"Naku biatch, aasa ako sa ganyan mo kaya tigilan mo 'yan. Ako na ang nasa number one list ng mga taong mahilig umasa." Tumawa pa ako pero deep inside, may kirot. Hangga't maari, ayoko na talagang umasa. Hanggang doon nalang kasi iyon. Asa lang ng asa, wala namang napapala.

"Pero okay si Daryl. He's a great guy. Kita ko naman ang sincerity niya sa 'yo so boto ako sa kaniya."

"Dapat lang! Sa kaniya tayo, okay?"

"Kasi siya ang comfort zone mo. Mas pinipili mo iyong sa hindi ka masasaktan."

Tinaasan ko ng kilay si biatch. "Binabanatan mo na naman ako ng mga ganyan mo, biatch."

"Totoo naman e. Kay Kenshin kasi, kahit mahal mo siya, hindi ka naman niya mahal at nasasaktan ka lang. Kaya doon ka sa mahal ka, para iwas sakit. Pero unfair naman iyon kay Daryl, I think?"

"Aware naman si shingshanhshung e. And besides, hindi ko naman pinipigilan ang sarili kong mahulog sa kaniya. Mas gusto ko pa ngang mangyari iyon para bye bye feelings with Kensh na 'di ba?"

"Hay, ikaw ang bahala, biatch. Basta ang mahalaga, huwag ka nang masaktan. Kung saan ka masaya, suportahan lang kita as yoir bestfriend. Ayoko oa ring makialam sa mga desisyong gagawin mo. Puso mo 'yan e. Feelings mo 'yan. You have the righrs to decide."

Ngumiti ako saka yumakap kay biatch. "Thanks, biatch. Ikaw nalang talaga ang kaisa-isang taong nakakaintindi sa akin."

"Ikaw rin naman biatch e. Ikaw nalang ang kaisa isang taong hindi ako iniwan through good times and bad times. And I love you for that, my bestfriend."

Para kaming tangang nagda-drama like syempre buntis si biatch kaya nagpapaka-sweet. Pero malamang kung hindi siya buntis? Baka nagsasabunutan kami ngayon.

WE ARE here at the living room. Nakakatawa lang na pagkatapos naming mag-away at magkasakitan ni Kensh, magkaharap na naman kami na parang walang nangyari.

"So ano namang nakain mo at narito ka rin, human melons?"

Narito si human melons. Kapatid ni Duke and I don't why she's here.

"Duh! Syempre, I'm tita of Cherryblossom's babh, right? I should stay here sometime para naman mapunan ko iyong pagkukulang ng asshole brother ko." Sagot niya.

"Thanks, Empress. Pero katulad ng pinangako mo, huwag na huwag mong ipapaalam sa pamilya niyo ha?" Sabi ni biatch.

"Don't worry, I won't tell them. Galit din ako kay tandang Duke because of what he did. Mas sumama pa siya sa Sopipi na 'yon!? Argh, I hate him!"

Nakakatuwa rin talaga 'tong si human melons. Kahit kasi mas bata siya sa amin ng ilang taon ay nakakasundo namin siya. May pagka-brat pero masaya rin naman siyang kasama dahil maldita rin siya at may bitch side tulad namin ni biatch.

"You can't stay here until midnight. You should go home by nine." Sabi ni Drake kay human melons.

"Duh! You're so OA! Hindi na ako bata! And I can stay here whenever I want."

Napailing nalang ako sa kanila. Si Drake kasi ang halos maging chaperon ni Empress. Naaalala ko na palaging si Drake ang naghahatid sa kaniya kapag isinasama namin si Empress sa bar. Hindi na nga ako magtataka kung magkatuluyan sila in the future pero knowing Drake? He loves biatch.

"Tahimik ka, bro?"

"Oo nga, Kuya Kensh. You're so tahimik. Do you want me to kiss you?"

Pinapainit ni human melons ang dugo ko. Crush niya kasi si Kenshin! Jusko, kaawlgaw ko pa yata siya---oops scratch that, ayoko na nga pala siya kay Kensh.

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon