Nagkatinginan kami ni Chelu.

Gulong-gulo na ang isip ko ngayon.

Una, kaklase ko ang EX-BOYFRIEND ko.

Tapos..

Kung wala pala kaming common friends ni Ivan..

Bakit niya ako kilala?

I'm the Extra. (MEGA HIATUS)Where stories live. Discover now