Pakopya 22

19.4K 496 47
                                    

Just act normal and go with the flow.


Yan ang ginagawa ko tulad ng sinabi ni Shin. Nag-resume na ulit ang mga klase kaya nagsibalik na kami sa kanya-kanya naming buhay. Umalis na si Shin kasi may pasok rin ulit siya.


Nagulat halos ang buong school namin nang mabalitaan nilang patay na si Gerard. Mukhang ngayon lang nagsink-in sa kanila na tatlo na ang namatay at halos magkakalapit lang ang panahon ng pagkamatay nila.


Inilihim ng pamilya ni Gerard ang mga detalye ng pagkamatay niya. Basta ang alam ng mga tao, nagpakamatay si Gerard. Yun lang. Hindi nila alam kung kailan at kung saan. Tanging kami lang na nakasama ni Gerard sa resort ni Fel ang nakakaalam.


Hindi na pumapasok si Thara. Umalis na siya ng school at sa tingin ko ay nagpunta sila ng ibang bansa kasama ang pamilya niya. Sa amin kasing lahat, siya ang pinaka naapektuhan sa nangyari kay Gerard. Hindi ko siya masisisi dahil alam kong nakita niya kung paano pinatay ni Shiara si Gerard, at hindi siya pinapaniwalaan ng mga tao.


Ilang linggo ang lumipas. Tulad ng dati, unti-unti na ring nakamove-on ang mga tao sa pagkawala ni Gerard tulad ng pagmove-on nila sa pagkamatay ni Althea at Max.


Palagi kong kasama ang mga kaibigan ni Fel at naging close na rin ako sa kanila. Palagi kasi akong sinasama ni Fel. At tsaka nagkasama-sama na rin kami sa resort kaya okay na rin sa akin na makasama sila.


"Sarah, doon tayo maglunch sa may open field." sabi ni Fel. Tumango ako at pumunta kami doon sa may mga lamesa malapit sa open field. Nandoon sina Ailee, Jeff at yung iba pa. Dito kami madalas tumambay at kumain. Mahangin kasi dito kesa sa canteen.


"Hi guys!" bati ni Fel sa kanila. Binati rin nila kami tapos umupo na kami ni Fel.


May mga pagkain na nakahain kaya kumuha na lang kami. Napapangiti ako habang pinagmamasdan sila. Ang gulo-gulo kasi tapos ang ingay-ingay pa.


"Guys look, Darren is with the monster again." narinig kong sabi ni Damie. Napatingin ako sa tinutukoy niya. Palabas ng building si Darren at may kasama siyang babae. Dala-dala ni Darren ang mga libro nung babae.


Nag-iwas ako ng tingin at bumaling kina Damie. "Sino siya? Bakit monster ang tawag niyo sa kanya?" tanong ko.


"Because she's a monster." sagot ni Damie.


Napakunot-noo ako at napatingin ulit doon sa babae. Simple lang ang itsura niya tapos may suot siyang salamin. She looks like a nerd. "Mukha naman siyang mabait ah?" sabi ko.


"Mukha lang. Don't be fooled by her looks. Kapag nandyan lang si Darren mabait ang babaeng yan. Tapos nagpapanggap siyang kinakawawa palagi. But the truth is, she's a pure bitch." paliwanag ni Meryll.


"Girlfriend ba siya ni Darren?" nag-aalangang tanong ko.


"Nope. Pero close silang dalawa. Ang alam ko close siya sa family nila Darren. At may gusto yang si Karen kay Darren." sabi ni Ailee.


Pakopya (Published Under Viva Psicom)Where stories live. Discover now