Epilogue

14.8K 510 112
                                    

5 years later...

Ipinapatas ko ang mga test papers sa aking desk nang may lumapit sa aking teacher. "Sarah, pinapatawag ka sa office." sabi ni Ma'am Dalisay, isa sa mga co-teachers ko.

Inilapag ko ang test papers bago bumaling sa kanya. "Bakit daw po?" tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "May issue ata ang isa sa mga estudyante mo. Pumunta ka na lang para sigurado," sabi niya at tinapik ako sa balikat bago tuluyang umalis.

Ipinilig ko ang aking ulo. May issue ang isa sa mga estudyante ko? Ano naman kaya 'yon? Sa pagkakaalam ko naman ay walang masyadong pasaway sa mga hina-handle kong estudyante. Tinapos ko ang pagpapatas ng gamit sa aking desk at dumiretso sa office ng principal.

Bago ako makapasok sa principal office ay nakasalubong ko ang estudyante kong si Carisse, grade 10 student na mula sa advising class ko. Nakayuko siya at dire-diretso lamang sa paglakad kaya hindi ko na siya nakausap pa. Kunot-noong pumasok ako sa office ng principal. Nakaupo doon si Ma'am Morales at napatingin siya sa akin nang mapansin ang presensya ko.

"Ms. De Jesus, mabuti naman at nandito ka na," sabi niya.

Umupo ako sa isa sa mga upuang nasa harapan ng desk niya. "Ano po bang problema?" tanong ko.

"Well..." panimula ni Ma'am Morales at humalukipkip. "Nahuling nangongopya itong si Carisse Faltado sa exams nila. Napagsabihan ko na siya kanina bago ka pa dumating," aniya.

Nang marinig ko ang ginawa ni Carisse, agad akong kinilabutan. "Nakasalubong ko nga po siya kanina. Kaya naman pala hindi ako binati. Huwag po kayong mag-alala, kakausapin ko po siya," sabi ko.

"Mabuti pa nga, bago ko ipatawag ang kanyang mga magulang. You know the rules and regulations of our school. Walang exemption basta nakagawa ka ng offense," sabi ni Ma'am Morales. "Nakakapanghinayang ang batang iyon. Isa pa naman siya sa mga estudyanteng malinis ang record tapos..." naiiling na saad niya.

"Ako na po ang bahala," sabi ko. Nag-usap pa kami ng ilang sandali ni Ma'am Morales bago ako umalis ng office niya.

Inisip ko kung kailan at papaano ko kakausapin si Carisse habang papunta ako sa classroom ko. Naabutan kong bukas pa ang ilaw sa loob kaya pumasok muna ako para patayin ito. Kaya lang ay may nakita akong bag sa isa sa mga upuan. Kung hindi ako nagkakamali ay doon nakaupo si Carisse. Bakit nandito pa ang gamit niya? Hindi pa ba siya umuuwi? Kanina pa sila dismissed ah?

Lumabas ako ulit at naglakad sa may hallway. May nakasalubong akong estudyante ko kaya binati ako nito. "Good afternoon po," sabi noong babae.

"Good afternoon din," bati ko. Paalis na sana yung estudyante nang muli ko siyang tawagin. "Teka, nakita mo ba si Carisse?" tanong ko.

"Ay opo. Nandun po siya sa may bleachers. Nakita ko po siyang nakaupo doon kanina noong mapadaan ako," sagot niya.

"Sige, salamat," sabi ko.

Gaya nga ng sabi ng napagtanungan ko, nandoon nga si Carisse sa may bleachers. Mag-isa lang siya habang nakatungo.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Nagulat siya nang mapansin ako. "M-Ma'am! Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong niya. "Papagalitan niyo po ba ako?"

"Hindi naman. Gusto lang kitang makausap," sabi ko.

Bumalik siya sa pagkakatungo. Nakita ko rin ang pagbagsak ng kanyang mga balikat.

"Bakit ka nangopya? Alam mo namang masama yun hindi ba?" tanong ko. Hindi siya sumagot kaya napabuntong-hininga ako. "Alam mo ba, marami akong kakilalang mahilig mangopya at mandaya noon. At hindi mo magugustuhan ang nangyari sa kanila," sabi ko.

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Where stories live. Discover now