Pakopya 5

33.8K 888 145
                                    

So this is how it feels.

To feel nothing... but endless pain.

The feeling is so unbearable that it made me numb.

No. Numb is not the right word for it. Dead. Yes. The word dead suits me.

I'm still breathing like what alive people do, but deep inside, I'm dying.

Bakit nga ba hindi na lang ako mamatay? I really want to end my life right now.

Sige, tawanan niyo ako. Tawanan niyo ako sa mga pinagsasasabi ko. But fck, kung ikaw ang nasa posisyon ko, siguradong gugustuhin mo na ring mamatay.

Pero hindi ko magawang kitilin ang sarili kong buhay. Kasi iniisip ko ang mga anak ko. Ano nang mangyayari sa kanila kapag pati ako mawala sa kanila? Hindi ko kakayaning pati ang mga anak ko madamay sa mga kabalbalang nangyayari sa akin.

"Angeli, mauna na kami." narinig kong tawag sa akin. Napalingon ako at nakita ang aking Tito Loi na papalapit sa akin. Umupo siya sa silyang nasa tabi ko.

"Ikinalulungkot namin ang pagpanaw ng asawa mo. Alam kong masakit yan para sa inyo. Pero sana wag mo masyadong pagurin ang sarili mo. Tatlong araw ka na ring walang maayos na tulog. Magpahinga ka ha? Baka kung anong mangyari sa'yo niyan. Alalahanin mo ang mga anak mo. Ikaw na lang ang meron sila." sabi niya. "O siya, mauna na ako. Malalim na ang gabi. Malayo-layo pa ang lalakbayin ko bago makauwi sa amin." paalam niya. Tinapik niya ang aking balikat bago tuluyang umalis.

Napatingin ako sa kabaong na nasa aking harapan at tinitigan ang lalaking nasa loob nito.

Si Richard.

Naalala ko ang sinabi sa akin ng pulis na nag-imbistiga sa nangyaring aksidente kay Richard. Nabangga ang sasakyang minamaneho ng aking asawa. Pinasuri na ang sasakyang iyon pero wala namang nakitang sira na maaaring naging sanhi ng aksidente.

Hindi rin naman lasing o nakadrugs si Richard kaya imposibleng nawalan siya ng kontrol sa pagmamaneho. Maraming natamong sugat sa katawan si Richard dahil sa pagkakabangga pero ang nakakapagtaka, hindi ito ang naging sanhi ng pagkamatay niya.

Ayon sa autopsy report, namatay si Richard dahil sa kawalan ng oxygen. Maaaring may nagtakip sa kanyang ilong at bibig o kaya'y may sumakal sa kanya para mangyari iyon. Pero wala namang nakitang kahit anong marka sa kanyang katawan o fingerprints ang mga pulis.

Ayokong isipin 'to pero, malakas ang kutob ko na may kagagawan siya rito.

Napailing ako sa isiping iyon. Paano naman kaya makakapatay ang isang taong patay na?

Sumagi sa isip ko ang mga anak ko. Pinatuloy ko muna sila kina mama. Mas makakabuti kung doon muna sila. Baka mas lalo silang masaktan kapag nandito sila sa bahay namin at nakikita ang bangkay ng kanilang ama.

Tiningnan ko ang aking paligid. Kakaunti na lamang ang mga taong nandito. Gabing-gabi na rin kasi kaya nagsiuwian na yung iba.

"Tita Beth." tawag ko sa aking tita na kasalukuyang namimigay ng kape at tinapay sa mga tao. "Kayo na muna po ang bahala dito. Pupunta lang po ako saglit sa banyo." paalam ko.

Tumango lang siya sa akin. Tumayo na ako at umakyat sa ikalawang palapag ng aming bahay at tumungo sa cr.

Matapos kong gawin ang dapat kong gawin, pumunta ako sa may lababo para maghugas ng kamay. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.

Hindi ko na makilala ang aking sarili. Sobrang putla ng mukha ko. Magang-maga rin ang aking mga mata sa kakaiyak nitong mga nakaraang araw at dahil na rin sa kawalan ng tulog. Medyo gulo rin ang aking buhok.

Sumahod ako ng tubig galing sa gripo at naghilamos. Inabot ko ang tuwalyang nakasabit at ipinunas ito sa aking mukha.

Pero laking gulat ko nang makitang puno ng dugo yung tuwalya. Napatingin ako sa salamin.

Imbis na repleksyon ko ang aking makita, mukha ni Shiara ang bumungad sa akin.

Parang biglang natuyo ang aking lalamunan. Hindi ako makasigaw. Sa sobrang takot ko ay ipinikit ko ang aking mga mata.

Panaginip lang 'to. Panaginip lang 'to.

Paulit-ulit ko itong sinabi sa aking utak. Pagmulat ko, repleksyon ko na ulit ang makikita sa salamin. Ibinalik ko ang tuwalya sa sabitan at nagmamadaling tumungo sa may pinto.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng biglang namatay ang ilaw. Umiling ako ng ilang beses para alisin ang takot na aking nararamdaman. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad papunta sa may pinto. Kahit madilim, alam ko naman kung nasaan ito.

Pinihit ko ang doorknob pero ayaw nitong mabuksan. Nagsimula na akong kabahan. Kinalampag ko na ang pinto. Wala akong pakialam kahit masira pa 'to basta makalabas lang ako dito.

Napatigil ako sa aking ginagawa ng biglang may malamig na kamay na yumakap sa akin mula sa likod. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat at bumulong sa aking tenga.

"Hindi mo man lang ba ako namiss, best friend?"

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Where stories live. Discover now