Pakopya 28

16.7K 465 190
                                    

I despise Mondays. I always hate it kasi kapag Monday na, ibig sabihin simula na naman ng panibagong paghihirap sa school.

Pero wala akong pakialam kung Lunes man ngayon. Basta pakiramdam ko ay ang saya-saya ko. Simula noong nangyaring pag-uusap namin ni Darren nung Sabado, feeling ko ay gumaan ang pakiramdam ko. Na kahit papaano'y nabawasan ang mga isipin ko sa buhay.

Kumuha ako ng tasa at nagtimpla ng kape tapos umupo na ako sa may hapag kainan at kinain yung tinoast kong tinapay kanina. Binuksan ko ang cellphone ko at nakitang may sampung message doon. Isa-isa kong binasa ang mga messages na puro gm lang naman ng mga kaklase ko. Pero napakunot-noo ako nang mabasa ko ang group message na ipinadala ni Jeff.

From: Jeff

Minsan, tsaka mo lang malalaman na mahal mo ang isang tao kapag nasaktan ka na. Yung tipong kung kelan bumagsak ka na, tsaka mo lang marerealize na nahulog ka na pala.

gud night po. Txt txt sa mga gcing pa...

gm. #snamaramdamanmo

Text niya pa ito kagabi. Ano na naman kayang trip nun sa buhay at grabe kung makapagdrama ngayon? Mukhang may in-love ah. Haha.

Inilagay ko na sa hugasan yung pinagkainan ko tapos kinuha ko na ang backpack ko at lumabas ng bahay. Isinara ko ang pinto at naghintay ng jeep papuntang school. Biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino man yung nagtext.

From: Meryll

Mahirap sumugal sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan. May mga pagkakataong ayaw nating masaktan hindi dahil sa duwag tayo, kung hindi dahil sa pagod na tayo. Mahirap pumasok sa isang relasyon kung puso ang nakataya... lalo na kung hindi mo naman alam kung seryoso ba talaga siya sayo.

---

Good morning po!! Have a nice day :)

Gtm

Bakit parang masyado naman atang emosyonal ang mga tao ngayon? Napailing na lamang ako at sumakay na sa jeep. Inabot ko ang pamasahe ko. Maya-maya ay nagvibrate na naman amg cellphone ko.

From: Jeff

Hindi mo kailangang matakot mahulog. Lagi naman akong nandito para saluhin ka.

Gud morning...

gm. #seryosoako

Yung totoo... ano bang meron sa dalawang 'to? Hindi nako nakatiis kaya nag-gm na rin ako.

To: Jeff, Meryll, Fel and 17 others

Kung mahal mo, iparamdam mo. Huwag kang matakot masaktan dahil ang sakit, parte lang yan ng pagmamahal. Hindi mo masasabing mahal mo talaga ang isang tao kung hindi ka handang masaktan para sa kanya.

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Kde žijí příběhy. Začni objevovat