Pakopya 21

19.8K 454 31
                                    

Ang pagkamatay ay isang bagay na walang kasiguraduhan kung kailan mangyayari. Isa itong bagay na hindi mo inaasahan... Isang nakatakdang pangyayari na lahat tayo ay makakaranas.


Hindi mo masasabi kung kailan at kung sino ang mamamatay, kung paano siya mamamatay o kung sino ang papatay.


Pero sa kaso ko, alam ko kung sino ang pumapatay sa mga taong mahalaga at parte na ng buhay ko. Pakiramdam ko isa akong saksi sa mga pagpatay at wala man lang akong magawa kung hindi ang manood lang na isa-isang namamatay ang mga tao sa paligid ko.


Si Max. Si Althea. At ngayon naman ay si Gerard.


Hindi ko maintindihan. Hindi naman mahalaga sa akin si Gerard. Ni hindi nga kami malapit sa isa't-isa. Hindi ko alam kung magkaibigan kami, basta magkakilala kaming dalawa. Yun lang yun. Pero bakit pinatay siya ni Shiara? Ano bang balak niya? Gusto niya bang patayin kaming lahat? Kasi kung ganun nga, mas gugustuhin ko pang unahin niya na ako kesa makita kong mamatay ang mga taong mahalaga sa akin.


"Kamusta na siya?" narinig kong tanong ni Fel.


"Bigla na lang siyang nawalan ng malay kanina. Wala naman siyang sakit, pero sobrang putla ng mukha niya." sabi ni Shin.


Bumuntong-hininga si Fel. "Siguro natakot siya sa nakita niya kanina. Sino ba naman kasing hindi magugulantang kapag ganun ang naabutan mo diba? Nakakakilabot at nakakapanghina. Everyone is in a state of shock because of what happened to Gerard."


Iminulat ko ang mga mata ko at nakita sina Fel at Shin na nakatayo malapit sa kama ko. Sinubukan kong umupo kaya napatingin sila sa akin.


"Anong nararamdaman mo? Okay ka lang ba?" tanong ni Fel sabay lapit sa akin.


Ngumiti ako ng pilit. "O-kay lang. Na-shock lang siguro ako kanina kaya nawalan ako ng malay. Pasensya na." sabi ko. "Ano nang nangyari?"


Umupo si Fel sa kama ko. "We already notified the police about what happened. I came here to check you out because you suddenly passed out a while ago." paliwanag niya. "Grabe ang panic namin kanina. I think natrauma yung iba at nagpupumilit na umuwi na. Sila Jeff at yung ibang boys ang nagtulong-tulong at nag-asikaso sa labi ni Gerard. Yung iba, umiyak, nagwala. Everything's on hell right now."


I tapped her back. Hanga ako kay Fel. Base sa mga sinabi niya, alam kong magulo ang lahat ngayon. Pero kahit ganun, nakakaya pa rin niyang maging kalmado para maayos niya ang lahat. I know that deep inside, she feels devastated right now, pero nagpapakatatag pa rin siya para sa aming lahat.


"Sarah, ikukuha lang kita ng maiinom. Titingnan ko na rin kung ano ang mga nangyayari sa baba." sabi ni Shin tapos lumabas na siya ng kwarto.


Bumuntong-hininga si Fel. "Everything happened so fast. We're all just having fun and then the next thing we knew, Gerard is dead." sabi niya.


"Hindi talaga natin inaasahan na may mamamatay." malungkot kong saad.


Pakopya (Published Under Viva Psicom)Where stories live. Discover now