Chapter 2

5.4K 98 4
                                    


TYLER

Nakatingin lang ako sa babaeng mahal na mahal ko at napangiti.

Dito ako natulog sa condo ni Violet dahil nga sa alitan namin ni Scarlet. Syempre gusto ko rin namang makita ang mahal ko.
Masayang masaya ako dahil may isang babaeng nagpapatunay saakin na sapat na ako para sakanya. Siya yung laging nandito saakin noong niloko ako ni Scarlet.

"Hon? Hindi ka pa ba uuwi sa inyo, baka pumunta ng biglaan doon si tito and tita."nakanguso nitong sabi saakin. Umiling iling naman ako sakanya at hinalikan ang kaniyang noo.

"Ayaw kong nakikita ka'ng mag isa lang rito sa condo mo." seryoso kong sabi kay Violet.
Napangiti naman ito at niyakap ako.

"I'm fine alone here Hon."malambing nitong sabi kaya hinalikan ko siya.
Mahigpit ko itong niyakap at tiningnan ng seryoso.

"Are you sure?" May pag aalalang sabi ko.

Tumango ito at niyakap lang ako.

"Umuwi kana at baka napaparanoid nanaman ang kapatid kong iyon." mahina nitong sabi. Umiling iling ako at niyakap ulit siya ng mahigpit.

"I don't care about her. I want to spend my whole day with you, not with that girl. " serysoso kong sabi. Ngumiti ito saakin at hinalikan ulit ako.

"I can't wait to be your wife, Hon!" Masaya nitong sabi

Tumango naman ako sakanya at kumalas na sa yakap niya para mag ayos na. Kailangan kong pumasok sa kompanya dahil
Bibisita ang mga magulang ni Scarlet para narin kamustahin ang kompanya.

"Mamayang gabi uuwi ako rito, ok! I can't help thinking that your all alone here in the condo." seryoso kong sabi. Tumango ito at ngumiti.

"Ok! So see you again later Hon! I love you." nakangiti nitong sabi saakin.

Niyakap ko muli siya at hinalikan ang kaniyang mga labi.

"I love you too hon! Lock the door ok!" seryoso kong sabi. Tumango naman ito at kumaway kaway na saakin. Agad akong lumabas sa kaniyang condo.

May nakita pa akong pamilyar na tao pero hindi ko na lang ito pinansin at sumakay na sa elavator.

May nakasabay akong isang lalake na naka itim na hood. He looks suspiscious for me. Tahimik lang kami sa elavator but i can feel the bad ambiance here.

"Mag iingat ka sa babaeng minamahal mo ngayon, dahil hindi mo alam ang kaniyang tunay na ugali." napatingin ako sa lalakeng katabi ko.

Nakita ko lang ang kaniyang mga mata dahil naka mask siya.
Seryoso lang itong nakatingin saakin. Hindi ko nalang siya pinansin at hinintay nalang na makalabas sa elavator na ito.

"Maraming ginawang mali ang minamahal mo ngayon. Kaya mag iingat ka sakanya. Dapat hindi ka basta bastang nagtitiwala sa mga taong nakapaligid sayo. Dahil mapaglaro ang kapalaran. Malay mo yung dati mong minahal siya pala talaga yung totoo, at yung minamahal mo ngayon siya naman ang peke!" seryoso nitong sabi, kaya hindi na ako nakapag pigil at siya'y sinagot na.

"I trust my girlfriend right now, So how could you say that! And i dont f*cking care about what you said right now!" Naiirita kong sabi.

Napahalakhak naman ang lalakeng nasa katabi ko.

"You only trust her, but you really don't know the real her! Ang masasabi ko lang sayo Tyler, hanggang maaga pa tigilan mo na ang pagmamahal mo sa taong hindi mo naman lubos na kilala. Malay mo may ibang pakay lang siya talaga sayo." sabi nito bago bumukas ang elavator at naunang maglakad saakin.

Sumulyap ulit ito saakin.

"Remember my words, Tyler!" At naglakad na ito papalayo. Lumabas narin ako ng elavator para hagilapin kong nasaan yung lalakeng nagsabi nun saakin.

You only trust her but you really dont know the real her.

Who is that man? Ano ba ang pakay niya saaming dalawa ni Violet.

VengeanceWhere stories live. Discover now