Pakopya 16

21K 514 123
                                    

Click. Click. Click.



Bawat daanan ko, pinipicture-an ko. Basta may nakita akong maganda, picture lang ako ng picture. Kanina ko pa 'to ginagawa kaya hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakarating sa dapat kong puntahan.



Ang dami kasing magagandang tanawin dito sa resort. Buti na lang at naisipan kong dalhin ang camera ko. Souvenir din 'to noh.



Akma kong pipicture-an ang isang ibon na nasa sanga ng isang puno nang may nahagip ang aking camera. Isang lalaki at isang babae na naghahalikan.



Napailing ako. Palibhasa kasi maraming puno sa gawing ito ng resort kaya dito nila naisipang maglampungan. Hay nako. Mga tao nga naman.



Aalis na sana ako kasi ayaw kong maka-istorbo nang may mapansin akong babae na nasa likod ng isang puno at nakatingin doon sa dalawang taong naghahalikan. Umiiyak siya.



Hala. Kilala ko 'tong babaeng 'to ah. Kung tama ang pagkakaalala ko, Thara ang pangalan niya at kasama namin siya sa resort. Hindi ba boyfriend niya si...



Napatingin ulit ako doon sa lalaki. Nako, kaya naman pala umiiyak yung babae eh. Boyfriend lang naman pala niya yung nakikipaglandian doon.



"Gerard..." tawag ni Thara doon sa lalaki. Natigil naman sa ginagawa nila yung dalawa at tumingin sa kanya.



"Umalis ka na muna. Ite-text na lang kita." sabi nung Gerard sa babaeng kahalikan niya kanina. Agad namang sumunod yung babae at hinalikan pa si Gerard bago tuluyang umalis.



Bakas ang sobrang galit sa mukha ni Thara. Bago pa makapag-react si Gerard, nakalapit na si Thara sa kanya at nasampal siya ng malakas.



Ouch. Sigurado akong masakit yun. But Gerard deserves it. Manloloko eh.



"Hayop ka." nanginginig sa galit si Thara. "Bakit ka may kahalikan, ha? At bakit parang wala lang sayo na nakita ko ang ginawa mo?!"



Binigyan lang siya ni Gerard ng malamig na tingin. "Ayoko na sayo. Hindi na kita mahal."



Tuluyan nang napahagulhol si Thara. Pinaghahampas niya si Gerard at pinagmumura. "Walang hiya ka! Matapos ang lahat ng ginawa ko para sayo, matapos kong i-alay sayo ang buong pagkatao ko, ganito lang ang gagawin mo?! Fck you! Break na tayo!"



Ngumisi lang sa kanya si Gerard. "Makikipagbreak naman talaga ako sayo eh. Naunahan mo lang ako sa pagsabi niyan."

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang