Pakopya 45

13.2K 440 71
                                    

Naalarma sina mommy dahil sa pagsigaw ko at dahil na rin sa pagkawala ng ilaw.

"Anong nangyari?" tanong ni Tito Zach. Lumapit siya sa akin. Nasa kanya yung flashlight kaya madali kaming nakita nung iba at nalapitan.

"Nandito si Shiara." sabi ni Aling Norelia. "Kanina pa ako may hindi nararamdamang maganda. Saan mo siya nakita?" tanong niya sa akin.

Nanginginig kong itinuro ang itaas ng sasakyan. Itinapat ni Tito Zach ang ilaw doon pero wala na kaming nakita.

"Nakita ko rin siya kanina nang sumigaw si Sarah. Pero sandali lang dahil biglang namatay yung ilaw ng sasakyan." sabi ni Darren.

"Kailangan na nating makaalis dito. Mas nagiging delikado habang lumalalim ang gabi." sabi ni Tito Zach.

"Tawagan kaya natin sina mama at humingi ng tulong?" desperedong saad ni mommy habang kinukuha ang cellphone niya. "Bakit walang signal?!" iritadong sigaw niya.

Kinuha din namin ang mga cellphones namin at tiningnan ang mga ito. "Wala rin po ako." sabi ni Shin at tulad niya ay ganun din kami ng isinagot nina Darren at Tito Zach.

"Wala na tayong ibang mahihingan ng tulong. Walang malapit na bahay dito at imposible namang may magawi pang tao sa parteng ito dahil magpapasko na." sabi ni Tito Zach. "Hindi tayo pwedeng magstay sa sasakyan dahil anytime ay pwede itong mahulog. Wala na tayong ibang choice kung hindi ang dumaan sa school kung gusto nating makaalis dito." aniya.

Napabuntong-hininga si mommy. "Sige." sabi niya tapos hinawakan niya ako sa braso. "Ayos ka na ba?"

Huminga ako ng malalim at tumango. "Opo. Tara na. Okay lang naman ako." sabi ko.

Nagsimula na kaming maglakad. Nasa unahan si Tito Zach at si mommy kasunod ay si Aling Norelia. Nasa likod naman nila kami nina Shin at Darren na parehas kasabay ko sa paglalakad.

Binuksan ni Tito Zach yung gate. Luma na yung lock kaya madali na itong nasira. Iniikot ni Tito Zach ang ilaw sa paligid. Napakadaming dahon na nagkalat na halos matakpan na nito ang buong lupa. Maingat kaming pumasok at nagpatuloy sa paglalakad.

Tumigil kami ilang hakbang sa school building. "Saan tayo dadaan?" tanong ni Tito Zach habang tinututukan ng flashlight ang kabuuan ng school. Tatlong palapag ito at halatang luma na ang istraktura. Likurang bahagi lang ito kaya hindi ko pa masasabi kung gaano talaga ito kalaki.

"Dito tayo." sabi ni mommy at nauna nang maglakad. Sa gilid kami ng school building dumaan.

Iisa lang ang ilaw namin kaya hangga't maaari ay magkakalapit lang kami sa isa't-isa. Medyo hirap din kami sa paglalakad dahil parami nang parami ang mga dahon at sanga sa paligid.

Maya-maya ay parang may naramdaman akong tubig na pumatak. Akala ko ay dala lamang ito ng hamog hanggang sa nagsunod-sunod ang pagpatak hanggang sa naging ulan na ito.

Napamura si Tito Zach. "Tutuloy pa ba tayo?" tanong niya.

"Oo. Malapit na tayo." sabi ni mommy. Nagpatuloy kami hanggang sa tumigil si Tito Zach kaya't napatigil na rin kaming lahat.

"Ano pong problema?" tanong ko habang sinasanggahan ang ulan gamit ang isa kong kamay. Lumalakas na ito kaya nababasa na kami.

"Mukhang hindi tayo makakadaan." sagot ni Tito Zach. "Tingan niyo."

Sinundan namin ang ilaw at nakita ang isang napakalaking puno na natumba sa may school. Napasinghap si mommy. "Totoo pala ang sinabi nung babae na napakalaki ng napinsala dito sa school." sabi niya.

Biglang kumidlat at mas lalong lumakas ang ulan. "Sumilong muna tayo!" sigaw ni Tito Zach. Tumakbo kami pabalik sa likurang parte ng school. Binuksan ni Tito Zach ang pinto at sumilong kami sa may bukana. Medyo nababasa pa rin kami ng ulan pero okay lang dahil basang-basa na kaming lahat.

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Where stories live. Discover now