Pakopya 42

15.1K 463 71
                                    

Hindi ako makagalaw sa sobrang takot. Kitang-kita ko ang mapupulang mga mata ni Shiara na nakatitig sa akin. Napaatras ako sa kama at napapikit nang unti-unti siyang gumapang palapit sa akin.


"Nandito nako!"


Napamulat ako at napatingin sa pinto nang bigla itong bumukas. Pumasok si Shin na may bag na nakasabit sa kanyang balikat.


Napatingin ulit ako sa harapan ko at nakitang wala na doon si Shiara. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ako makahinga sa sobrang takot. Mukhang napansin ni Shin ang pangangatal ko kaya agad siyang lumapit sa akin. Inilapag niya ang kanyang bag sa kama at umupo sa harap ko.


"May problema ba?" nag-aalalang tanong niya. "Para kang nakakita ng multo ah." biro niya at sinubukan akong patawanin. Pero agad rin siyang natigilan nang marealize niya ang huli niyang sinabi. "Huwag mong sabihing nakakita ka nga talaga ng..."


Napalunok ako. Ibinuka ko ang aking bibig para magsalita pero nagdalawang-isip ako nang pumasok si mommy. "Anong ginagawa niyo?" tanong niya at humilig sa may pinto.


"Tinatanong ko lang po si Sarah kung okay lang siya kasi namumutla siya noong dumating ako kanina." sagot ni Shin at parehas silang bumaling sa akin.


Umayos ako ng pagkakaupo at huminga ng malalim. "Natakot lang po ako kasi akala ko nakita ko si Shiara sa picture na nakuhanan ko sa school kanina. Pero namamalikmata lang po pala ako." pagdadahilan ko at pilit na ngumiti. Inabot ko yung mga regalo ni Fel at ibinigay kay Shin at kay mommy. "Regalo nga po pala ni Fel." sabi ko.


Medyo nadistract na sila dahil doon sa mga regalo na lihim kong ipinagpasalamat. Sobrang natakot talaga ako kanina pero ayoko nang sabihin pa yun sa kanila lalo na kay mommy dahil ayokong mag-alala sila at mastress na naman. Buti nga at magaling na talaga si mommy ngayon pati ang bali niya. At isa pa, wala namang nangyaring masama sa akin kanina kaya wala nang dapat ipag-alala pa.


"Sabihin mo kay Fel salamat ha." sabi ni Shin.


"Ang bait naman ng batang 'yon at naalala pa akong bigyan." nakangiting saad ni mommy. "Siya nga pala, naghanda ako ng pagkain. Kumain na lang kayo sa may kusina."


Agad tumayo si Shin. "Tamang-tama, gutom na po ako dahil sa byahe." sabi niya at nauna nang lumabas.


Bumaling sa akin si mommy. "Ikaw Sarah?" tanong niya.


Umiling ako. "Busog pa po ako. Marami akong kinain sa party kanina. Mamaya na lang po." sabi ko.


"Sigurado ka bang okay ka lang?" naghihinalang saad niya. Tumango ako at ngumiti. Napabuntong-hininga siya. "O siya, pumunta ka na lang doon kung nagugutom ka na."


"Okay po." sagot ko. Nang makaalis na si mommy, tumayo ako at binuksan ang mga bintana. Iniwan ko na ring bukas ang ilaw at pintuan. Mahilig akong magkulong sa kwarto pero ngayon, parang takot na ako lalo na dahil sa nangyari kanina.


Lumapit ako sa mga bag ko at kumuha ng backpack at isa pang paglalagyan ng damit. Kailangan ko nang mag-ayos ng mga dadalhin ko sa pag-alis namin bukas.


Inilapag ko ang mga bag sa kama at pinagkiskis ang dalawa kong mga kamay dahil kanina pa itong nanlalamig. Tapos ay inabot ko yung backpack at tiningnan ang mga laman nito. Napasimangot ako nang makitang maraming papel sa loob. Matagal-tagal ko na rin kasing hindi nagagamit ang bag na 'to.


Isa-isa kong tinanggal ang mga laman at nagulat ako nang makita ko yung notebook na nakita ko sa library dati. Nakalimutan ko na pala 'to dahil sa sobrang daming nangyari.


Pakopya (Published Under Viva Psicom)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora