9th.

398 18 11
                                    

Went on hiatus, eh? :((

Sorryyyy ngayon lang! Pinanindigan na tlaga yung slow update hahaha. been really pressured these past few days. Sooo eto po. Pagpasensyahan niyo ha? At ako po ay wala pa masyadong plot na sinusundan hahaha. Happy Holidays alabyu :**

<3 Kharu Lychee :3

*****

9th.

Grabe, maaga ako natulog kagabi pero antok na antok pa rin ako. napangiti ako ulit nung naalala ko yung convo namin nung tsonggo kagabi. PampaGV talaga siya, winner. HAHAHA. K.

Kahit hihikab-hikab pa ako, nilock ko na ang bahay tapos pupunta na ako sa school. Lalakarin ko na lang, maaga pa naman. Baka kapag nag-jeep ako makatulog lang ako dun, lumampas pa ako.

Ano kayang mangyayari sa araw na 'to? Kagabi, nung naglakad lakad ako, nakapag-reflect naman ako nang maayos.

I know, Xander is just not the one for me. Magiging okay na lang ako na okay na sila ni Aya. Ayoko nang mabitter!

Pagpapahingahin ko naman muna ang puso ko.

Pagkarating ko sa classroom, wala pang tao. Ano bang ieexpect ko? 8AM ang klase namin pero 7AM pa lang..

Since antok pa naman ako, matutulog na lang muna siguro ako.

Hay eto talaga ang sakit ko eh. Masyadong early bird. Well, may kilala akong tao na nasasabayan ang pagiging EB ko, pero sana hindi ngayon.

Maya-maya, narinig kong bumukas ang pinto. Na-tense ako bigla. Parang ayokong tingnan kung sino yung pumasok.

Habang nakasandal sa desk ko ung ulo ko, tiningnan ko yung orasan ko.

7:20AM.

Napaubo yung taong kasama ko.

Sht. Siya nga yun.

Involuntarily, napaupo ako nang maayos. Napalingon ako sa kanya.

"Uhm.. Good morning." Sabi nya nang medyo mahina, slightly smiling.

"Uh.. Good morning din.." Nginitian ko na lang din siya.

"Early bird ka pa rin, Dee." Tinawag niya uli akong Dee..

"Haha. Hindi na yata mababago yun. Ikaw din naman."

I can't believe it, nagu-usap kami. NAGU-USAP TALAGA KAMI. Sobra ko 'tong namiss. Pwede bang wag na dumating yung mga kaklase namin?

Ugh Dyna.

"Hahaha ang kapal kapal pa rin talaga ng mukha mo!" Sabi ko sa kanya. Nilalaksan ko na lang yung tawa ko para hindi mahalatang kinikilig ako. No. Hindi pwede..

"I know.. Kaya ka nga nakipag-break sa'kin, 'di ba?" Ayun. Pinatay niya yung gumagaang atmosphere sa amin.

"Alam mo Dee. Pinagsisisihan ko 'yun.."

"Xander, tama na. Alam mong hindi yun ang rason kung bakit ako nakipag-break sa'yo.. Ayoko na kasing magpaka-tanga.. Nakakasawa. 'Di ba sabi ko sa'yo, ayoko na maging extra lang?" Pinilit kong maging matatag. Ayokong umiyak sa harap niya. Sht bakit.

Nung akala ko hindi na siya magsasalita, aalis na sana ako. Pero pinigilan niya ako.

"Dyna.. Pwede ba nating subukan ulit?"

Pakiramdam ko nadikit yung paa ko sa sahig.. Parang tumigil ang mundo ko. Hindi ako makakilos, makahinga.. Hindi ko maialis ang tingin ko sa mga mata niya. Hinahanap ko yung katotohanan dun.. pinipilit kong tingnan kung sincere siya..

Pero sht, may Aya. Ano ba? Gulong-gulo na ako..

"Dee. Please.. Miss na miss na kita.." Tumayo siya. Alam kong yayakapin niya ako. Leche Dyna gumalaw ka!!! Reyna ka talaga ng katangahan!!!

Nung malapit na siya, napapikit na lang ako.

"DYNA!!!" Natigilan si Xander. Kung sino man yung tumawag sa akin, malaki ang utang na loob ko sa kanya.

"Dyna!! Asan ka---" Natigil siya nung makarating siya sa pintuan. Mukha siyang pagod na pagod, hinihingal pa siya. Magulo yung buhok niya, pero okay pa rin tingnan. "Sht Dyna! Buhay ka!!!" Sunod na alam ko, yakap na ako ni.. Ivan.

Napatingin ako kay Xander. Mukha siyang dismayado.. Naiinis.. Nagseselos? UGH.

FUNNY, HA-HA.

Two guys attempted to hug me this morning, and this monkey was the one who made it. Hay.

"Dee, sige. Usap tayo ulit mamaya." Lumabas si Xander. Nung makalayo na siya, piningot ko nang malakas si Ivan.

"Hoy ikaw na tsonggo ka, ano na namang drama yun, ha?? BAKIT NAMAN AKO HINDI MABUBUHAY HA??"

"Aray naman, Barney!!! Tama na please!! Ako na nga-- aray!!! Ako na nga 'tong concerned eh!!" Binitawan ko naman yung tenga niya.

"HA???" Yun lang ang nasabi ko.

"Bwisit. Ang sakit mo mamingot ha!! May araw ka rin!!" Hawak niya ung super pula niyang tenga. Halos matawa ako sa itsura niya. "So, yun nga. Actually, kanina pa ako nakarating, andun lang ako sa may pintuan. Nanunuod ng drama" He smirked.

Tiningnan ko siya nang seryoso. Hindi lang simpleng drama yun..

"Alam kong may past kayo, kaya naisip kong siguro magiging interesting na panuorin kayo. Kaso nakita kong natatalo ka na. So, pumasok na ako sa eksena. At imbis na magpasalamat ka, pini----" Hindi na niya natapos yung sinasabi niya kasi napaiyak na ako nang malakas. Shocks, nakakhiya sa kanya, pero hindi ko na kayang pigilan. Kanina pa 'to, eh.

"Ano bang kagaguhan yun ha, Ivan? Okay na eh! Nakapagreflect na ako kagabi, at alam kong tanggap ko na talaga. Isa pa, may girlfriend siya! Ganun ba ako katanga sa paningin niya? Grabe!!!" Nakatingin lang siya sakin. Ako naman umiyak lang ng umiyak, naglalabas ng sama ng loob. I don't know why this is so comforting. Nakikinig lang siya sakin, wala siyang ibang ginagawa, pero gumagaan yung pakiramdam ko. Ganun nga siguro talaga kapag nailalabas mo yung feelings mo.

"Oh, tapos ka na?" Tumango ako sabay punas ng tissue sa ilong ko.

"Hindi ako ganun katanga, kung yun ang iniisip niya." Yun ang nasabi ko nung mahimasmasan ako. 7:50AM na.

"Alam ko, Dyna. Alam ko." He tapped my shoulder. Bakit bigla siyang naging seryoso at misteryoso ngayon? Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Anong nangyari sa baliw na unggoy?

"Bakit ba.. Parang ang dami mo biglang alam? May split personality ka ba?" Napangiti siya sa sinabi ko. Napansin kong medyo dumami na ang tao sa room, pero hindi pa bumabalik si Xander.

Lumapit siya sa upuan ko, tapos may ibinulong siya sa akin. Natigilan ako. Ngumiti siya, tapos bumalik sa upuan niya. Sakto namang dumating ang prof namin.

Hindi ko alam kung anong meron sa kanya.. Pero parang bigla akong natakot sa kanya.

"Marami akong alam tungkol sa'yo, Ms. Dean."

***

Masusundan po ang chapter na ito within this week.

I'm the Extra. (MEGA HIATUS)Where stories live. Discover now