Chapter 7

5.3K 106 0
                                    

TYLER

Akala ko panaginip lang ang lahat ng iyon pero nagkakamali pala ako, lahat 'yun ay totoo. Wala na ang Asawa ko, pati narin ang anak namin sa kaniyang sinapupunan.

Nakamasid lang ako sa unti unting pag libing sa asawa at anak ko. Lahat ng matagal ko ng pinigilan na luha ay lahat lumabas ng dahil sa sakit na aking nararamdaman ngayon.

Totoo nga talaga, nasa huli ang pag sisisi. I was wrong for hurting my Wife. Hindi niya deserve ang lahat ng ginawa ko sakanya.

"Maraming salamat sa pagsama sa libing ng aking anak. I don't know what to say, but i'm so sad right now because my one and only daughter is now gone. Hindi ko alam ang gagawin ko sa lahat ng nangyari. All of a sudden I l-lost my Child and my grandchild. Napakasakit sakin na makita ang anak ko na nakahiga na at walang kabuhay buhay. Hindi ko kayang mawala siya pero wala na akong magagawa kundi ang tanggapin ang lahat ng nangyari because everything comes for a reason. Kung nasaan man ang anak ko at ang kaniyang anak, sana ayos lang sila. I miss you Scarlet, i wish that i didn't lost you because it hurts me so much. Ikaw yung napaka sweet kung anak na laging nasa tabi ko kapag ako ay malungkot! N-Ngayon wala ng g-gagawa at magpaparamdam nun saakin dahil wala kana. Anak gabayan mo sana kami na matanggap namin ang pagkawala mo saamin dahil sobra kaming nasasaktan lalo na ang kuya Blue mo. Sorry anak, kung wala siya ngayon hindi niya parin matanggap na wala kana saamin." Umiiyak na sabi ni Tita Lisa. Napaiyak narin ako sa narinig kong iyon.

Nagpatuloy lang ako sa paghintay na mawala lahat ng tao sa sementeryo at ng mawala na sila ay agad kong pinuntahan ang kinahimlayan ni Scarlet.

Nanghina ako dahil sa nakita ko.
Wala na talaga siya wala na siya!
Napaiyak ako ng malakas at sumigaw ng malakas.

"AHHHHHH!"umiiyak kong sigaw. I lost them! I lost them!

Unti unti kong hinagkan ang lapida ni Scarlet at unti unti ring tumutulo ang aking mga luha.

"Bakit mo'ko iniwan Scarlet. Bakit mo ako iniwan! Bakit ngayon na wala kana saakin narealize ko na ikaw tong mahal ko. Bakit ngayon ko lang 'to naramdaman. Sorry sa lahat ng nangyari Scarlet. Sorry at hindi ako naging isang mabuting asawa at mabuting ama sa magiging anak sana natin! Alam kong hindi mo ako mapapatawad dahil sa ginawa ko sayo nung nabubuhay kapa Scarlet. Masyado kitang sinaktan Scar. Pero bumalik kana Scarlet, hindi ko kayang wala ka. Mahal na mahal parin kita. Ba't ngayon ko lang 'to narealize kung kailan wala kana sakin. Please comeback to me. We will fix our relationship Ven. Pero hindi na, wala ng saysay ang lahat ng 'to Ven! Tell me how i will survive this tragedy. Paano ko malalampasan 'to. Nang dahil sa kagaguhan ko nawala ka saakin, Nawala ang babaeng nagpatibok ng puso ko. Yung babaeng nagpabago saakin, yung babaeng hinding hindi sumusuko na mahalin ako kahit na pinagtutulakan ko na at sinasaktan, para lang malayo ang loob saakin! Kung nasaan kaman ngayon please take care of yourself! Minahal kita at mamahalin at mamahalin parin kita kahit wala kana sa piling ko."nanghihina kong sabi habang hinahagkan ang kaniyang puntod.

"Mag iingat ka lagi diyan kung nasaan kaman Ven. I love you so much. Kailangan ko ng umalis. Kailangan ko ng panindigan ang kasalan ko. Lagi kitang bibisitahin dito Ven!"mahina kong sabi at unti unting tumayo kahit na labis pa akong nanghihina dahil sa nangyari.

MR. JUNG'S POV

kahit sobrang mapanganib ang pag lipad sakanya sa ibang bansa, nagawa parin namin iyon para narin sa ikabubuti niya.

Nandito na kami sa England ni Scarlet. Ako lang ang nakaka alam na buhay pa ang anak ko.
Her mom doesn't know that Scarlet is alive. Gusto kong isecreto muna 'to hanggang ngayon dahil hihintayin ko pa na mag kamalay ang aking anak.

"Princess, I will make sure na hindi kana ulit nila sasaktan. They will never hurt you again here. Kailangan kitang itago sa lahat ng tao na nakakakilala sayo. Aalagaan ko kayo ng mga apo ko Princess, kapit lang lalo na at buntis ka! Huwag kang bibitaw at gumising kana dahil kailangan ka ng mga anak mo ngayon. Tutulungan kita na makapag higanti sa taong nanakit sayo ng sobra!"sabay hagkan ko sa kaniyang buhok.

marami paring mga tubo ang naka kabit sakanyang katawan para mapanatili ang aking mga apo at para narin magising na siya.

Kaonti nalang at gagaling kana princess. They will pay for what they did to you.

Lalong lalo na ang Tyler na yan at ang Violet na yan na itinuring kong tunay na anak pero mismong tunay na anak ko ay sinaktan at inagaw ang mga bagay na para talaga sakanya.

VengeanceWhere stories live. Discover now