15th.

309 21 3
                                    

Last update for the night. Sana nagkakaroon naman kayo ng idea sa patutunguhan ng storyang to, kung meron man. hahaha jk. Thank you thank you guys. :*

***

15th.

Wala si Ivan sa loob ng kwarto.

Pumasok ako sa loob.

"Ivan? Ivan!! Nasa'n ka??"

Walang sumagot. Bigla kong naisip ang phone ko, nasa kwarto ko nga pala. Baka tumatawag ulit si Xander!

Napatakbo ako ulit pabalik sa kwarto ko. Naiiyak na ako, hindi ko alam ang gagawin. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Natatakot ako. Natatakot talaga ako.

Ivan...

Malabo na ang paningin ko dahil sa luha kaya hindi ko napansin na may kasalubong pala ako. Napasigaw ako dahil sa takot, kaba, halu-halo na ang nararamdaman ko.

Nang maaninag ko na kung sino siya, gumaan ang pakiramdam ko. Nayakap ko siya, napaiyak ako sa dibdib niya.

"Gago ka, saan ka ba nagpunta? Bakit ba hindi ka marunong pumirmi sa isang tabi? Ha?! Tinakot mo ako!!" Wala na akong pakialam kahit maingay ako. Tulog mantika lahat yung ibang kasama namin.

Kahit sigaw ako nang sigaw, deep inside, masaya ako. Masaya ako kasi ligtas siya, masaya ako kasi kasama ko na siya.

Kahit hinahampas-hampas ko na siya, nginitian niya lang ako. Niyakap niya ako nang mas matagal. Tahimik kami, ganun lang.

Weird, but I felt really comfortable, serene. Para bang walang nangyari kanina.

"Saan ka ba galing?" Sabi ko nang nawala na ang paghikbi ko. Kumalas na rin kami sa pagkakayakap namin, pero malapit lang ang mukha niya sa'kin.

"Sa totoo lang, hindi kasi maganda ang kutob ko kanina. Ewan, bigla akong kinabahan. May narinig din kasi akong parang sumisigaw sa labas. Kaya lumabas ako, chineck ko muna yung living room niyo. Then biglang naisip kita, may veranda nga pala sa kwarto mo. Tumakbo ako papunta sa kwarto mo, kaso pagsilip ko, wala ka. Mas lalo akong kinabahan. Nung lumabas naman ako, nakita kong tumatakbo ka. The end." Nakatingin lang ako sa kanya habang nagku-kwento siya. So parehas lang pala kami?

Hindi kaya si Xander yung narinig niya?

"Kaya 'wag kang mag-inarte dyan. Pina-kaba mo rin ako, alam mo yun?" Tumingin siya sa relo niya. "Lampas 3AM na pala. Tingin mo ba makakatulog ka pa?"

Umiling ako. Pagkatapos nang nangyari'ng 'to? Baka ilang araw akong hindi maka-tulog.

"Sige. Dun na lang tayo sa kwarto mo, sasamahan kita in case antukin ka."  Tinaasan ko siya ng kilay. "And don't even think na may balak ako sa'yo, may taste ako 'no." Binatukan ko na lang siya. Okay, we're back to normal.

Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto ko bago ako tuluyang pumasok, sumunod naman si Ivan. Kumalma na rin ako.

"Ivan.. Yung kanina.."

"Si Xander ba?" Nagulat ako sa sudden change of mood niya. Bigla siyang sumeryoso. "Nakita ko siya kanina bago ako magpunta rito, dun sa convenient store na binilhan ko ng mga dinala ko. Akala ko nga inimbitahan mo yun eh. Tapos nung kinuha natin yung mga gamit ko sa kotse, dun nagsimula yung masamang kutob ko. Tapos nung magkahiwalay na tayo, may narinig din akong sumisigaw, malakas ang kutob kong si Xander yun.."

"Kausap ko nga siya sa phone kanina.. Umiiyak siya.. Hindi ko akalaing kaya ni Xander na mag-sabi ng mga ganoong bagay.. Pinagbantaan niya rin ako.."

I'm the Extra. (MEGA HIATUS)Where stories live. Discover now