24th

178 17 4
                                    

Belated Happy Valentines Day! Thank you ng sobra sa mga patuloy na sumusuporta, nagpPM, nagppost sa profile at nagllike sa fanpage, kahit ang pagong pagong ko.Sorry. Lovelots. :* :*

PUMUPUSONG CHAPTER!!!

****

24th.

Simula nung unang araw na makilala ko ang Mama ni Ivan, nagsunod-sunod na ang pagpunta ko sa kanila. Sobra na akong napamahal kay Mama Ria, to the point na pinakilala ko na rin siya sa Mommy ko. Thankful naman si Mommy kasi may "touch of a mother's love" na raw ako sa Pinas, though minsan inaamin niya na nagseselos siya. Sus. I love her more than any woman in the world. :)


Napapansin na rin nina Chelu na lagi akong excited kapag dismissal na, eh kasi nga, diretso kami ni Ivan sa bahay nila. Plus, doon niya ako tinutulungan para sa designs ko.

I must say, sobrang talented talaga ni Ivan pagdating sa designing. Napaka-laking tulong niya. Patapos na yung project actually. Nagkaayos na rin kami ng team. 


Sa ngayon, wala pa rin kaming balita kina Xander at Aya. Officially dropped out na raw sila. 'Di ko rin naman maiwasang mag-alala. Sana okay lang sila.

Dahil dun, medyo at peace na rin si Ivan sa sitwasyon. Hindi na siya sobrang protective.


Part of me wants him to stay that way. Landi.


Lately, sobrang laking tulong ni Ivan sa akin. I have grown much much closer to him.


I have grown much, much attached to him.

I have been falling.

Matagal ko na rin namang inamin sa sarili ko yun. Tinanggap ko na.

Syempre natatakot ako, kasi eto na naman ako. Sasabak na naman ako sa laban na hindi ko alam kung may ipaglalaban nga ba ako. 

Dahil sa nararamdaman ko na 'to, sinusugal ko yung friendship namin. 


Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ko kayang itago 'to. Baka isang araw bigla ko na lang masabi sa kanya lahat.


Pero hindi, feeling ko hindi pa oras para dun.


Gusto ko pa siyang mas makilala. Sa ngayon, kuntento na muna ako sa alam kong special din naman ako sa kanya. Gusto ko rin munang makasiguro.


I don't want to give my heart fully away again, just like that. 

***

"As usual. Girls, 'wag kakabahan, okay? Icheck kung nasa van na lahat ng kailangan, we don't wanna mess things up. This is one HECK of an event!!" Words of motivation muli ni Ate Cha.

Yes, ngayon yung event na ikinagalit ni Ate Cha noon. Sobrang laki pala talaga, sa sponsors at guests p lang, lalo na sa prize.


Salamat kay Ivan, natapos namin on time.


Nakarating kami sa event center nang maaga, gaya ng nakagawian. Inaayusan na si Chelu.


"Psst. Labas tayo." Bulong sa akin ni Ivan. Yeah, he came with us.

"Ha? Saan tayo pupunta? Baka ma-late tayo sa event." Pabulong ko ring sinabi.

I'm the Extra. (MEGA HIATUS)Where stories live. Discover now