Chapter 60

3.2K 49 0
                                    

Please be aware of some grammatical errors. Thank you and happy reading everyone! <3

SCARLET

"We're here!" masayang sabi naman ni Tyle.
Napalingon lingon naman ako sa paligid.

Agad naman na naghiyawan ang tatlong bata at dali-dali itong lumabas ng kotse.
Nasa isang amusement park kami and hindi naman masyadong maraming tao kaya hindi nakakahilo tingnan.

Agad kaming pumasok at bumili si Tyler ng ticket para sa lahat ng rides dito sa Amusement park.

"Daddy! Look at that ride! I want to ride the horses. I've never experience riding that thing," nakagiting saad naman ni Verliza at itinuro ang carousel.

"Ok! We'll ride that," nakangiting sabi ni Tyler. Humiyaw naman si Verliza at patakbong lumapit sa carousel. Napangiti nalang ako.

Agad naman silang sumakay na tatlo at ako ay nagpaiwan na lamang para pagmasadan sila.
Kasama nila si Tyler para bantayan silang tatlo.
Para itong bata na nakasakay 'rin sa isang kabayo sa carousel at natatawa ako dahil ngiting ngiti lamang ito. Kumaway kaway naman saakin si Brian.

"Mommy this is so fun!" nakangiting sigaw ni Brian. I just nodded at tiningnan ko naman si Grey na nakangiti lang at kumaway naman 'din ito saakin.
Kumaway din ako sakaniya at ngumiti.

I took some pictures of them because this is so memorable.

Kanina pa ako tawa ng tawa dahil sa kalokohang ginagawa ng apat habang nakasakay.

Sunod naman naming sinakyan ang bump car at sobrang saya lalo na kapag nag babangaan kaming apat.

"Waaah! Your so daya, kuya Grey! Kanina mo pa ako binabangga! I hate you na." tumatawang saad ni Verliza.

"I'm not madaya Ver. Hindi mo lang kasi ako mabangga!" tumatawa 'ring saad ni Grey.
Natawa nalang ako sa tinuran ng dalawa at patuloy kaming nag banggaan.

And after riding so many rides here at the amusement park ay naisipan naming mag pahinga na muna for the mean time.

Agad kong pinunasan ang likod ng tatlo dahil sobrang pawis na pawis na ang mga ito.

"Scar. Pwedeng punasan mo 'rin ang aking likuran. Sobrang pawisan narin kasi ako, wife," nakangiting saad ni Tyler.
Sinamaan ko naman ito ng tingin at umiling-iling.

"You have your hands, Mr. Sy!"nakangiti kong saad. Nakita ko namang nag pout ito.

"Kids! Pagsabihan niyo nga 'yang mommy niyo na maging sweet 'din saakin. Lagi nalang akong inaaway," nakapout nitong sumbong.

Aba! Nagsumbong pa talaga sa mga anak ko.
Agad naman akong natawa at napailing iling dahil sa tinuran ng aking asawa.

"Mommy come on! Punasan mo na ang likuran ni Daddy. Baka magkasakit pa si Daddy," nakangiting banggit naman ni Verliza.

Timingnan ko naman si Tyler na nakangiting nakatitig saakin.

"Paano 'ba yan, wife. Punasan mo na kase likuran ko!" tumatawa nitong saad napailing-iling nalang ako habang nakangiti.

"Ok! Ok!" nakangiti kong pag sang-ayon at nilapitan na si Tyler. Unti-unting pinunasan ang kaniyang likuran.

"Sa bandang tiyan naman," nakangiting saad nito. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Aba! Namumuro kana, Mr. Sy!" natatawa kong saad. Nag smirk naman ito.

"Ayaw mo niyan misis ko! Binibigyan kitang pahintulot para madama mo ang aking mumunting pandesal sa aking tiyan," natatawa nitong saad. Agad ko naman itong binatukan at sinamaan ng tingin.

"Ayan ka nanaman sa pagiging pervert mo, Tyler!" natatawa kong saad. Ngumiti ito at hinalikan ako sa aking labi.

"I love you!" he said after he kissed me.
Ngumiti naman ako.

"I love you!" and smiled at him

TRISHA

"I already told you about this Trisha!" galit na sigaw ni Mom.
Agad naman akong napayuko.

"Sinabi ko na sayo na dapat sinabi na natin ang katotohanan kay Tyler noon pa'man! Now look at what you've done! He's mad at us!" galit na saad ni Mom.

"I am so sorry mom! I just wanted to protect Tyler. But i guess thats not the right decision," mahinahon kong saad.

"Pinakilala mo pa sakaniya si Alia! Ngayon nabiktima si Alia sa kasinungalingan mo. Sinaktan mo si Alia!" galit na saad ni Mom.

I know this is all my damn fault.

"I know Mom! I know!" I frustatedly said.
Naramdaman ko naman ang paglapit saakin ni Mom at niyakap niya ako.

"I love you Trisha pero may kasalanan 'rin naman ako. Dapat inunahan na kita sa pagsabi sakaniya ng totoo," mahinahong saad ni mom. Niyakap ko rin ito ng mahigpit.

"No mom! Ginawa mo lang 'yun dahil inutos ko sayo na 'wag gawin. I am so sorry mom. Nang dahil saakin ay galit ngayon si Tyler," umiiyak kong saad.
Naramdaman ko naman ang pag tatahan saakin ni Mom.

"Sh! Mag sosorry tayo sa kapatid mo. Lalong lalo na ngayon at magpapakasal ulit sila ni Scarlet," mahinahong saad ni Mommy. Agad naman akong napabitaw sa kaniyang yakap.

"Really?" masaya kong tanong tumango naman si Mom.
I really need to say sorry to Scarlet. Dapat pinakinggan ko ang side niya.

"Yes!" nakangiting saad ni mom. Napangiti naman ako.
"Finally! I am so happy for them. I wish na mapatawad pa ako ni Tyler at ni Scarlet," mahinahon kong saad at ngumiti kay mom.
Ngumiti naman ito saakin at tumango.

"Mabait na bata si Scarlet and i know na mapapatawad ka niya. Alam naman niya na nagawa mo lang 'yun dahil sa sobrang mahal mo ang kapatid mo. Tyler will forgive us too! I know that he literally love us," nakangiting saad ni Mom. Ngumiti ako kay Mom at tumango.

"Sana nga mom!" i faked a smile.

"Namimiss ko na ang aking mga apo! Kamusta na kaya sila," napawi ang ngiti ko dahil sa narinig ko kay Mom.

Isa pa sila sa mga may kasalanan ako. Ipinagkait ko sakanila si Tyler. Napaka sellfish kong Tita!

"Mommy, let's visit them. And i need to talk to Scarlet din naman mom," nakangiti kong saad. Nabuhayan naman si mom at agad na tumango.

"But what if they are still not there?" mahinahong tanong ni mom.

"Its ok mom. Pero baka naman nandoon na sila sa Bahay nila. And its 8 'o clock in the evening na," nakangiti kong saad. Tumango naman si Mom.

Agad ko namang inayos ang aking mga gamit at inaya na si Mom para pumunta 'kila Scarlet.

Please forgive me, Scarlet.

_____________________

#BalimbingsiTrisha
Charot lang!

VengeanceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora