Chapter 49

2.5K 44 0
                                    

SCARLET

Nailipad na si Tyler sa ibang bansa at ako ay naiwan muna  Susunod 'rin ako dahil may inayos lang ako sa aking kompanya. Dahil mahaba-haba ang aking leave dahil sasamahan ko si Tyler sa pagpapagamot niya.

"Mommy, be safe there and please tell me if you and daddy are safe,"nakangiting saad ni Verliza. Ngumiti naman ako sakaniya at tumango.

Hinihintay ko nalang ang pag tawag ng aking destination.

"Mommy uuwi 'ba kayo ni Daddy next month or matatagalan pa?"tanong naman ni Brian.

"Maybe next month pero hindi pa ako sure Brian 'baka kasi pabago bago ang schedule namin doon, so 'baka medyo matagalan pero i'll always call your Lola, so i can talk to you all,"nakangiti kong saad. Tumango nalang si Brian at tumingin naman ako kay Grey na tahimik lang na nakamasid.

"Please tell daddy that i love him."seryoso nitong saad na labis na ikinatigil ko.

Finally!

"I will tell that to your daddy, Grey. He will be so happy,"nakangiti kong saad.

"Halika nga kayong tatlo!"nakangiti kong saad at niyakap silang tatlo.

"Don't be so naughty to your lola and lolo, ok! I'll miss you all,"nakangiti kong saad habang yakap yakap ko silang tatlo.
Bumitaw na'ko sa yakap at tumingin kay mommy.

"Mom, If anything happens please tell me. Pakibantayan nalang ng tatlong 'to! I love you mom,"nakangiti kong saad at niyakap 'rin si mom.

"I will take care of them. Please tell Tyler na magpagaling siya ng mabuti hah."saad naman ni mom. tumango nalang ako sakaniya.

"ALL PASSENGERS TO UNITED STATES, PLEASE PROCEED TO  THE GATE 3. THANK YOU!"
Napatigil naman ako sa narinig ko and that is my destination. So agad na akong humiwalay sa yakap ni mom.

Tumitig naman ako sa tatlo kOng anak at isa-isa silang hinalikan sa kanilang mga noo.

"I love you all. Mommy and daddy will be back soon. I promise y'all."nakangiti kong saad. Ngumiti lang 'din sila.

"Mommy, i love you too! Take care!"nakangiting saad ni Verliza. Tumango naman ako at unti-unti nang naglakad papunta sa gate 3 pero lumingon ulit ako sakanila at binigyan sila ng tatlong flying kiss na agad naman nilang sinalo. Kumaway sila saakin ng nakangiti at kumaway na'rin ako. Kahit mahirap na iwan ang aking mga anak. Gagawin ko dahil kailangan ako ng daddy nila. Babalik naman din kami at babalik kaming maayos na si Tyler at wala ng iniindang sakit.

Naglakad na ako papasok sa gate 3. Ang hirap pala talagang iwan ang aking mga anak.

Naluluha akong tumingin pabalik pero hindi ko na sila matanaw dahil malayo na ako sa pwesto nila.

I smiled a little bit at nagpatuloy ng maglakad.

TYLER

"Asan na ate si Scarlet?"nag aalala kong tanong ng magising akong wala pa'rin si Scarlet.
Napasinghap naman si ate at ngumiti.

"Papunta palang si Scarlet dito sa US. At bukas pa siya makakarating Tyler, so magsisimula ka ng mag pa gamot ngayon palang, ok! Darating 'din si Scar, don't worry,"nakangiting saad ni Ate Trisha. Napangiti nalang ako at tumango.

Sana matapos na 'tong pinagdadaanan ko. Gusto ko ng makasama ang aking mag ina.

"Sir, you need to take some rest first cause you'll be undergoing some medical treatment later,"nakangiting saad naman ng nurse. I just nodded at her.

"Ok, i will!" I said.

"If you need anything just press the button there,"saad naman ng nurse. I nodded again and after that ay umalis na ang nurse.

"You look bothered, Tyler. Are you worried about your treatment here?"nag aalalang tanong naman ni ate Trisha.
Tipid akong ngumiti sakaniya at umiling iling.

"I'm not really worried about my treatment. Nag aalala lang ako dahil anytime pwede akong mawala dito sa mundo. And i don't want that to happen because i have kids who are waiting for me to comeback,"malungkot kong saad.
Naramdaman kong lumapit saakin si ate Trisha at niyakap ako.

"Hindi ka kukunin saamin, Tyler. I promise you that. Marami ka pa'ng gagawin at sabi mo 'nga naghihintay ang mga anak mo! Just keep fighting and pray because god will always be by your side."mahinahong saad ni ate Trisha.

Naramdaman ko ang  pamumuo ng aking mga luha.

Masakit kasi hindi ko alam kung makakayanan ko 'bang harapin ang sakit na'to. May malaking posibilidad na mas lalong lumala at mas lalong malaki ang posibilidad na mawala na'ko dito. Pero kahit na ganon magpapatuloy akong lumaban para sa mag ina ko. Sila ang magiging sandalan ko sa pag harap sa malaking hamon na ito sa aking buhay.

ION

Napasinghap nalang ako dahil hindi ko na talaga mapipigilan ang pag sunod ni Scarlet kay Tyler

"She left to be with him,"mahinahon kong saad kay Miel na ngayon ay patuloy parin ang pag inom ng alak.
Narinig ko ang mahinang pag halakhak nito.

"Damn! Ginawa ko naman ang lahat pero bakit pinili niya parin 'yung nang g*go sa kaniya noon!"galit na saad ni Miel.
Agad ko naman itong pinigilan na tumayo dahil masyado na itong lasing.

"Stop it Miel! Wala tayong magagawa mas pinili ni Scarlet si Tyler. Kahit ayoko sakaniya, nirerespeto ko ang desisyon ng bestfriend ko,"mahinahon kong saad.

"Mahal na mahal ko si Scarlet! Hindi ko kayang bitawan nalang siya ng ganon-ganon nalang! Ako 'yung nandoon para kay Scarlet ng panahong nasaktan siya. Ako 'yung laging nagpapatawa sakaniya sa panahong umiiyak siya. Pero bakit mas pinili niya pa'rin na piliin yung taong sinaktan siya! Hindi ko ba deserve ang mahalin ng mahal ko!"galit na saad ni Miel.

Naaawa ako sa sitwasyon ni Miel pero 'mas pipiliin ko pa'rin na pabayaan nalang si Scarlet sa kaniyang desisyon. Alam ko naman na noong una palang ay may nararamdaman na siya kay Tyler. Kailangan siya ngayon ni Tyler kaya kahit na ayoko sakaniya para sa aking bestfriend, wala akong magagawa dahil kailangan ni Tyler si Scarlet sa kaniyang pag papagaling.

Sana naman ay hindi na muling saktan ni Tyler si Scarlet dahil hinding hindi ko na siya mapapatawad kapag nangyari pa'ng muli iyon.

_____________________

Godbless and thank you!<3



VengeanceWhere stories live. Discover now