Pakopya 34

15K 419 65
                                    

Palinga-linga ako habang tahimik na naglalakad sa may hallway ng ospital. Wala akong nakikitang tao sa paligid maliban sa iilang nurse at doktor na nagrarounds.


Hindi pa rin gumigising si mommy. Si Shin naman ay pinatulog ko muna kahit ayaw niya at gusto niyang bantayan si mommy. Kailangan rin kasi niya ng pahinga. Halata namang pagod siya kaya sa huli'y napilit ko rin siyang matulog at ako muna ang magbabantay. Si Darren naman ay umuwi na kaninang alas syete.


Pakiramdam ko'y nag-init na naman ang mukha ko nang maalala ko ang 'joke' ni Darren. Magkahalong kilig at konting inis ang naramdaman ko. Or let me say, disappointment. Kasi naman, ikaw kaya ang sabihan ng ganun ng crush mo, aalukin na maging kayo, dream come true, diba? Tapos yung tipong kung kelan kikiligin ka na dapat, malalaman mong joke lang pala. Nakakafrustrate lang. Hindi na nga ako nakapagreact nang maayos kanina dahil parang ang bilis lang ng nangyari.


Hindi ko nga alam ang dapat kong ikilos o sabihin kay Darren after ng sinabi niya. Pero parang wala lang naman sa kanya yun kaya I tried as much as I can na umakto lang din na hindi naapektuhan kahit sa totoo lang, kinikilig ako. Kahit naman kasi joke lang yon, iba pa rin ang impact kapag sa crush mo nanggaling.


Umiling ako sabay tigil sa harap ng isang vending machine. Naghulog ako ng barya para bumili ng kape. Para naman hindi agad ako antukin habang nagbabantay.


"Sarah!" lumingon ako sa tumawag sa akin.


"Ay, hello po, Tito Zach." bati ko sa kanya habang nakangiti.


Lumapit siya sa may vending machine at bumili rin ng kape. "Sabi ko sayo eh, magkakasalubong rin tayo." sabi niya sabay tawa.


"Oo nga po." sabi ko habang pinapanood siyang kinukuha ang kape niya.


"Gabing-gabi na ah. Bakit gising ka pa?" tanong niya.


"Ako po kasi ang nagbabantay kay mommy ngayon. Bumili lang po ako ng kape para di ako antukin." sagot ko.


Tumango naman siya. Parehas kaming natahimik nang may dumaang umiiyak na babae kasama ang isang nurse. "Karamihan ng tao dito sa ospital parang problemado at may pinagdadaanan samantalang tayo parang wala lang. Nagagawa pa nating mag-usap na parang wala tayong problema." sabi ni Tito Zach habang sinusundan ng tingin yung babae.


"Kaya lang naman nagiging problema ang isang bagay dahil prinoproblema natin." biro ko. "Kapag masyado mong dinibdib ang isang bagay, talagang mas lalo kang mamromroblema at baka hindi mo pa yun masolusyunan." sabi ko sabay inom ng aking kape.


Bumaling ng tingin sa akin si Tito Zach. "Naks naman, lalim nun ah." sabi niya. "Pero sa bagay may punto ka naman dun." ngumiti siya sa akin. "Kelan lang tayo nagkakilala pero parang close na tayo. Siguro dahil naaalala ko talaga ang anak ko kapag kasama kita." sabi niya sabay ngiti nang malungkot.


"Siguro nga po. Wala na rin po akong tatay. Namimiss ko na ang presensya niya kaya siguro komportable ako sa inyo. Tsaka hindi naman po kayo mahirap pakisamahan kasi mabait po kayo." sabi ko sabay ngiti. "Nabanggit niyo po ang anak niyo. Kamusta na nga po pala ang paghahanap niyo sa asawa't anak niyo?" tanong ko.

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Onde histórias criam vida. Descubra agora