2nd.

691 25 12
                                    

K's Corner:

Hi po! Pasensya na ang pagong ko talaga mag-update. Tamad ko no :((( Sorry po! Tapos kapag sisipagin na ako, maba-blanko utak ko. Alam kong hindi valid reason pero ganun talaga eh T__T Ayun. Godbless! Leave feedbacks po ha :)

***

2nd.

"Mga college na kayo. Dapat alam niyo na kung anong mga dapat gawin sa bawat school, since general knowledge na naman 'yon. At alam kong io-orient na rin kayo ng ibang profs niyo. We don't want redundancy, right? Sige. Magsi-layas na kayo. Class dismissed." Pagka-sabi ni Sir nun, iniwan na niya kami. Nag-ingay naman ang buong klase. Last period na kasi namin siya, at one hour and a half ang klase namin sa kanya. Ang aga tuloy naming na-dismiss. Ayos pala pag college, eh!

"Wow, Esp! Astig! Tara, gala tayo! Sayang ang chance, dali!" Hinila na ako ni Chelu papalabas ng campus. Ni hindi man lang tinanong kung payag ba ako. Sabagay, hindi naman nga ako tumatanggi. (A/N: Esp=Espren=Bestfriend)

"Wait Esp, pantog alert na talaga ako. Punta muna akong CR.."

"Lesheng pantog naman 'yan. O sige. Bilisan mo, ha. Tawagan ko lang si Mommy, antayin kita sa may gate." Nauna na nga palabas si Esp.

Teka. Bago nga lang pala kami rito. Saan nga ba 'yung CR?

Balak ko sanang magtanong-tanong, pero halos wala pang tao sa hallway since class hours pa naman ngayon. Eh, imposible namang wala akong makita kahit isang tao rito, no. Maglilibot-libot muna ako.

After siguro ng mga 3 minutes, may nakita akong kumpol ng tao sa may drinking fountain. Puro lalaki sila, pero okay lang naman siguro.

Kung bakit naman kasi ang hirap hanapin ng CR sa school na 'to. Usually sa madaling makita inilalagay ang CR kapag sa schools 'di ba? Ay, ewan.

Nung medyo malapit na ako, nakita ko na wala pa rin silang ID. Ah, freshmen din pala sila. Alam na kaya nila yung mga lugar dito?

"Uhm.. Excuse me?" Sabi ko nung makalapit na ako. Natigil sila sa usapan nila.

"Yes, Miss?" Sabi nung isang guy bago pa man siya humarap sa akin.

"Ah, itatanong ko lang sana kung alam niyo kung saan ang mga CR dito?" Tanong ko habang nakangiti nang kaunti.

Tiningnan muna nila ako tapos nagbulungan sila. Teka, parang may mali rito..

"Ah, Miss.. Samahan na lang kita." Sabi nung isa sabay ngiti nang may pagka-pilyo.

"Hindi Miss, ako na lang. Saulo ko na mga lugar dito." Sabi naman nung isa pa nang tinataas-taas pa yung kilay niya. Nagtu-tulakan sila. Apat sila na nandoon.

"O sige, ganito na lang. Sasamahan ka na lang naming dalawa. Alam kong okay lang 'yun sa'yo, 'di ba, Miss Dean?" They smirked.

It took me a while bago ko na-realize ang sitwasyon.

Sh*t. Schoolmates ko sila nung high school.

"Oh, ano? Tara na? C'mon, alam kong 'di mo tatanggihan ang offer namin."

Sh*t talaga. Ayoko na nang ganito.. Hindi ako maka-sagot, hindi na ako maka-galaw sa kinatatayuan ko.

Yung dalawa nilang kasama nanunood lang. Yung isa, parang aliw na aliw sa pinapanood niya at yung isa parang walang pakialam. Alangan nga namang tulungan nila ako, eh magkaka-barkada sila.

Mali naman kasi ang tingin nila sa'kin eh...

"Ah, s-sige. Hahanapin ko na lang mag-isa. Kaya ko na naman siguro.. Excuse me.." Tumalikod na ako sa kanila.

"Ano ba?" Hinawakan ako sa braso nung unang kumausap sa'kin. Looks like I pissed him off.. "Wala pang tumatanggi sa amin. And besides, our girlfriends wouldn't know. Magaling ka rin naming mag-tago, 'di ba?" Tumawa sila.

Hindi ko na napigilan.

Nasampal ko siya. Nagulat yung isa, pero sinampal ko rin siya. Nakakabastos na rin kasi. Hindi nila ako kilala. At isa pa, nagba-bago na nga ako. Tapos ngayon pa nila ipapa-mukha sa'kin yung mga pagkakamali ko? HA.

"Pwede ba? Tumanggi na nga ako, 'di ba? Mahirap ba intindihin 'yun? At isa pa nga pala. I know you all think of me as a FLIRT, B*TCH or whatever! But I don't care. I don't care anymore. At kung kayo, wala kayong pakialam sa mga girlfriends niyo, edi mas masahol pa pala kayo sa'kin! Mga ulul!" With that, I left.

Dire-diretso ako hanggang gate. Naabutan ko si Esp na nakapamewang na doon.

"Ano? Naka-tae ka na?"

"GAGA! Tara na nga! Bumalik na sa bloodstream ko yung ihi ko. Mall tayo! Nakaka-bwisit!"

"MAS GAGA KA! You mean kasama ng dugo mo yung ihi mo sa ugat mo? YUCK!"

"MANAHIMIK KA. TARA NA SA MALL BILIS."

"Oo na! Tara." Hinawakan na niya yung kamay ko at sabay kaming nag-lakad sa sakayan ng jeep papunta sa mall.

Kailangan ko ng mapapaglibangan. Na-bwisit talaga ako sa mga 'yun eh.

Well, yeah. Ganun ang reputasyon ko sa dati naming school. Halos lahat nga ng babaeng may boyfriend iniiwasan ako, at iniiwasang mapalapit sa'kin ang boyfriends nila. As if naman papatulan ko lahat ng boyfriends nila, may taste naman ako 'no! Ilan lang ba ang gwapo sa school namin noon? DUH lang ha.

I mean, hindi naman ako flirt eh.

Sadyang madalas ako ma-fall sa mga lalaking taken na pala..

Hindi ko nga matukoy kung ako ba na na-fall yung may kasalanan, o sila na kahit may girlfriend na eh sweet pa rin sa akin. Sinong tanga? Pasalamat nga yung mga babaeng yun at dahil sa akin nalalaman nila na hindi naman talaga matino yung mga lalaki nila. JOKE.

Simula nang naging ganun ang pagkakakilala sa akin ng schoolmates ko, si Chelu na lang ang natira sa lahat ng kaibigan ko. Siya na lang yung naging totoo sa akin. Sure, meron pa rin namang mabait sa akin. Pero lahat sila? Single. Kapag nagkaka-boyfriend na sila, dumidistansya na sila sa akin. Wala eh.

Hindi ko na lang din sila masisi. Ako naman din ang nagsimula eh.

Well, masaya na sila doon. Wala na yung THREAT sa relationsh*ts nila.

"Ay Ateng. Baka gusto mong bumaba na?" Eto na naman ang bungangera kong Esp.

"Oho, oho. Kakahiya sa'yo."

"Mahiya ka talaga sa akin at sa driver ng jeep na naaaksaya ang gasolina sa tagal mong---"

"Oo na utang na loob itikom mo yang bibig mo! Tara na sa loooooob!" Busalan ko na kaya 'to no? Haha.

"Tse. Oh, tara na. Alisin natin pagka-BV mo." Nginitian niya ako.

There are lots of things to love about this girl. Kaya siguro lahat ng naging boyfriend niya sineryoso talaga siya. At ganun din si Chelu. Hindi pa lang niya siguro nahahanap yung para sa kanya. Magf-five months na rin siyang single, eh.

But we will always be here for each other.

I'm the Extra. (MEGA HIATUS)Where stories live. Discover now