Special Chapter

5K 67 15
                                    

Please be aware of some grammatical errors. Thank you and happy reading everyone! <3

Pahapyaw sa story ni Trixie.

________________________________

TALIA

"Trixie Anak! Bumangon kana," agad ko namang pag gising sa aking anak. Gumising naman ito at ininat ang kaniyang katawan bago ako nginitian at hinalikan sa pisngi.

"Magandang umaga po, Nanay!" Masayang bati naman saakin ng aking anak. Agad ko naman itong niyakap at inamoy ang kaniyang kili-kili.

"Nanay! Nakikiliti po ako!" Tumatawang saad naman ni Trixie. Tumigil naman ako sa ginagawa ko at agad na ginulo ang kaniyang buhokm

"Mag ayos kana anak. Hinahanap ka ng anak ni Mrs. Soo," nakangiti kong saad. Tumango naman ito saakin.

"Bakit ba daw po Nanay?" Agad naman niyang tanong saakin.

"Maglalaro daw kayo ni Blaire!" Nakangiti kong saad. Agad naman itong tumayo sa higaan at natatarantang nag ayos ng kaniyang sarili.

Tinulungan ko naman itong ipitan ang kaniyang buhok.

"Huwag masyadong malikot sa taas anak hah! Maraming mamahaling gamit ang mga Soo. Baka masagid mo," pag papa aalala ko naman sakaniya.
Agad nama siyang tumango.

"Opo Nanay! Mag iingat po ako sa pag galaw po sa taas," nakangiti niyang saad.

"Napaka good girl mo talaga anak!" Nakangiti kong saad.

"Syempre po, Nanay! Ikaw po ang nagdidisiplina saakin at nag aalaga saakin. Napakabait mo po kasi Nanay! Kaya mahal na mahal ko po kayo!" Malambing na sabi ni Trixie. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Halika nga kay Nanay! At parang gusto mo ata ng yakap galing kay Nanay!" Nakangiti kong sabi at niyakap siya.

"Mahal na mahal po kita, Nanay!" Malambing na saad ni Trixie.

Agad ko naman itong hinalikan sa kaniyang noo at ngumiti.

"Mahal na mahal ka 'rin ni Nanay, anak. Lagi mo 'yang tatandaan hah!" Nakangiti kong sabi.

Masyado na akong napalapit sa bata na parang ayoko na siyang pakawalan pa. Pero hindi ko siya pag-aari at sa ano mang oras ay pwede siyang kunin saakin at bawiin ng kaniyang tunay na mga magulang.

THIRD PERSON'S POV

Agad namang tumaas si Trixie para makipaglaro sa kaniyang kaibigan na si Blaire.
Gaya ng bilin sakaniya ng kaniyang Nanay ay mahinahon itong naglakad papasok ng bahay ng mga Soo.

"Magandang umaga, Esha!" Nakangiting bati naman sakaniya ni Kyela. Ang nanay ni Blaire na si Mrs. Soo.

"Magandang umaga din po, Tita Ela!" Masayang bati naman ni Trixie sa ginang. Napangiti nalang si Mrs. Soo dahil sa sobrang gaan ng kaniyang pakiramdam sa bata.

"Sumabay kana saaming mag almusal, Esha." Alok naman ni Mrs. Soo. Pero agad namang umiling iling si Trixie.

"Sabi po ni Nanay. Huwag daw po akong sasabay sa inyong kumain dahil amo daw po kayo namin," mahinahong saad ni Trixie. Napatawa naman ang ginang at nilapitan ang batang si Trixie.

"No, you're part of the family Esha. Bestfriend ka ng anak kong si Blaire kaya, you can always join us." nakangiting saad ng ginang.

Napangiti naman si Trixie
at tumango nalang sa ginang.

"Esha!" Sigaw naman ng kaniyang kaibigan na si Blaire.
Agad siya nitong hinila patungo sa katabi niyang upuan.

"Kain kana, Esha? Mommy cooked those foods and they're so delicous." nakangiting saad ni Blaire. Agad namang tumango si Trixie at kumuha ng pagkain

"Mom!" Agad naman silang napalingon sa boses ng isang lalake.

"Oh Kyle! Gising kana pala. Come and join us," nakangiting saad ni Mrs. Soo sa kaniyang anak na si Kyle.

Bago pa man umupo si kyle sa upuan ay napatitig ang bata kay Esha at tinaasan niya ito ng kilay.

"Anong ginagawa ng anak ng maid natin dito mom?" Naiiritang tanong naman ni Kyle.

Hindi ito pinansin ni Trixie dahil nasanay na ito sa inaasta ng lalakeng anak ng Mga Soo.

"Stop being so mean, Kyle! She's part of our family, ok! Stop being rude to her." medyo galit na saad ng kaniyang ina. Tumango na lamang si Kyle at nag umpisa ng kumain ng kaniyang almusal.

Natapos na'rin silang kumain ng almusal kaya agad namang inaya ni Blaire si Trixie para mag laro sa labas.

"Bakit hindi mo kamukha ang kuya mo, Esha?" Agad namang tanong ng kaniyang kaibigan na si Blaire.

Agad namang napaisip si Trixie sa tinanong ng kaniyang kaibigan.

"Hindi ko nga 'rin alam Blaire 'eh!" Mahinahong saad ni Trixie.
Agad namang tumango nalang si Blaire.

"Mag pinky promise tayo, Esha!" Nakangiting saad ni Blaire.
Agad naman siyang napatitig sa kaniyang kaibigan.

"Pinky promise?" Naguguluhan niyang tanong.

"Oo! Pinky promise na magiging mag kaibigan tayo hanggang sa paglaki natin!" Nakangiting sabi ni Blaire. Napangiti naman si Trixie at tumango sa kaibigan niya. Nag pinky promise naman sila.

"Bestfriend Forever!" Sabay nilang sigaw.


___________________________

Thank you! <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon