Chapter 26

4.9K 89 0
                                    

SCARLET

"Samuel Seung Jae Noh, Where are you? Akala ko 'ba kanina pa nag landing 'yang eroplanong sinakyan mo pauwi dito. Kanina pa ako naghihintay sayo, Seung. I hate waiting! I'll definitely tell them your real identity!"galit kong saad sakanya sa kabilang linya.

Aba't kanina pa ako nandito at ang isang iyon ay napakatagal lumabas sa kaniyang sinakyan na eroplano.

"Yes Scar, Wait a little bit! Aba't may gwapo ditong lalake kailangan kong magpapansin ng kahit kaonti. Ano ka ba naman Scar ang k.j nito sa love life ko!"malanding saad ni Seung.

"1..."naumpisa na akong mag bilang habang kausap siya sa cellphone.

"Oo na lalabas na nga 'eh! Sayang ni kuya'ng pogi 'eh! Kahit kailan ka talaga Scarlet! You're always blackmailing me! You're so bad."pagdadrama naman nito saakin. Umiling iling nalang ako at nagbilang ulit.

"2...."pagpatuloy ko sa pagbibilang. Biglang na end call ang tawag kaya alam ko na kaagad ang mangyayari dahil kakaripas na yun ng takbo dito dahil i meant what i said. Sikat pa naman ang isang iyon dito pati sa ibang bansa.

Samuel Seung Jae Noh. Is my bestfriend too, back when i was in England. Also, he's half Korean and Half Filipino.

Nakita ko na siya na parang lalake kung makagalaw pero dakilang pusong babae naman ang isang iyan. Gwapo sana 'eh kaso sinayang lang. Naging pusong babae!

Agad niya akong niyakap.

"Uwi na tayo sa inyo Scar. Napaka uncomfortable dito kanina pa ako niyan sinusundan ng tatlong 'yan. Kulang nalang ay gahasain ako. I hate seeing girls staring at me like that! Its so nakakadiri." nandidiri niyang sabi. Natawa nalang ako at umiling iling.

"Hi girls!"pagtawag ko naman sakanila. Agad naman silang lumapit sa kintatayuan namin.

"Waaah! Ikaw po diba yung isa sa mga pinaka mayaman sa England. Seung Jae!"natutuwang sabi nung babae.

Nabahala ako dahil nakatawag ito ng maraming tao kasama na roon ang media.

Patay! Me and this gay will be the front page of some magazines!Hindi naman kasi nila alam na may something sa lalakeng ito.

Agad kaming pinalibutan ng mga reporters at mga taong nakiki ususyo. Agad naman silang pinigilan ng mga bodyguard ng airport.

"Bakit po magkasama kayong dalawa?"

"May something po ba'ng namamagitan sainyong dalawa ng sikat na model na si Seung Jae?"

"Diba matagal na kayong magkaibigan kaya iminove niyo na to the next level ang relationship niyo?!"
Sunod sunod na tanong ng mga reporters.

"Nandito siya para sunduin lamang ako at wala ng iba. Also,  i'm not denying the fact that i really like her.'Yun lang po ang kaya kong sabihin sainyo dahil kailangan po muna namin ng privacy. Maraming salamat,"sabi naman ni Seung.

Napangiti ako dahil sa inasal niya. Kung hindi ko lang alam na bakla ang isang 'to ay nafall nako.

Nang makapasok na kami sa kotse ko ay agad kona itong pinaandar para hindi na kami maabutan ng mga reporters.

"Kahit kailan talaga  nakakaloka ang mga reporters! Aba't mas mabuti ng paniwalaan nilang gusto kita kahit kadiri! Basta huwag lang nilang malaman na bakla ako. Pinagpawisan ako sa mga tanong ng mga 'yun!" dismayadong sabi ni Seung.

"Good job ang ginawa mo, Seung! Lalo na at kailangan ko sa plano ang pag amin mo na gusto mo ako para malaman ng isang iyon na wala naman na talaga akong nararamdaman sakaniya!" seryoso kong sabi.

"Psh! Ang tanong hindi mo na nga 'ba mahal? Kasi halata naman sayo na pinipilit mo lang na itago ang nararamdaman mo kahit halata rin naman na may gusto ka parin sa asawa mo." pang aasar naman nito.
Tinaasan ko siya ng kilay at ngumiti.

"Edi ikaw na talaga, Seung Jae! Ikaw na yung kayang makaramdam ng nararamdaman ng isang tao."nakangiti kong sabi ngumiti ito.

"I'm an expert!"mayabang na sabi ni Seung.

"Btw, Kailan mo balak bumalik sa England? Kasi pababalikin na sana kita ngayon para walang maingay sa bahay!"pang aasar ko sakanya.

"Ganiyan kana Scar! Pauuwiin mo kaagad ako sa England! Ay ewan nagsasawa na'ko sa mga mukha ng lalake doon. Dito naman kasi mga moreno hot sexy man ang makikita ko!"malanding sabi ni Seung.

"Gwapo mo sana, kaso bakla ka!"nakangiti kong saad.
Sumimangot ito at tiningnan ako ng masama.

"I'm a beautiful sexy girly man! Also, i'm into someone who is hot and does have abs!"nakangiting sabi niya.

"Tsss, Soon magmamahal ka 'rin ng babae Seung!" nagpatuloy nalang ako sa pagmaneho.
At agad naman kaming nakarating sa mansiyon.
Pumasok na ako at naabutan ko si mommy at kuya blue na nakikipag laro sa tatlo.

"Hi mommy! Hi kuya Blue, napadaan kayo?"nakangiti kong sabi at hinalikan silang dalawa sa pisngi.

"Wala naman kasing trabaho si Blue kaya inaya ko siyang pumunta kami rito para makabonding namin ang mga apo ko,"nakangiting sabi ni mommy. Ngumiti nalang ako kay mommy.

Tumingin siya sa part kung nasaan si Seung Jae.

"Oh btw, mom this is Samuel Seung Jae! He's my bestfriend back there in England!"nakangiti kong pagpapakilala kay Seung.

Lumapit naman si Seung kay mom at nagmano at ngumiti.

"Nice meeting you po Tita!"nakangiting sabi ni Seung.
Tumango nlang si mom at ngumiti.

"Ninong Seung!"sigaw ni Verliza ng mapansin niyang nandito ang kaniyang Ninong Seung.

"Oh! Our little princess, Did you miss me Ver?"nakangiting tanong ni Seung.

Tumango si Verliza at niyakap ang kaniyang ninong.

"Ninong, let's play po!"sabi naman ni Brian.

Umiling iling ako kay Brian.

"Brian, your ninong Seung is tired. Kararating niya lang kaya pagpapahingahin muna natin siya, ok! Malayo layo 'rin kasi ang kaniyang naging byahe Brian,"nakangiti kong sabi. Ngumiti lang din si Brian at tumango.

"Ok! Mommy. Ninong Seung pahinga ka muna po and tomorrow, let's play po."nakangiting saad ni Brian.

"Ok, Brian. Scar magpapahinga na muna ako. Saan 'ba ang kwarto ko?"tanong ni Seung Jae saakin.

"Ate Liz, Paki hatid naman po si Seung sa kaniyang kwarto,"sabi ko naman kay ate Liz.
Tumango si ate Liz at kinuha ang bagahe ni Sam.

"Ok po, ma'am. Sir dito po,"umalis na sila ni Ate liz.

Kaya tumingin ulit ako kay mom.

"Is there something going on with you two?"nagtataka niyang tanong. Umiling iling naman ako dahil wala naman talaga.

"He's just my friend and mom we are not compatible with each other because he likes boys not girls,"ngumiti ako kay mommy at parang nabigla ito sa sinabi ko.

"Is he a gay? Sa ganong kagwapong lalaki! So gay pala siya. I thought he is a pure boy because the way he talks and the way he walks. Such a handsome man," hindi makapaniwalang sabi ni mom.
Ngumiti nalang ako at tumango.

Kung lalaki lang sana si Seung ay matagal na akong nahulog sakaniya dahil sobrang sweet ng isang 'yun. Hindi mo paniniwalaang lalaki ang kaniyang nais.

VengeanceWhere stories live. Discover now