1st.

885 37 11
                                    

Sorry po slooooow update. T__T

Thanks nga po pala, 4K followers na! Much love. Godbless. :))

Twitter account: @heyim435

****

1st.

"Tama na! Ayoko na! Itigil na natin to.. Please.."

"Pero Babe.."

"Peste! Babe mo mukha mo! Hindi ka pa ba nako-konsensya sa ginagawa natin? Kasi ako sobra-sobra na! Ilang beses mo na ba sinabing makikipag-break ka na sa girlfriend mo? Wala namang nangya-yari! Eh sarap na sarap ka yata sa pakiramdam na nagt-two time ka eh! Sabagay, ako rin naman kasi yung t*nga. Di ba? Sorry, ha? Hindi ko na talaga kaya. Ang sakit-sakit na.. Tama na 'to.." Tinalikuran ko na siya.

"Babe naman.. Please.. 'Wag.. Promise! Ngayon din makikipag-break na ako sa kanya!"

"TAMA NA XANDER! Sawang-sawa na akong maging masama sa mata ng ibang tao! Alam ko na hindi rin ako magiging masaya kapag naging tayo.. Kahit pa sabihin na mahal kita.. Kasi.. Mali.. Sobrang mali talaga.. Alagaan mo na lang yung girlfriend mo.. Bye.."

**

"HOY. Tulala ka na naman dyan?" Umupo sa tabi ko si Chelu. Bestfriend ko. "Susko naman, Dyna. Iniisip mo pa rin ba yung kagagahan mo? Alam mo, mag-move on ka na. Ha? Kasi sinasabi ko sa'yo, proud na proud ako sa ginawa mo. Sana ngayon, FINALLY, mawala na ang taste mo sa mga lalaking taken." Sabi niya sabay ngisi sa akin.

Walangyang 'to. 'Di ko malaman kung kino-comfort ako oh ano, eh.

"OO NA. Gaga na ako kung gaga. Alam ko namang mali eh.. Lahat na lang ng relasyon na napapasukan ko, mali! Hay.. Esp, matutulungan mo naman ako, 'di ba?" Walang sumagot. Nung lumingon ako, wala, iniwan ako, bumibili na pala siya ng dirty ice cream sa kanto.

Grabe. Pang-ilang palpak na relasyon ko na ba yung kay Xander? Ay. Ewan. Feeling ko tuloy, NBSB pa rin ako dahil never pa ako nagkaroon ng seryosong relasyon.

Alam ko ang tingin sa akin ng iba, flirtb*tch, malandi, kerida, etsetera, etsetera.

Lahat kasi ng naging karelasyon ko, MAY SABIT. Ano kayang sunod? Baka yung magiging boyfriend ko, pamilyado na? Ay, punyemas. 'Wag naman sana.

Inaamin ko naman na may pagka-maldita ako, eh. Ipinagla-laban ko kasi talaga ang isang tao kapag mahal ko. Kaso.. Parating wala sa lugar, eh.

Akala siguro nila, ang saya-saya ko. Pero hindi. Sobrang hirap din.. Kasi alam ko na sa bawat oras na masaya ako kasama ang mahal ko, meron din akong nasasaktang ibang tao.

Pinalaki naman ako nang maayos ng mga magulang ko, no. Alam ko rin ang tama at mali.. Pero malaki talaga akong SHUNGA. Hindi ko mapigilan ang sarili ko eh.. Ganun naman talaga kapag nagma-mahal, 'di ba? Tsaka kasalanan ko ba kung yung mga taken na nagugustuhan ko.. Nagkaka-gusto rin sa'kin?

UGH. Mali. Umaandar na naman ang pagka-malandi ko. Mali. Mali talaga.

Nangako na ako sa sarili ko na magbabago na ako, eh. Alam kong hindi madali. Lalo na at 'yun na ang tingin ng lahat ng tao sa akin.

Sa pagtungtong ko sa college life, umaasa ako na dito na rin magsisimula ang pagiging masaya ko. Umaasa rin ako na sana, this time, magiging BIDA na ako.

I'm the Extra. (MEGA HIATUS)Where stories live. Discover now