3rd.

504 23 6
                                    

K's Note:

Hello po. Sorry po mahigit isang buwan akong hindi nag-UD ha? Sorry po talaga. Busy po, tapos nasira yun laptop namin. T__T

Anyway, dalawa po ito. Sana magustuhan niyo. Godbless! I love you. :))

***

3rd.

"Esp, try mo 'to." Ini-abot sa akin ni Chelu yung damit na napili niya. Ganyan kami kapag nagma-mall. Ipipili niya ako ng kung anu-ano, at ganun din ako sa kanya. Buti at parehas naman kami ng taste.

"Oh, okay. Dun ako sa fitting room. Eto, sukat mo." Iniabot ko rin sa kanya yung napili kong blouse.

"Wait, Esp. CR muna ako. Sa'yo muna 'yan." Nagtatakbo na siya palayo. Gaga talaga yun, dapat sinamahan niya na lang ako maghanap ng CR sa school kanina. Ang layu layo pa naman ng CR dito sa mall. Edi sana hindi rin ako nabwisit kanina.

Pumasok ako sa fitting room at sinukat yung binigay ni Chelu. Lumabas ako para humarap dun sa full-sized mirror.

Ganda talaga ng taste ng bruha.

"Tingin ko mas bagay sa'yo yung isa mong hawak.." Bigla na lang may nagsalita sa tabi ko, napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

"Excuse me?!" Napa-taray yung tanong ko. Ayoko kasi talaga ng ginugulat ako.Tiningnan ko siya. "Kung hindi mo alam, fitting room 'to ng mga babae. Hindi 'to pwedeng tambayan ng mga lalaki! Unless you're a perv... Or maybe.."

Tinjngnan ko siya mula ulo hanggang paa. Sayang, may itsura pa naman.

"Maybe you're one of us?"

Halos mahulog na siya sa kinauupuan niya nung sinabi ko yun. Napalakas yata, napatingin yung mga saleslady eh.

Nagulat ako nung bigla niya akong hinatak sa braso ko, mahigpit at malakas.

"Hoy! What the hell??! Bitawan mo nga ako! Baka mamaya sabihin pa itinakas ko 'tong mga damit na 'to! Saan mo ba ako dadalhin? Bumitaw ka sis!!!!"Pasigaw ko nang sinabi yun. Grabe, ang sakit ng braso ko! Ano bang klaseng bakla 'to!

"Wag na 'wag mo na uling gagawin yun." Kinilabutan ako sa sinabi niya, sobrang seryoso kasi.

"Ha?" Yun lang ang nasabi ko.

"Ayoko ng atensyon. Napaka-skandalosa mo!" Bigla siyang sumigaw. Ang OA ha!

"So dahil lang dun kaya mo ako kinaladkad dito? Ang pikon mo naman! Kung hindi naman pala totoo, dapat hindi ka ganyan kaapektado! At ano bang masama sa pagiging bakla? Baka ngayon tuloy wanted na ako sa loob ng mall kasi itinakbo ko 'tong mga damit na 'to! Bwisit naman talagang araw 'to!!!"

"'Wag kang magalala kahit bayaran ko pa ng triple yan, kaya ko! Basta itikom mo lang yang bibig mo! Ikaw naman kasi ang nagsimula eh!"

"At ako pa? Eh ikaw 'tong tumatambay sa fitting room ng mga babae! Kung hindi ka bakla, edi manyak ka nga!"

"Hoy, hoy, hoy! At sa tingin mo naman kamanyak-manyak ka?"

Natigilan ako. Iniinsulto ba ako ng lalaking 'to?

"Of course not! At proper adjective ba 'yun? 'Di namin kasalanan kung madudumi utak niyo! Now, kung wala ka nang sasabihin, pwede babalik na ako? Babayaran ko 'to, at babalik ako kasi nasa loob pa yung friend ko! Salamat ng marami ha? Time well spent! Bwisit!!"

Naglakad na ako pabalik sa loob. Ilang lalaki pa ba ang bubwisit sa araw ko ngayon? Utang na loob naman.

"By the way!!!" Sumigaw pa siya bago ako tuluyang makapasok sa loob. Tumigil ako pero hindi ako lumingon. "I'm Ivan!"

Sisigaw pa sana ako ng, "Tinanong ko ba?", pero sumigaw na naman siya.

"It's nice to meet the famous Dynalene Dean. See you at school!!!"

WHAT THE HELL??

I'm the Extra. (MEGA HIATUS)Where stories live. Discover now