Pakopya 46

15.3K 465 66
                                    

Hindi nako makahinga sa sobrang takot. Nanuyo ang lalamunan ko kaya't hindi ako makasigaw. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas, basta tumakbo na lamang ako palayo kay Shiara.


Nakarating ako sa isang malaking pinto. Sa tingin ko'y ito ang main door ng school building. Sinubukan ko itong buksan pero sarado rin ito. Sumilip ako sa may labas ng bintana. May mga grills ito at ilang butil ng salamin kaya't hindi ako makakalabas.


Malakas pa rin ang ulan. Biglang kumidlat kaya't lumiwanag sa labas. Pagtingin ko ay nasa harapan ko na si Shiara sa mismong bintanang pinagsisilipan ko. Napasigaw ako at agad na tumakbo palayo.


Naaninag ko ang hagdan pataas. Dire-diretso ako paakyat nito nang hindi lumilingon. Muntik pa akong matalisod pero tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo. Nang madapa ako nang tuluyan ay hinihingal akong umupo at sumandal sa pader.


Pumikit ako habang hinahabol ang aking hininga. Naiiyak kong niyakap ang dalawa kong tuhod. Unti-unti akong nilukuban ng matinding takot... takot na mas matindi pa kaysa sa mga naranasan ko noon. Hindi ko alam kung ano nang nangyari kina Mommy at pati kina Shin at Darren. Hindi ko na rin alam kung nasaan na sila at kung buhay pa ba sila ngayon na mas nagpatindi sa takot ko.


Tumahimik ang paligid. Tanging ang mga patak lamang ng ulan ang naririnig ko. Maya-maya ay may naramdaman akong likidong pumatak sa aking braso. Sa una'y inakala kong tubig lamang ito. Hinaplos ko ito at napansing nanggagaling ito sa taas. Nag-angat ako ng tingin at napatakip sa aking bibig nang makita ang katawan ni Shiara na nakabitin sa kisame.


"AHHHHHH!!!" sigaw ko. Bigla nagmulat si Shiara at tumingin sa akin. Nanginginig akong tumayo at muling tumakbo. Nagpaliko-liko ako. Hindi ko agad napansin na may hagdan na pala kaya napatid ako at nahulog pababa. Namilipit ako sa sakit ng aking katawan pero pinilit ko pa ring tumayo. Itinuloy ko na ang paglakad pababa hanggang sa may biglang humila sa akin.


"Sarah?" tanong ni Shin at itinutok sa akin ang ilaw ng flashlight. "Thank God you're alive," sabi niya at niyakap ako.


"Shin!" Niyakap ko rin siya pabalik at tuluyan nang naiyak. "A-Akala ko kung napano na rin kayo. N-Natakot ako," hikbi ko.


Maya-maya ay humiwalay ako kay Shin at tumingin kay Darren. Lumapit siya sa akin at bigla na lamang akong niyakap. "Natakot kami ng sobra nang mahiwalay ka samin," sabi niya. "I think I was about to go crazy sa pag-aalala sayo," bulong niya.


Nagulat ako sa pagyakap ni Darren. Nang makarecover ako ay niyakap ko rin siya pabalik. I suddenly felt something warm spreading throughout my whole system.


Kumalas kami sa pagkakayakap ni Darren. "Anong nangyari sa inyo?" tanong ko sa kanila.


"Sinubukan naming magpasikot-sikot sa mga kwarto sa pagbabakasakaling may madaanan kami palabas. Hanggang sa makulong kami sa isang classroom. Kung hindi pa namin sisirain ang pinto, hindi pa kami makakalabas," sagot ni Shin. "Naisipan naming umakyat sana dahil baka may mahanap kami doon tapos sakto namang nakasalubong ka namin."


Natigil kami sa pag-uusap nang makarinig kami ng sigaw. Nagkatinginan kami ni Shin. "Si Mommy!" sabi ko. Tumakbo kami papunta sa pinanggalingan ng boses hanggang sa makarating kami sa isang malaking classroom. Medyo madilim sa loob pero dahil sanay na ang mga mata ko sa dilim, hindi na ako masyadong nahirapang makita sina Mommy, Tito Zach at Aling Norelia.

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα