Pakopya 36

14.9K 446 42
                                    

Tahimik lang kami nina Shin at Darren habang sina mommy at Tito Zach nama'y nag-uusap. Kakatapos lang naming kumain at nakaupo lang kami habang nanonood ng TV at hinahayaan silang dalawang magkamustahan. They were talking about what happened to their lives way back before.



Walang magandang palabas sa telebisyon kaya pasimple na lamang akong nakinig sa usapan nila mommy. Mukhang hindi rin interesado si Shin sa mga palabas kaya hindi siya mapirmi sa iisang estasyon.



Kanina ay narinig kong nagkwento si mommy ng bahagya tungkol sa pagkakaroon niya ng asawa, ilang bahagi ng naging buhay namin noon hanggang sa napasok siya sa mental dahil sa depression daw sa pagkamatay ni daddy, excluding Shiara's parts. Tapos si Tito Zach naman ay isinalaysay rin kay mommy ang kinwento niya sa akin noon tungkol sa mag-ina niya. Parang isang normal na pag-uusap lang ng dalawang taong matagal nang hindi nagkikita.



Pero parang may kakaiba sa atmosphere nilang dalawa. Medyo mailap kasi ang usapan nila. Yung tipong parang may itinatago sila sa isa't-isa. After nilang ikwento ang ilang mga pangyayari sa buhay nila noon, naging random yung topic nila. Wala namang mali doon kaya lang may mga times na natitigilan sila at nawawalan ng sasabihin. Kanina ko pa sila pinagmamasdan at napansin ko na parang may gusto silang pag-usapan o banggitin pero hindi nila masabi. Ewan ko kung tama ba ang obserbasyon ko o feeling ko lang yun.



Sumandal ako sa may dingding habang pinagmamasdan sila mommy at Tito Zach. Hindi pa rin masyadong nagsisink-in sa akin na magkakilala silang dalawa. Of all people, yung tatay pa talaga ng isa sa mga taong pinatay ni Shiara ang kakilala ni mommy. Ewan ko kung nagkataon lang ba iyon o may koneksyon talaga.



"Mommy... Tito Zach." tawag ko sa kanilang dalawa. Natigil naman sila sa pag-uusap at bumaling sa akin. "Paano nga pala kayo nagkakilala?" tanong ko.



"Naging boyfriend siya ng best friend ko." sagot ni mommy na kasabay ng pagsabi ni Tito Zach ng, "Best friend siya ng ex-girlfriend ko." Nagkatinginan pa ang dalawa dahil sa magkasabay nilang pagsagot.



Ipinilig ko ang aking ulo. Medyo naguluhan ata ako sa naging sagot nila. "So... nagkakilala po kayo kasi yung best friend ni mommy ay naging girlfriend ni Tito Zach?" pag-uulit ko. "Sino po siya?"



Parehas silang natigilan  sa naging tanong ko at muling nagkatinginan. "Si..." bakas ang pag-aalinlangan sa mukha ni mommy. "Shiara." halos pabulong niyang sagot.



Pagkasabi ni mommy ng pangalan ni Shiara, parang biglang tumahimik sa buong kwarto. Natigil sa paglilipat ng channel si Shin at napaayos naman ng upo si Darren. Walang umiimik. Tanging ang tunog lang ng TV at aircon ang maririnig.



Napatingin kaming lahat sa TV nang may lumitaw na nakakatakot na imahe ng isang babaeng nakaputi. Kung hindi ko lang nakita ang patalastas na ito dati, baka namatay na ako sa gulat. Trailer iyon ng isang horror movie tungkol sa kaluluwa ng isang babaeng pumapatay dahil hindi matahimik.

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon