Chapter 1

8.4K 133 5
                                    


Lagi kona lang na iniisip na.
Mamahalin niya rin ako maybe
not now but soon. Minahal niya na rin ako dati pero ng dahil sa lahat ng paninirang ginawa nila saakin, lahat yun ay nawala.
Nasira lahat ng aming matagal na relasyon.
Napabalik ako sa aking huwisyo ng maramdaman ko ang sakit ng aking kamay, dahil sa hindi ko sinasadiyang madaplisan ang aking kamay ng kutsilyong hinuhugasan ko.

Si Tyler ang asawa ko at ang taong mahal na mahal ko na minsan narin akong minahal, pero lahat ng iyon ay nawala ng parang bula.

My name is Scarlet Venice Jung Sy. Ang asawa ni Tyler Brent Sy.

"Scarlet! Bilisan mo na nga diyan." galit na sigaw ni Tyler.

Binilisan ko naman ang aking paghuhugas at pumunta sa kaniyang opisina sa taas ng aming bahay.

Kumatok muna ako bago pumasok, dahil ayaw na ayaw ni Tyler na basta basta na lamang pumapasok sa opisina niya.

Nang hindi siya nagsalita ay pumasok na ako.
May binabasa siyang mga papeles at mukhang seryoso ito dahil sa nakakunot ang kaniyang noo.

"Can you make me some coffee!" seryoso niyang sabi.

Tumango nalang ako at agad na pumunta sa kusina para ipagtimpla siya ng kape.

Tinikman ko ito ng konti at masasabi kong nakukuha kona rin ang tamang timpla ng kaniyang kape.

Dahan dahan ko itong dinala papunta sa kaniyang opisina at
Inilapag sa kaniyang lamesa.

Napatingin ito saakin at tinikman ang kapeng itinimpla ko. Napakunot ang kaniyang noo at ito'y iniluwa

"ANO BA NAMANG KLASENG KAPE TO! NAPAKA WALANG KWENTA MO TALAGANG ASAWA KAHIT KAILAN!" galit niyang sigaw at tinabig ang kapeng ginawa ko kaya nahulog ito at nabasag sa sahig.

Tumayo ito at seryoso akong nilapitan.

"Alam mo bang naiirita ako kapag nakikita ko ang pagmumukha mong yan!
Na-aalala ko sa pag mumukha mong yan kung bakit hindi ko mapakasalan ang babaeng mahal ko ngayon! Dahil sa ka sellfishan mo!" Galit niyang tugon saakin at marahas akong itinulak sa sahig. Agad naman akong napadaing dahil sa sakit at nagsimula ng bumuhos ang aking mga luha.

"Iiyak ka nanaman, akala mo ba may epekto yan saakin Scarlet! Para sabihin ko sayo wala na yang epekto saakin. Because i know your true identity, your a f*cking sl*t!" galit na sigaw niya kaya napalakas ang hikbi ko at napayuko.

Hindi ko kayang labanan siya.
Kahit lahat ng inaakusa niya saakin ay hindi naman totoo. Siya lang yung taong minahal ko!
Wala ng iba.

" Linisin mo lahat ng kalat na 'to! I want them all clean, understand!"galit niyang sigaw at umalis na sa kaniyang opisina.
Mag-isa nalang akong umiiyak sa loob ng kaniyang opisina.

This is my fault. Pinilit ko ang aking mga magulang para mapakasalan si Tyler. Sa una ayaw niyang maipakasal saakin dahil nga ay may mahal siyang iba. Pero ang masakit eh yung ate ko yung taong mahal na mahal niya. Sa oras na nakikita ko silang dalawa na magkasama parang pinipiga ang aking puso.
Iniisip kona lang na, Magiging sayo rin siya Scarlet. Pero mukhang malabo na iyon.

Parang mag bestfriend na kami magturingan noon ni Ate pero simula ng nainlove siya kay Tyler na boyfriend ko noong nakilala niya ay biglang nag iba ang pakikitungo saakin ni Ate Violet.

Inagaw niya na lahat saakin. Lagi siyang naiingit sa kung ano man ang meron saakin pero ang ikinagalit ko ay ang pag sira niya saakin para lang makuha si Tyler.

Pero ngayon patuloy parin akong nagiging martyr.
Kahit na alam ko naman na wala ng pag asa ang relasyon namin.

Maybe we're married, but only in papers. Yun lang naman ang pinanghahawakan ko sa relasyon namin.

Masakit pero yun ang katotohanan. That he will never love me for the second time in my life.

Tanga kasi ako minahal ako pero nagpasira lang ako ng ganon ganon. Hindi ko manlang ipinaglaban ang aking sarili.

Scarlet, kaya mo 'to.
Hanggang mag asawa kayo kaya mo paring mapamahal siya sayo.

----

VengeanceWhere stories live. Discover now