Pakopya 12

26.2K 601 152
                                    

Gigising, kakain, papasok sa school, gagawa ng mga dapat gawin, tutulog...



Ganyan lang palagi ang ginagawa ko. Parang naging routine ko na yun.



Everything seems normal but the truth is, it's not.



Ilang araw na rin ang nakakalipas mula ng mamatay si Max. Maraming nagluksa. Maraming nalungkot. Maraming umiyak.



Pero madali rin namang nakamove-on ang mga tao. Sa campus, parang nakalimutan na nila agad si Max. Parang hindi sila nawalan ng schoolmate. Well, maliban sa mga 'obsessed' fan girls at mga tunay na kaibigan ni Max na hindi pa rin matanggap-tanggap ang pagkawala niya.



Sana ako rin makalimot na.



Hindi ko alam kung bakit nababagabag pa rin ako hanggang ngayon. Gabi-gabi, napapanaginipan ko yung babaeng nakita ko sa may condo ni Max. Yung babaeng una kong nakita sa panaginip ko noong nakaraan.



Sa totoo lang, natatakot ako. Hindi ko alam kung totoo siya o gawa lang siya ng imahinasyon ko. And I'm hoping for the latter.



"Sarah!" napalingon ako at nakita si Fel na tumatakbo papalapit sa akin habang nakangiti.



"Hello." bati ko sa kanya.



"Uy! Plano nga pala naming mag-outing next week tutal naman walang pasok. Gusto mo bang sumama?" tanong niya.



Oo nga pala. Simula na ng sem break namin. "Salamat na lang pero ayoko." pagtanggi ko sa alok niya.



"Ang kj mo naman! Sige na sumama ka na please!" pagmamaktol niya.



"Uhh.. Sige pag-iisipan ko." sabi ko na lang. Hindi ko alam kung sasama ba ako o hindi. Pero siguro kailangan ko ring mag-enjoy at magrelax kahit papano. Masyado kasi akong depressed at malungkot these past few days.



Laking pasasalamat ko nga at hindi ko nakakasalubong yung malditang si Althea. Maiinis lang ako kapag nakita ko ang pangit na pagmumukha ng babaeng yun.



Hindi naman siya pangit. Ayoko mang aminin ito pero, maganda talaga si Althea. Mukha siyang modelo. Artistahin ang itsura. Pero pangit ang ugali niya kaya sumasama ang pagkatao niya.



Biglang hinawakan ni Fel ang braso ko at hinila ako papalabas ng school building. "Bilisan mo namang maglakad. Ayokong maabutan ng dagsa ng maraming estudyante." saad niya.

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Where stories live. Discover now