"Oh my gosh, 'wag mo rin sabihin sa aking may nangyayari na sa inyo?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Hays, wala. Wala. Ano ka ba? Pero please 'wag mong sasabihin kina Kuya Max ang tungkol dito. Pagagalitan ako non Beshi."

"Gaga, e 'di, sana sa umpisa pa lang alam mo na 'yan."

"E-Eh kasi hindi ako nakatanggi e. Beshi, sige na, sorry kung hindi ko sa 'yo sinabi. Nagsinungaling ako pero mabait naman kasi si Azen. Walang kami at walang namang nangyayari sa aming dalawa ron."

"Ah, so anong tawag sa inyong dalawa? M.U? May Malanding Ugnayan ganon? Aba, Macey Ji, kailan ka pa natutong makipagflirt ng hindi ko nalalaman, ha?" Nagcross arms pa siya habang senesermunan ako.

"Beshi naman, sorry na nga 'di ba?" Hindi niya ako sinagot. Umiirap-irap lang ang mga mata niya.

"Hey, what's going on here?" Nang bigla kaming magulat dahil nasa likuran na pala namin si Azen ganon din ang Tres killers. Napalunok ako habang si Malou naman naibaba niya ang mga kamay niya. Nagtagpo ang titigan nilang dalawa ni Azen pero napayuko siya at napapaisip.




***

Malou's Point of View

Sa kalagitnaan ng klase, wala ako sa concentration. Napasapo ako sa ulunan ko ng hindi ko namamalayan. Hindi kasi maaari 'to. Bakit sa dinami-dami pa kasi ng babae bakit si Macey pa talaga ang natipuhan ni Azen? Bakit ang best friend ko pa?

Binabahay na niya si Macey at paano kung magbunga 'yong ginawa nila sa bar? Kung mangyayari 'yon wala na talagang takas si Macey sa kanya. Malamang kapag si Azen ang makakatuluyan niya, sigurado akong laging mapapahamak ang buhay niya at ayon ang ayaw kong mangyari sa kanya.

"Beshi, cr lang ako ha?" Nang bigla siyang magpaalam sa akin kaya tumango lang ako. Nang makalayo siya nagtagpo muli ang titigan naming dalawa ni Azen. Halos magkatabi lang naman kasi kami dahil nga nasa gitna lang namin si Macey.

At ang titigan naming 'yon nauwi sa palihim na usapan sa likuran ng classroom namin. "Bakit hindi mo sa akin sinabi na nananatili pala sa bahay mo si Macey? Tell me the truth, may nangyayari na ba ulit sa inyo? Bakit kasi sa dinami-dami pa ng babae bakit ang kaibigan ko pa, ha Azen?" Nakakunot-noo at seryoso kong sabi.

Nagcross arms siya habang nakasandal sa pader. "I told you I love Macey, na kahit ikaw pa ang maging pader sa pagitan naming dalawa gigibain ko 'yon." Simple at mahinahon niyang sagot.

"Azen, hindi porke may nangyari ng unang beses sa inyo ni Macey mahal mo na kaagad siya. Nakikiusap ako sa 'yo layuan mo nalang siya."

"Pero paano kung sabihin ko sa 'yong ayoko?"

Napatingin ako ng matalim sa kanya nang mabilis niyang isagot 'yon. Muli ulit nagtagpo ang seryoso naming titigan. Nang maisipan kong lumuhod sa harapan niya nang hindi ko inaalis ang mga pagtitig ko sa kanya. "Nakikiusap ulit ako sa 'yo. 'Wag nalang si Macey. Layuan mo na siya."

Ngunit napangisi lang siya sa sinabi ko. Isinuksok niya ang dalawang kamay sa pantalon niya. "Malou Rico, I have a one question to you." Aniya.

"Itanong mo na." Mabilis kong sagot.

"Bakit hindi mo ako gusto para sa kaibigan mo?"

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Where stories live. Discover now