Pakopya 26

17.8K 460 92
                                    

My whole body stiffened. My breathing hitched.


Biglang bumigat ang pakiramdam ko at pakiramdam ko ay maaari akong kapusin ng hininga anumang oras.


A sudden wave of air near my ear sent a tingling sensation in my body. Nakiliti ako kaya napapitlag ako nang hindi inaasahan.


Tuluyan nang lumayo sa akin si Darren. Doon ko lang narealize na tumatawa pala siya. I was mesmerized for a while kaya hindi ko agad napagtanto kung ano ba ang nangyayari. Bakit ang gwapo niyang tumawa?


Umihip muli ang malakas na hangin. Doon lang ako natauhan. I blinked a couple of times and stared at Darren. "Oh... so... you were just... joking?" mabagal na tanong ko.


Tumigil siya sa pagtawa at ibinalik ang itsura niyang walang kaemo-emosyon. "I was just kidding when I said that Shiara is here. Pero yung ibang sinabi ko, lahat yun totoo." sagot niya.


Huminga ako ng malalalim at sumandal sa may puno. Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag nang sinabi niyang wala talaga dito si Shiara.


Dapat magalit ako kasi niloko niya ako. Pero sa mahalip na mainis, mas nangibabaw sa akin yung takot and relief at the same time. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko.


Pero mukhang wrong move ang ginawa ko kasi biglang nagflashback na naman yung mga nakita ko sa horror house. Napamulat ako agad at napailing.


"Okay ka lang?" napatingin ulit ako kay Darren nang tanungin niya ako.


Tumango ako. Umayos ako ng upo at tumitig kay Darren. "Teka lang. Ngayon pa lang ata nagsink-in sa akin ang lahat. So may third eye ka, kilala mo si Shiara at.. teka, paano mo nakilala si Shiara? At tsaka paano mo nalaman na may kinalaman siya doon sa mga nangyaring pagkamatay?" sunod-sunod na tanong ko.


"Hindi ko alam kung paano at saan sisimulan ang lahat. Basta una ko siyang nakita doon sa condo nung namatay nating school mate. Nagkataong may pupuntahan ako nang umagang iyon bago dumiretso sa school at nadaanan ko ang lugar na yun. I'm not the type of person who gives a damn about other people's business kaya hindi na ako naki-usyoso pa sa mga tao roon. Pero napatingin ako sa may condo at nakita ko yung babae. Sanay na akong makakita ng multo kaya hindi ko ito pinansin."


"The second time was at the mall. I was with my mom that time because she forced me to accompany her in buying a gift for her godson. Nagkataon namang may pinagkakaguluhan sa isang shop na nadaanan namin at nakita ko ulit doon yung babae who happened to be Shiara. Nalaman ko na may namatay daw doong babae at school mate ko pa."


Hindi ako umimik kaya nagpatuloy lang siya sa pagkwekwento.


"Do you remember the time when we went to your house to fetch you and your brother? Nakita ko ulit doon si Shiara... sa bahay niyo." saad niya. Nangilabot ako pero hindi ako nagsalita. "Dati, wala talaga akong pakialam sa mga multong nakikita ko. Bata pa lang ako, nakakakita na ako ng multo. Yung iba nga napapagkamalan ko nang tao. Nasa paligid lang sila. Nakikihalubilo sa mga tao na para bang normal lang ang lahat."

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Where stories live. Discover now