Chapter 64

3.5K 45 3
                                    

Please be aware of some grammatical errors. Thank you and happy reading everyone! <3

________________________________

SCARLET

Nasa South Korea kami ngayon para sa honey moon daw pero hindi nila alam na may nabuo na talaga sa aking sinapupunan.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa'rin sinasabi kay Tyler ang tungkol sa dinadala ko. Aba! Syempre surprise gift ko na 'yun sakaniya.

Kasalukuyan akong nagluluto ng adobo dito sa hotel at sana magustuhan ni Tyler. Dahil pinaghirapan ko itong lutuin kahit na hindi ako gaanong kagaling magluto.

"Hi wife!" Naramdaman ko ang pagyakap saakin ni Tyler at hinalikan ako sa aking mga labi.
Ngumiti ako sakaniya at pinakita ang niluto kong adobo para sakaniya.

"Wow! Mukhang masarap iyan hah!" Nakangiting saad ni Tyler.
Napangiti nalang ako dahil sa sinabi niya.

"Kumain kana Tyler!" Nakangiti kong pag aya sakaniya. Ngumiti naman 'din ito at tumango saakin.

Agad naman siyang naupo at kumuha ng kanin at ng adobong aking ginawa. Nakatitig lamang ako sakaniya ng unti unti niyang kinain ng adobo.
Pero natigilan ako ng bigla nitong iniluwa ang adobo.

"Ba't ang alat!" Agad niya namang saad.
Bigla naman akong nasaktan dahil sa sinabi niya.
Naramdaman ko na lang na unti- unting namumuo ang mga luha sa aking mga mata at tiningnan ko siya.

"Hindi ba masarap? Sorry," umiiyak kong saad sakaniya.
Agad naman itong natigilan dahil sa pag iyak ko.

Nilapitan naman ako nito pero pinigilan ko siya.
At agad agad pumasok sa aming kwarto at nagtalukbong ng kumot.

"Wife!" Mahinahong tawag naman saakin ni Tyler.
Hindi ako umimik at patuloy lang akong nagtalukbong ng kumot at umiiyak lamang.

"I'm so sorry. I didn't mean to say those words," mahinahong saad ni Tyler.

"Go away! You don't love me anymore," pagtaboy ko naman sakaniya. Naramdaman ko naman inalis niya ang kumot.

"I'm so sorry, Love!" Mahinahon niya pa'ring saad pero hindi ko siya pinansin at patuloy na umiyak.

"May ibibigay pa naman sana ako sayo pero hindi mo naman na appreciate yung niluto kong adobo. And it hurts me so much! I hate you Tyler!" Galit kong saad. Naramdaman ko ang pag yakap nito saakin.

"Hindi ko naman sinasadyang masabi 'yun Scar. Kaya nga ako nag so sorry. Please forgive me," mahinahon niyang saad.

Ngumiti nalang ako ng pilit at tumango sakaniya.

Agad akong tumayo sa pagkakahiga ko at agad na kinuha ang box sa table.
Agad ko itong ibinigay sakaniya.

"Sana naman 'yan maapreciate mo na," mahinahon kong saad.
Nagtataka naman itong tumingin sa box na binigay ko sakaniya.

"What is this?" Mahinahon niyang tanong. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Buksan mo nalang kaya, Mr. Sy" mataray kong saad. Agad naman itong tumango. Binuksan niya ito at bumungad sakaniya ang pregnancy test na may two lines.

"Pregnancy Test?" Nagtataka niyang tanong. Napakamot naman ako ng ulo ko dahil sa sobrang inis ko sa asawa kong 'to.
"Ayyy! Binigyan kita niyan kasi baka sakaling buntis ka, diba!" Nang aasar kong saad sakaniya.
Bigla naman itong natauhan kaya agad ako nitong niyakap ng mahigpit.

"YES! MAGIGING DADDY ULIT AKOOO!" masayang sigaw niya.
Napatawa nalang 'din ako sa naging reaction niya.

"Mag kaka number 4 na tayo!" Masaya niyang saad. Agad ko naman itong binatukan habang natatawa sa pinag gagagawa niya. Abnormal talaga 'ata ang napangasawa ko!

AFTER 9 MONTHS

Naalimpungatan ako at agad ko namang tiningnan ang aking paligid. Nasaan ako?
I can only see is a white background and nakikita ko na parang natataranta silang lahat.
Hinaplos ko ang aking tiyan at agad akong napatingin kay Tyler na ngayon ay balisa.

"Where is my daughter? Is she safe?" Agad ko namang tanong kay Tyler hindi ito sumagot at yumuko lamang saakin.

"Tell me Tyler! Where is my child!" Galit kong saad ng hindi sumagot si Tyler.
I have a bad feeling about this.

Hinagkan ni Tyler ang aking mga kamay at hinalikan iyon.

"May kumuha sa ating anak Scarlet! Bigla na lamang siyang nawala noong ipinanganak mo siya," naiiyak na saad ni Tyler.
Parang nagimbal ang aking mundo ng marinig ko ang sinabi ni Tyler.
Nanghihina kong pilit na tumayo at agad naman akong pinigilan ni Tyler.

"No! Please rest, Scarlet!" Sabi naman ni Tyler pero pilit pa'rin akong tumatayo.

"Bakit! Bakit ang anak ko pa Tyler! Ibalik mo saakin ang anak ko!" Nagwawalang sabi ko.
Agad naman akong niyakap ni Tyler at wala akong ibang nagawa kun'di ang umiyak ng umiyak habang yakap-yakap niya ako.

"Pano mawawala ang anak natin kung mahigpit ang seguridad ng hospital na 'to!" Galit kong saad habang umiiyak.

"Nag panggap itong nurse ng hospital kaya hindi agad naaksiyonan ang pangyayari," nanghihinang sabi ni Tyler.
Kaya agad naman akong napaiyak sa narinig ko.

Patuloy kong pinagsusuntok ang kaniyang dibdib. Why did they f*cking take my own child! Wala naman akong ginawang masama para idamay nila ang anak ko.
My dear Trixie where are you?

"Hahanapin ko ang anak natin Scarlet! I promise you that. Ibabalik ko saatin ang ating anak," galit sa sabi ni Tyler?
At patuloy niya akong niyakap ng mahigpit.

"Mommy mahahanap natin ang aming kapatid!" Sabi naman ni Brian at nilapitan ako nito. Isa- isa nila akong hinalikan sa aking noo.

Magbabayad kayo sa pagkuha sa aking anak. Bakit niyo dinamay ang aking anak! Wala pa siyang kamuwang-muwang sa buhay pero dinamay niyo siya! Wala kayong konsensiya.

"Magbabayad ang kumuha sa aking kapatid, Mommy!" Galit na saad ni Grey at hinagkan nito ang aking kamay.

Kung nasaan ka'man ngayon aking bunso. Gabayan niyo po sana ang aking anak. Sana po walang masamang mangyari sakaniya. Sana po maibalik kaagad siya saamim dahil hindi ko kayang mabuhay ng hindi ko nakikita ang aking anak.

"Ibabalik ko siya Scarlet. Pagbabayarin natin ang kumuha sa ating anak. Gagawin ko ang lahat para mahanap siya. Ikamatay ko man ang paghahanap sakaniya basta maibalik lang natin siya sa piling natin. They will f*cking pay for what they did to our child. Kung sino man ang gumawa nito ay magbabayad!" Galit na saad ni Tyler.
Patuloy lamang akong umiyak.

I love you, my Trixie. Ibabalik ka ni mommy!

_____________________________

Love y'all!<3

VengeanceWhere stories live. Discover now